AZALEA
"Would you like me to walk you through your working place?"
Nakatungo ako habang naglalakad ngunit bigla na lamang akong napabaling kay Nizel nang tanungin niya ako. Napilitan akong ngumiti at nag-aalangang sumagot. That’s strange, knowing Nizel never asked to accompany me ever.
"Wow naman. Kina-career mo na ngayon ang pagiging instant boyfriend?" singit ni Nixel at saka hinaluan pa ng nakakalokang tawa.
Kaninang lunch, I told them about my plan na gawing boyfriend si Nizel if ever Izon suddenly appears. Medyo kinakabahan pa nga ako dahil baka ma-disappoint sakin si Nizel, but to my surprise, he agreed and told me that I can use him anytime I want for my own benefit. He also admitted that he hates seeing Izon around at para na din hindi na siya panay pangungulit sakin.
"Naku! Huwag na. Malapit lang naman dito ang pinagtatrabahuan ko.” Sagot ko sabay ngiti sa kanya at nang pasadhan ko ng tingin ang kaibigan kong si Nixel, pinanlakihan ko siya ng mata na para bang binabalaan na ‘subukan mo lang ulit na mang-asar—lagot ka sakin’.
"Sigurado ka?" paninigurado pa ni Nizel na kaagad ko namang ikinatango.
“Aish. First day niyo as mag-jowa tapos ganyan kayo?” muling singit ng kakambal niya kung kaya’t isang matalim na titig ang iginawad ko sa kanya. “Charot lang naman. Parang hindi na kayo mabiro.” Dagdag niya saka nauna nang maglakad.
"Mag-ingat kayo," baling ko kay Nizel bago humiwalay ng landas sa kanila.
Papunta silang parking area ng university habang sa exit gate naman ang direksyon ko. I even waved goodbyes to them hanggang sa tuluyan na nga akong humiwalay sa kanila. Napatingin ako sa hawak kong phone para i-check kung anong oras na at saktong may natitira pa akong kalahating oras bago ang shift ko sa trabaho. Minadali ko na lang ang paglalakad. Ilang metro lang naman ang layo, at kung tutuusin ay hindi lalagpas sa sampung minuto kung lalakarin ito mula sa university namin.
"Uy! Bakit wala ka kahapon?" salubong sakin ng kasamahan ko sa fastfood, si Jennie. Kasalukuyan siyang naglilinis sa sahig dahil wala pang masyadong customer. Mamayang 5pm pa talaga ang dagsa ng customer dito dahil kagagaling sa trabaho ang madalas na customer namin.
"Nagka-emergency lang, saka nagpaalam na din naman ako kay Sir Yael na hindi muna ako papasok." Simpleng sagot ko saka pilit na ngumiti bago siya nilagpasan. Hindi pa ako sigurado kung maituturing bang emergency ang dahilan ng pagliban ko kahapon. Hays.
Dumiretso ako sa locker room para sana magbihis nang bigla kong marinig ang pangalan ko na tinatawag. "Lea!?"
"Yes, sir?" napadungaw ako sa may pinto at nakita si Sir Yael.
"May naghahanap sayo sa labas." Sabi niya at sinenyasan akong lumabas.
"Po?" napakamot ako sa batok ko at pinigilan na huwag mairita.
Sigurado akong ang siraulong si Izon na naman ‘yon. Sino pa ba ang mahilig na mangulit at magpapansin sakin maliban sa kanya? Aish. Kung pwede lang sana na ipatapon siya sa kabilang universe para hindi na niya ako guluhin, kaso ang labo.
"Puntahan mo na habang wala pang masyadong customer."
Mabuti na lang at mabait itong si Sir Yael. Strikto lang siya kapag maraming customer, pero kung ganitong walang masyadong katao, hinahayaan niya lang kami na mag-excuse kapag may bisita o naghahanap samin.
"Okay, sir."
Tinali ko na lang ang buhok ko at hindi na muna nagpalit ng uniporme ko sa trabaho. Kung tama nga ang kutob ko na si Izon ang naghahanap sakin, wala akong balak na magtagal na kausapin siya.
Papalabas pa lang ako pero isang pamilyar na bulto ng nakatalikod na lalaki ang nakikita ko na nakatayo hindi kalayuan sa entrance nitong fastfood. Naging maliliit ang hakbang ko, nagdadalawang isip kung dapat ko pa bang harapin ang sinasabi ng boss ko na naghahanap daw sakin.
Nang tuluyan na akong makalabas, nakumpirma kong ito nga ang kapatid ko, at automatikong napatayo ang balahibo ko sa katawan nang makita ko kung sino ang kasama niya. Si Toffer. Saktong pagkalingon niya ay nagtama ang paningin naming dalawa. Sumilay ang ngisi sa kanyang labi at sunod na bumaling sakin ang kapatid ko.
Hindi ko itatangging kinakain na naman ako ng takot ko paunti-unti. Ultimong mga paa ko ay napahinto sa paglalakad at ang tanging nagawa ko lang ay titigan silang dalawa. I know they can’t do anything against me lalo na’t nasa public area kami, pero nandito pa din sakin ang kaba at takot. Kinakabahan ako na baka may kung ano na naman silang gagawin at the same time, natatakot ako na baka maulit ang nangyari, ilang taon na ang nakalipas.
Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kanila. "Ano na naman 'to, kuya? K-Kung kailangan mo ng pera, wala akong pera." Nilakasan ko ang loob ko at pinilit na titigan siya. Balak sana akong hawakan ni Toffer pero kaagad kong tinabig ang kanyang kamay. "Huwag kang lumapit." pigil ko saka napayuko.
Nanginginig man ang tuhod ko pero hindi ko pinahalata sa kanila. Ayokong sabihin na naman nila na mahina ako. Ayokong maramdaman nila na natatakot ako kapag kaharap ko sila. I don’t want them to take advantage of my weakness.
"Chill! Hindi naman kita gagalawin—"
"Sabi nang huwag kang lumapit!" napahiyaw ako nang wala sa oras pero hindi ko pa din maiangat ang tingin ko.
Napapikit ako nang mariin, pilit na itinatanggi ng isip ko ang nangyari, ilang taon na ang nakakalipas. Unti-unti na namang nagrerehistro sa utak ko ang nangyari. Unti-unti na namang nagiging sariwa ang nakaraang ayaw ko nang balikan.
"Let go!" isang pamilyar na boses ang sumigaw at naramdaman ko na lang ang paghigit ni Izon sa braso ko.
"Kung siniswerte ka nga naman. Ikaw yung lalaking dumating kahapon, diba?" maangas na tanong sa kanya ng kapatid ko. "Jowa mo ba 'yan?" dinig ko pang tanong nito dahilan para mapatago ako sa likuran ni Izon.
"You okay?" nag-aalalang tanong sakin ni Izon at kaagad naman akong tumango kahit na medyo nangangantog parin ang tuhod ko.
Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Parang anytime ay pwede akong matumba lalo na at sobrang bilis ng pintig ng puso ko.
"Aba, g*go 'to ah. Tinatanong kita—"
Hindi na nagawa pang magsalita ni Jasper nang bigla siyang suntukin ni Izon dahilan para matumba siya sa sahig. Napahawak siya sa kanyang labi na nasuntok at nang malasahan niya ang dugo ay kaagad siyang dumura kapag kuwa’y napangisi. Tinulungan siyang makatayo ni Toffer ngunit hindi pa din maalis ang ngisi sa kanyang labi.
"If you dare harassing my girlfriend once more, I'll struggle you to death till you see no daylight again." Pagbabanta ni Izon gamit ang malamig niyang boses. Masama ang mga titig na binalingan niya si Toffer bago tumalikod. "Let's go." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok sa kotse niya. Hindi na ako nakaangal pa dahil ayaw ko namang harapin ang kapatid ko sa kadahilanang hanggang ngayon ay nanginginig pa din ang tuhod ko.
Nagsimulang magmaneho si Izon at nang makita kong medyo malayo-layo na kami kung saan ako nagta-trabaho, "Stop the car." Mahinahon ngunit bakas sa boses ko ang autoridad.
Patuloy pa din siya sa pagmamaneho na para bang hindi narinig ang sinabi ko. "I said, stop the car!" pasigaw kong utos sa pangalawang pagkakataon. Kaagad niyang naipreno ang kotse at umakto naman akong bubuksan sana ang pinto.
"Don't go," his words made me stop from what I supposed to do. “I can’t bear seeing you turning your back at me…” He added, making me stared back at him. Sumalubong sakin ang mapupungay niyang mga mata at nagsusumamong nakatitig sakin.
Hindi tama 'to. Maling-mali ito. May girlfriend na siya,
Sunod ko na lang naramdam ang paglapat ng labi niya sakin. Hindi ko alam kung papano siya kaagad na nakalapit sakin. Hinayaan ko ang sarili kong magpakalunod sa kanyang halik at kaagad na tumugon dito. Ang kanang kamay niya ay paunti-unting lumalakbay hanggang sa mapadpad ito sa loob ng suot kong uniporme.
"Uhmm..." I moaned, feeling an intense sensation with his gentle touch inside me.
*PEEEEPPPP*
Bahagya ko siyang naitulak nang makarinig ako ng magkasunod na busina mula sa kotseng nakasunod samin. Napabaling ako kay Izon at bakas sa kanyang mukha ang pagkairita habang magkasalubong ang dalawang kilay niya sa inis.
"Tch." He then moved his car para tumigil na sa kakabusina ang sa likuran namin. "I'll reclaim you later, babe." He added as he winks at me and lifted the corner of his lips.
I must be insane. Ano ba 'tong ginagawa ko?