THIRD PERSON
"Long time no see, Lea..."
Despite feeling anxious, Azalea managed to compose herself still. She had no choice but to remain calm dahil ayaw niyang ipakita sa kanyang kapatid na nababalisa siya sa presensya nito.
"Anong kailangan mo?" prangka niyang tanong.
"Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?" pabalang na sagot sa kanya ni Jasper dahilan para titigan niya ito nang masama. "Ginaganyan mo na 'ko ngayon? Naks naman, Lea." nagpakawala ito ng isang pagak na tawa at hindi niya mapigilan ang makaramdam ng mas lalong pagkabalisa.
Jasper turns out to be his step brother nang muling magpakasal ang kanyang ama pagkatapos mamatay ang kanyang ina. Isa ito sa mga dahilan kung bakit lumuwas siya papuntang manila, kasabay ng pagtalikod niya sa nakaraang gusto niyang kalimutan.
"May pera ka ba diyan?" sunod na tanong ng kanyang kapatid.
"Wala--"
"Lumuwas pa 'ko ng Manila para lang puntahan ka dito tapos sasabihin mong wala? Ginag*go mo ba 'ko?" asik nito na labis niyang ikinagulat.
Hindi niya magawang makasagot dahil maliban sa wala siyang lakas na loob na kausapin ito nang harapan, hindi niya pa napaghandaan ang muling pagkikita nilang dalawa. Isang napakalaking trauma ang ginawa nito sa kanya dati, kaya't gano'n na lamang ang kabang nararamdaman niya gayong kaharap niya ito.
"Kasama ko nga pala si Toffer. Miss ka daw ng g*go kaya nagpupumilit na sumama dito." pag-iiba ng kapatid niya sa usapan.
Bahagyang nagsitaasan ang mga balahibo ni Azalea pagkarinig niya sa pangalan ni Toffer. Unti-unting nagsidagsaan ang mga butil ng pawis sa kanyang noo, at ultimong katawan niya ay nanlamig, pero nanatili pa din siyang kalmado.
"U-Umalis ka na..." nanghihina niyang pakiusap. Mabibigat ang hininga na kanyang pinapakawalan kasabay ng mapait na alaalang muling nagrerehistro sa kanyang utak.
"Kadarating ko lang--"
"Kuya, please..." Ang mga mata niya'y nanunuyo, nakikiusap na sana'y tantanan na siya ng lalaking kaharap niya ngayon. "Pagod ako at wala akong oras para sabayan ang kung ano mang trip meron ka ngayon. Umalis ka na."
Napangisi na lamang si Jasper dahil kitang-kita niya ang takot sa mata ng kanyang kapatid. Alam niyang kahinaan nito si Toffer kaya noong banggitin niya ang pangalan nito, sa simula't sapol, alam niyang grabe ang dating nito para kay Azalea. Alam niya ang kung ano mang nakaraan meron sina Azalea at Toffer dahil siya ang puno't dulo ng lahat.
"What's going on here?"
Isang malakas na kalabog ang bumulaga sa kanila at iniluwa nito si Izon na nakakunot ang noo at masamang nakatitig kay Jasper na hanggang ngayon ay prente pa ding nakaupo sa sofa. "Are you okay?" kaagad na nilapitan nito si Azalea at hinawakan sa magkabilang balikat.
Nakahinga naman nang maluwag ang dalaga dahil kahit papano'y alam niyang ligtas siya sa tabi ni Izon. Kampante siyang wala nang mangyayaring masama sa kanya ngayon.
"Tch tch tch." napatayo si Jasper at kinuha ang cap na nasa center table saka ito inayos at isinuot. Naglakad siya papalapit sa gawi ng kapatid at nang balakin niya sanang hawakan ito ay kaagad namang umiwas si Azalea. Napailing siya saka ngumisi pero hindi maipagkakailang hindi niya gusto ang inakto ng kapatid. "Kita na lang tayo sa susunod, bunso." paalam niya. Bago pa man siya humakbang palabas sa pinto, binalingan niya muna si Izon at tinimbangan ang masamang titig nito.
"Kapatid mo 'yon?" hindi mapigilang tanong ni Izon nang tuluyan nang makaalis ang nasabing kapatid ni Azalea.
"Anong ginagawa mo dito?" hindi pinansin ng dalaga ang kanyang tanong.
"You're not answering my question--"
"Anong ginagawa mo dito?" pag-uulit nito at bahagyang tumaas ang tono ng pananalita niya. Masyadong nakakapagod para sa kanyang ang araw na 'to, kaya ayaw na niyang dagdagan pa ni Izon ang inis na nararamdaman niya ngayon.
Blangko ang expresyon na itinaas ng binata ang hawak na purse. "I just remembered Nixel left your purse inside my car as I drove you to my unit." he said, still not showing any expression.
"Thanks. Makakaalis ka na." Walang pag-aalinlangang kinuha ni Azalea sa kanya ang purse saka aakmang tatalikod na sana nang muling magtanong si Izon at hinawakan ang braso niya.
"Sagutin mo muna ang tanong ko. Sino ba 'yon?"
"Ano bang pakialam mo?" inis niyang hiyaw at tinabig ang kamay ng binata.
"I'm worried and--"
"Worried? Oh, sige nga. Sino ang babaeng 'yon? The one who pushed me, making me fell to the pool?" she probed, her eyes darkened while holding her purse tightly na para bang dito niya na lang ibinubuntong ang inis na nararamdaman. Muli na namang naglandas sa kanyang isip ang babaeng nakausap niya kanina sa birthday party ng ina ni Izon.
Hindi makapagsalita si Izon, at nanatiling nakatitig lamang sa kanya. Hindi siya makasagot sa kadahilanang hindi niya din alam kung ano ba ang dapat na isagot.
"Bakit hindi ka makasagot? Worried ka nga ba talaga? O baka worried ka lang kasi hindi ka maka-score sakin, gano'n ba 'yon, Izon?" tuluyan na ngang inilabas ni Azalea ang kinikimkim na inis.
"Is that how you think of me?" bakas sa boses ni Izon ang pagkadismaya. Hindi niya inaasahan na gano'n pala ang tingin ni Azalea sa kanya. Nag-aalala lang naman siya at hindi ibig sabihin no'n na masama ang kanyang balak.
"Bakit kasi ayaw mong sagutin? Ang simple lang ng tanong ko, sino ang babaeng 'yon?" pagpupumilit ng dalaga, tila sabik na sabik malaman ang sagot dahil ayaw niyang pangunahan na naman siya ng maling akusasyon niya.
Hindi pa din magawang sumagot ni Izon at base sa expresyon niya, mukhang wala talaga siyang balak na sabihin kay Azalea kung sino ang babaeng 'yon, at sino siya sa buhay niya.
"Umalis ka na lang." kalmadong pahayag nito at tuluyan na ngang tumalikod.
Gusto niya lang naman makumpirma kung sino ba talaga 'yon dahil ayaw niyang masangkot sa gulo. Ayaw niyang masangkot sa isang relasyon kung sakali mang totoo ang mga hinala niya. Galit na galit sa kanya ang babae dahilan para itulak siya nito sa pool, patunay lang iyon na may namamagitan talaga sa kanilang dalawa at gusto niyang makasiguro ngayon.
"She's Samantha," maikling sambit ni Izon. Napatigil si Azalea at tila nag-aabang sa susunod na sasabihin ng binata. "She's my girlfriend..." he added and finally concluded her assumptions. "Yeah, she's my girlfriend but--"
"Magpapahinga na 'ko. Bukas na lang tayo mag-usap." she interrupted his words and continued walking to her room.
Hindi siya sigurado kung pagod ba talaga siya o sadyang nanghihina siya pagkarinig niya mismo sa bibig ng binata kung kaano-ano niya ang babaeng nakipag-away sa kanya. Masakit mang isipin pero isa lang ang masasabi niya. He made her a fool and her mistake was letting him enter into her life. Pinaglalaruan lang siya at isang malaking katangahan ang naniwala siyang malinis ang hangarin nito sa kanya.
"Azalea..." mahinang bulalas ni Izon at wala nang magawa nang pagsarhan siya nito ng pinto.