AZALEA
"My parents are starting to hate you." nakangusong sambit sakin ni Nixel at pabagsak na ipinatong ang kanyang ulo sa mesa.
Nginitian ko lang siya bilang tugon at hindi na nagawa pang sumagot. Kasalukuyan kaming nandirito ngayon sa cafeteria dahil katatapos lang ng klase namin sa statistic. Lunch time na din kasi kaya dito kami kaagad dumiretso at para hintayin na din ang kakambal niyang si Nizel.
"They even told us not to come near you." nabangon siya saka napangiwi. "Pero alam mo naman na hindi namin kaya ni Nizel ang layuan ka, diba? I don't care if I may look like a rebelled daughter dahil lang sinusuway ko ang parents ko. I know you better than them, so no worries, I will and never leave your side no matter what." she then wink at me as if giving me an assurance that I could always have her back whatever may happen.
"Thank you."
I will always be grateful for having someone like her as my friend. She may sometimes nosy and annoying but she's ready to back up if ever something happened to me. Kinwento niya sakin ang naganap kagabi pagkatapos kong mawalan ng malay. Ewan ko na lang kung ano ang mangyayari sakin kung sakaling hindi pa siya nakarating dun.
"Kasalanan kasi 'to ng bruhildang Samantha na 'yon. Ang lakas ng apog niyang apihin ka. Sino ba siya sa inaakala niya?" nanggagalaiti niyang tanong. Halata sa boses niya ang inis at anytime ay pwede na siyang sumabog. "May atraso ka ba do'n? Bakit gano'n na lang kung tratuhin ka niya?"
Nakagat ko na lamang ang ibabang parte ng labi ko at piniling huwag magsalita. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na girlfriend 'yon ni Izon dahil baka mas lalo lang gumulo. Kasalanan ko din naman kung bakit nangyari 'yon sakin. Hindi ko man lang sinigurado kung wala bang ibang karelasyon si Izon at isang malaking pagkakamali ang maging third party sa relasyon nila.
"Hey!" naagaw ang atensyon namin ng lalaking umupo sa harap ko. Mabuti na lang at dumating siya dahil paniguradong gigisahin ako ng sandamakmak na katanungan ni Nixel kung sakali mang hindi ako makasagot. "Have you had lunch yet?" tanong ni Nizel habang nakatingin sakin.
"Wow, naman. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kumain na ako, huh? Mahal kong kakambal?" puno ng sarkastikong tanong ni Nixel. Panira talaga ang babaeng 'to. Psh.
"What do you want for lunch?" baling sa kanya ni Nizel saka pilit na ngumiti na kaagad namang ikinapalakpak ni Nixel.
"Yan ang gusto ko sa'yo eh. The usual serving for me, same with Azalea." Masaya niyang sagot habang binubuksan ang pitaka niya. “It’s on me.” Dagdag pa niya bago ibinigay sa kanyang kakambal ang sariling lunchcard.
"Okay. I'll go and get your lunch." Nakangiting sambit ni Nizel pero bago pa man siya dumiretso papuntang counter ay napatingin siya saka saka nagrehistro ng matamis na ngiti sa kanyang labi.
"Pansin ko lang ha. May gusto ba sayo si Nizel?" biglang agaw pansin ni Nixel habang nakapako ang tingin sa papalayong pigura ng kanyang kakambal.
"H-Huh?" biglang kumalabog ang dibdib ko na hindi maipaliwanag. Hindi ko alam kung bakit, pero bahagya na lamang akong nakaramdam ng kaba.
"O baka naman friendly lang talaga 'yong kakambal ko. Nevermind." Pagbawi niya sa kanyang sinabi. "Anyway, kumusta na pala 'yong anak ng birthday celebrant kagabi? Ka-secret affair mo siya, diba?" pag-iiba niya sa usapan dahilan para mapasamid ako sa sariling laway.
"S-Secret affair? Anong secret affair ang pinagsasabi mo?" kunot noong tanong ko sa kanya.
Secret affair? Sino? Si Izon? Talaga bang nasisiraan na ng ulo ‘tong kaibigan ko? At saang lupalop naman niya nahagilap na ka-secret affair ko ang siraulong ‘yon?
"Bakit? Hindi ba?" prangka niyang tanong habang nakahalukipkip na nakatingin sakin.
Bigla akong natigilan saka napaisip sa sinabi niya. Kung sabagay, may point naman si Nixel knowing na ginawa akong kabit si Izon at kagabi ko lang nalaman na may girlfriend pala siya. In fact, muntikan pa nga akong mahulog sa mga pakulo niya. Ang laki ko naman kasing tanga at mabilis na nagpapaniwala sa kanya.
“Woy!” I was taken aback when Nixel snapped her fingers right in front of my face. “You’re spacing out. Kanina pa nagri-ring ang phone mo. Wala ka bang balak na sagutin ‘yan?”
Napabaling ang tingin ko sa hawak kong phone at nakita ang isang unregistered number na tumatawag sakin. Sino naman ‘to?
"Excuse me...” mahina kong bulong saka sinagot ang tawag. Nagbabakasakaling isa ito sa mga pinag-applyan kong trabaho noong nakaraang linggo. I need to make more money para sa tuition fee dahil malapit na ang finals at kulang na kulang ang sahod ko sa fastfood na pinagta-trabahuan ko. “Hello?" mahinahon kong sambit sa kabilang linya.
[Can we talk?]
Kaagad kong tinapos ang tawag pagkarinig ko sa boses ng lalaki. I knew it was him.
"Sino 'yon?" nagtatakang tanong ni Nixel.
"W-Wrong number." Pilit kong ngiti saka kunwaring hinalungkat ang laman ng bag ko. “Siyanga pala, meron ka bang—”
Napahinto ako sa pagsasalita nang muling tumunog ang telepono ko. Anak ng— malilintikan talaga sakin ‘tong Izon na ‘to. I already blocked his number last night, pero eto na naman siya at ayaw akong tantanan.
"Sino ba 'yan?" bakas sa boses ng kaibigan ko ang inis at tila ba’y kinakain na din siya ng kuryosidad niya at gustong malaman kung sino ang hinayupak na panay ang tawag sakin.
"Here's your order, ma'am."
Save by the bell. Biglang dumating si Nizel na hawak hawak ang dalawang tray at pinatong ito sa table namin. He’s always a blessing to me lalo na sa mga eksena na ganito. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin kay Nixel na si Izon ang tumatawag dahil baka kung ano pa ang sabihin niya. Wala pa nga siyang proof, tinawag na niya akong ka-secret affair ni Izon how much more if malaman niyang may koneksyon parin kaming dalawa? Tch.
"Wait! Where's my lemon tea for drinks? Don't tell me kinalimutan mo?" maarteng tugon niya sa kanyang kakambal saka pinanlisikan ito ng mata.
"You can get yours instead." Pamimilosopo sa kanya ni Nizel saka bumaling sakin. “I got your fave set of meals.” Sambit niya at nakangiting inilagay sa harap ko ang C8 order na kadalasan kong kinakain tuwing lunch break.
"Aish!" inis na tumayo si Nixel at naglakad papuntang counter.
Umupo si Nizel kaharap ko saka nagsimulang kumain. Nakatitig lang ako sa kanya nang muli kong maramdaman ang pag-vibrate ng telepono ko, hudyat na may tumatawag na naman sakin.
"What? Is there something wrong?" tanong niya sakin nang maramdamang kanina pa ako nakatitig sa kanya.
"We may not that close enough to do me a favor, but can ask you one?" nagdadalawang isip kong tanong dahilan para saglit siyang mapahinto pero maya-maya’y ngumiti din.
"Sure. What is it?"
I declined the call and let out a deep sigh. I may sound impulsive for making this decision but I have no choice but to cut ties with Izon and this is the least thing that I could do.
Kakapalan ko na ang mukha ko.
"Let's date."