THIRD PERSON
"Do you want to play something interesting?"
"But you need to promise me first that you will never tell anyone about our game,"
"Can't I atleast tell Daddy about it?"
"No, baby. This game... will be our greatest secret. Do you still want to play with me?"
Napahikbi ang isang batang babae sa dalampasigan. Nabitawan niya ang ang hawak nitong stuff toy saka makailang beses na humagulhol sa iyak. "I want you back, mom..." puno ng pagsusumamo ang mga mata niyang walang tigil sa pag-agos ng luha. Nagmamakaawang bumalik ang taong matagal na niyang inaasam-asam na bumalik.
Wala sa sariling naglakad siya sa dagat. Unti-unti na siyang nilalamon ng tubig ngunit walang sawa pa din siya sa pag-iyak. Wala na siyang ibang gustong mangyari kundi ang makita ang kanyang ina. Naipikit na lamang niya ang kanyang mga mata, na tila ba'y handa na ito sa kung ano man ang mangyari sa kanya.
"YAH!" isang matinis na boses ang kanyang narinig dahilan para muli niyang imulat ang kanyang mga mata. "How dare you hide down there without planning to pay what you owe me?" dagdag pa ng batang sumigaw.
"Sh*t!" automatikong nagising si Azalea at napabangon sa kanyang hinihigaan. Napahawak siya sa kanyang dibdib at habol-habol ang kanyang hininga na para bang daig pa ang taong tumakbo ng ilang kilometro ang layo. May mangilan-ngilang butil din ng pawis ang nasa kanyang noo, kaya't hindi maitatangging nanggaling na naman siya sa isang panaginip na matagal na niyang gustong kalimutan.
"Finally, you're awake," nakangiting Izon ang bumungad sa kanya pagkagising niya.
"N-Nasaan ako? 'Yong mga kaibigan ko?" unti-unti siyang napabangon at iginala ang kanyang paningin.
Kasalukuyan siya ngayong nasa silid ng binata. Pagkatapos niyang mawalan ng malay kanina, gustuhin man ni Izon na dalhin siya sa hospital, ngunit hindi niya magawa dahil pinagbawalan siya ni Nixel sa kadahilanang hindi niya alam. Pilit niya itong tinatanong kung bakit, pero ang tanging sagot lang nito ay hindi sanay si Azalea na manatili nang matagal sa hospital, kung kaya't dinala na lang niya ito sa kanyang condo.
Biglang napawi ang ngiti sa labi ni Izon nang makita niya ang expresyong nakapaskil sa mukha ng dalaga. Nabalot siya ng pagkabahala dahil sa nakikita niyang pangamba sa mga mata ng babaeng kaharap niya. "You look terrified. Are you okay?" tanong niya. Napaiwas ng tingin si Azalea at hindi sumagot. "Hey? Is there something wrong? Looks like you're not okay," muli niyang tanong. Bakas sa kanyang boses kung gaano ito nag-aalala.
"I-I'm fine," utal ng dalaga. Bumaba siya sa kama saka tumayo. "I'm leaving. Thanks for accompanying me while I was unconscious," dagdag pa niya at nagsimulang maglakad palabas ng silid.
"Okay. I'll go and get my car key. Just wait me—" napahinto si Izon sa pagsasalita nang hindi na siya nilingon pa ni Azalea dahil diretso lang itong lumabas sa unit niya. "Okay lang ba talaga siya?" napatanong na lang siya sa kanyang sarili dahil halata namang may mali, base sa ikinikilos ng dalaga.
Kinuha niya ang susi ng kanyang kotse saka sinundan ang hakbang ni Azalea palabas ng kanyang unit. Aakmang bubuksan pa lang sana niya ang pinto nang bigla na lamang itong bumukas.
Muling pumasok si Azalea sa kanyang unit at hinarap siya. "Have you seen my purse?"
"Nalunod ka kanina and then—"
"Nasa'yo ba?" she said, cutting him off. Halatang nagmamadali ito.
"Wala?" patanong na sagot ni Izon. Medyo nabigla din siya sa inaakto ngayon ng dalaga.
Naging balisa si Azalea at napahawak pa ito sa kanyang baba na parang nag-iisip nang malalalim. Napakunot noo si Izon dahil medyo naguguluhan na din siya kung ano ba talaga ang gusto nitong sabihin. "Is there anything else that I could help or assist you with?"
"Look, nakakahiya man sabihin 'to pero... Argh! Ganito kasi 'yon," napasabunot si Azalea sa kanyang buhok na para bang inis na inis siya, dahilan para mas lalong maguluhan si Izon sa kanyang ipinapakita. "Alam mong wala akong malay kanina, right?" napabaling siya sa binata,
"Right." maikling sagot nito sa kanya.
"Since wala nga akong malay, obviously wala din akong kaalam-alam if what's going on while I was unconscious on bed. Right?" sunod niyang tanong.
"Yeah," hindi mawari ni Izon kung ano ba ang gusto niyang ipahiwatig dahil sa mga pinagsasabi nito.
"Kung nandito lang sana ang mga kaibigan ko--"
"Make it plain and enough with your blabber," hindi na niya nakayanan at pinutol ang pagsasalita nito. "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?"
Napakamot si Azalea sa kanyang batok saka nahihiyang tinitigan ang lalaking kaharap niya, "Can you lend me..."
"Lend you what?"
"Pamasahe ko sana pauwi," sa wakas at nasabi niya na din ang gusto niyang sabihin. Lahat na yata ng kahihiyan ay nilunok na niya para lang sabihin ang katagang kahit kailan ay hindi niya hiniling sa kung na sino lamang.
"Wala akong pera but I can offer you a ride," ngisi ng binata at ipinakita pa sa kanya ang hawak nitong susi.
"Kahit pamasahe lang na singkwenta?" hindi makapaniwalang tanong nito, pero bakas sa boses niya ang umaasang makakahiram siya dito ng pamasahe pauwi.
Sino nga ba ang maniniwala na walang pera ang taong minsan nang umalok sayo ng trabaho at sasahoran ka ng malaking salapi?
"Magbabayad naman ako eh, kahit patungan mo pa ng interest. Walang-wala kasi ako ngayon," panunuyo niya.
Kahit na anong mangyari, hindi siya pwedeng sumabay kay Izon, iyon ang tumatakbo ngayon sa isip niya. Natatakot siya na baka mas lalong maging komplikado ang sitwasyon. Pagmamay-ari na si Izon ng babaeng nagngangalang Samantha, kaya hangga't maari, kailangan niyang iwasan ang kung ano mang pagmamay-ari na ng iba. Ayaw na niyang masundan pa ang nangyaring gulo kanina.
"Tch. Forget about what I said," ani ng dalaga nang makitang wala man lang planong papahiramin siya ng binata ng pera base sa hitsura nito.
Kaagad siyang tumalikod at lumabas, iniwang walang paalam si Izon. Diri-diretso lang ang kanyang lakad hanggang sa makarating siya sa elevator. Tulala at laglag balikat ito matapos ang ilang minutong pananatili sa loob ng elevator at nang tuluyan na nga niyang nilisan ang condominuim building.
"Kahit si Nizel na lang sana," she mumbled as she glanced over the building where Nizel's unit located at. Alam niyang magkaparehas lang ng inuukupahang gusali ang unit ni Izon at ng kaibigan niya. "Kaso ang labo. Mukhang wala siya dito," nagpakawala siya ng isang buntong hininga na para bang daig pa niya ang taong pasan-pasan ang mundo dahil sa problemang kinakaharap.
Ano nga ba ang magagawa niya maliban sa umasang may makakatulong sa kanya para makauwi sa kanyang apartment. Wala sa kanya ang kanyang purse na naglalaman ng kanyang pera at telepono.
*beep*
Halos mapaigtad siya sa gulat nang may biglang bumusina sa kanyang harapan. Pagkakita niya kung sino ang may pakana nito, automatikong kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang mga kilay.
"Hop in! Ihahatid na kita," alok ni Izon habang nakadungaw ito sa bintana na nasa passenger's seat.
"Thanks but no thanks," tanggi naman ni Azalea sa alok niya.
"How are you suppose to go home sa lagay na 'yan? Do you still have a choice?" panunukso ng binata at sumilay ang ngisi sa kanyang labi.
"I have my ways!" napairap ito, tila buo ang kumpiyansa nitong sagot kahit sa totoo lang ay wala na talaga siyang maisip na ibang paraan para makauwi, maliban na lang kung sisimulan niyang maglakad ngayon kahit na abutin pa siya ng buong magdamag, makarating lang sa kanyang apartment.
"I'll count to three. Aalis na ako kapag hindi ka parin sumabay sakin," nagsimula na itong magbanta. Gulat namang napatingin sa kanya si Azalea at nagsimula nang hindi mapakali, kung kaya't mas lalong sumilay ang kanyang ngisi.
"Fine!" pagpayag nito. Wala na siyang iba pang pagpipilian dahil kapag hindi pa siya pumayag dito, siguradong sa kalsada siya pupulutin. "Sasabay ako ngayon sayo dahil gipit ako." rason niya nang makapasok siya sa kotse ni Izon. Inayos niya ang kanyang seatbelt at nang makita niyang nakatitig lang ito sa kanya, muli na naman siyang napairap. "Magda-drive ka ba o hindi?"
"Oo na," naiiling na sambit ng binata saka nagsimulang magmaneho.
* * * *
Habang nasa kalagitnaan sila ng byahe, makailang minuto na din ang nakalipas, hindi pa rin maalis sa isipan ni Izon ang pagkabalisa kanina ng babaeng kasama niya ngayon. Saglit siyang napabaling dito at nakitang nakadungaw lang ito sa labas ng kotse.
"You look terrified earlier. Would you mind me asking you why?" pagbasag niya sa katahimikan pero ang paningin niya ay naka-pokus lang sa daan.
"Huh?" takang tanong na bumaling sa kanya si Azalea.
"Kung ayaw mong sabihin, okay lang."
Makailang segundong nabalot ng katahimikan ang dalaga. "M-May naalala lang ako," utal nito, halatang ayaw nitong sabihin. Medyo naging awkward na din para sa kanya ang ambiance na bumabalot sa pagitan nilang dalawa, kaya inilihis niya ang kanyang paningin sa labas.
Muling napabaling sa kanya si Izon. Pinili na lang niya ang huwag magsalita dahil mukhang hindi kumportable and babaeng kausap niya. Ngunit isa lang ang nasa isip niya, sigurado siyang may tinatago ito.
"Itabi mo na lang diyan. Bababa na ako," biglang sambit ni Azalea at sinimulang tanggalin ang kanyang pagkaka-seatbelt.
"Sigurado ka?"
"Yeah. Nasa bandang unahan lang ang apartment ko,"
"Okay then,"
Kaagad na itinabi ni Izon ang kanyang kotse kagaya ng utos sa kanya. Humarap siya sa babaeng kasama niya saka ngumiti. "Please have some rest, okay?" marahan nitong hinaplos ang buhok ng dalaga dahilan para magulat ito at wala sa oras na itinabig ang kanyang kamay. "Oh well, sorry for that. I just want you to have a good sleep and I'm sorry for what happened earlier," sabi niya pero at halata ang pagiging guilty sa mukha niya.
Hindi na sumagot pa si Azalea at kaagad na binuksan ang pinto at lumabas. "Thanks," maikli niyang sambit saka tumalikod at nagsimulang maglakad patungo sa kanyang apartment.
Mas lalo lang tuloy siyang nakaramdam ng pagkabalisa lalo na sa ipinapakita sa kanya ni Izon. 'Bakit bigla na lang naging maalalahanin 'yon?' Hindi niya maiwasan na tanungin ang kanyang sarili. Dati, hindi naman siya ganyan. Puro kahihiyan nga lang ang dala niya sa buhay niya, kaya't isang malaking katanungan kung bakit parang biglang umihip ang lakas ng hangin sa utak ni Izon.
Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. Ipagsawalang bahala na lang niya ang iniisip niya ngayon dahil gusto na niyang ipahinga ang sarili niya, lalong lalo na ang utak niya. Saktong nasa labas na din siya ng kanyang apartment. Napayoko siya at kinuha sa ilalim ng floormat na nasa labas ng apartment ang susi ng tinutuluyan niya. Aakmang gagamitin na sana niya ang susi nang bigla na lang bumukas ang pinto.
Kahit na nagtataka ay nagpatuloy na lang siya sa loob. Binuksan niya ang ilaw dahil binalot ng kadiliman ang bawat sulok ng kanyang apartment. Mag-aalas dose na din kasi ng hating gabi. Dumiretso siya sa kanyang kwarto, ngunit bago pa man niya mabuksan ang nasabing kwarto, isang baritonong boses ang pumaibabaw sa katahimikan ng hating gabi.
"Long time no see, Lea..." ani nito.
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig pagkakita niya kung sino ang nagsalita. Isang lalaki na kasalukuyang nasa sofa at tila ba'y kanina pa naghihintay sa kanya.