Kabanata 7

2009 Words
AZALEA Mag-iisang buwan na simula nung hindi na nagpapakita si Izon. The last time I saw him, yun yung nasa restaurant kami. Pagkatapos nun, hindi na siya nagpaparamdam. Mas mabuti na nga yun at wala ng may mangungulit sakin. “Azalea, can you do me a favor?” Napatingin ako kay Nixel na ngayon ay nakanguso. Panigurado, may kalokohan na naman siyang iuutos sakin. “Kung hindi yan kalokohan, I'll do it. Pero kapag yan—” “Ok! Ok!” putol niya at mas lalo pang ngumuso “kung pwede lang sanang kunin mo yung laptop ko kay twinie. Nandun kasi lahat ng documents na gagawan ko ng hard copy. Kung hindi lang sana ako busy ngayon, baka—” “Oo na.” Pasalamat siya at magkatabi lang ang building ng Engineering at Business Education department. Good thing. Makikita ko na naman si Nizel. “Sa pagkakaalam ko, vacant niya ngayon at dahil ayokong mapagod yung beshie ko, tatawagan ko na lang si Nizel at sasabihing magkita kayo sa round table dun sa baba nitong building.” napailing na lang ako kay Nixel tsaka tumayo. “Maghihintay na lang ako sa baba. Bye.” paalam ko at lumabas na ng classroom. Dumaan muna ako sa CR ng building namin para maghugas ng kamay bago dumiretso sa hagdan at bumaba. “Mixz.” Napatingin ako sa lalaking sumigaw kaya napangiti ako. Si Nizel. Nakatayo siya malapit sa round table habang kumakaway sakin. “Si Nixel, inutusan niya 'kong kunin ko daw sayo yung laptop niya. Dala mo ba?” nahihiya kong sabi sabay hawak sa nape ko pagkalapit ko sa kanya. “Hindi. Naiwan ko sa condo ko.” “Ha? Kailangan yun ng kapatid mo.” Kawawa naman si Nixel kung hindi niya magagawan ng hardcopy ngayon lahat ng documents sa laptop niya, paniguradong tambak na naman siya bukas. “Vacant niyo ngayon diba?” “Oo..” “Samahan mo 'ko sa condo” Ohmyghad. Seryoso ba 'to? Niyayaya niya akong sumama sa condo niya? Harujusko. Kinikilig ako haha. “Seryoso ka ba talaga?” hindi makapaniwalang tanong ko. Baka kasi nagbibiro. “Huh? Bakit naman hindi?” Yaaaaaaaaaah! Feeling ko, eto na talaga. Maya-maya lang mag-uupgrade na yung status between us. Ang lakas ng kutob ko. Yiiiiieeeeeh. “Tara na.” masaya kong yaya sabay hawak sa kamay niya at hinila siya palabas ng campus. First time kong pupunta sa condo niya and this time, makakapasok na din ako, sa wakas. “Mixz?” “Huh?” baling ko sa kanya. Napatingin siya sa kamay ko dahilan para mapatingin din ako dito at napagtanto kong nakahawak nga pala ako sa kamay niya kaya mabilis ko itong binitiwan. “S-Sorry.” paumanhin ko dito. Ang tanga mo talaga self. Masyado kang pahalata. Nakakahiya. “It's ok.” nakangiti niyang tugon at mas lalo akong napahiya. Bakit ko kasi hinawakan yung kamay niya? Next time, kailangan ko bigyan ng limitation si self. Baka sumobra pa sa kaharutan kapag nagkataon. *** “Ilang subject na lang ang sa inyo before dismissal?” tanong niya sakin habang nagd-drive. Nandito kami ngayon sa kotse niya at tinutungo ang daan papunta sa building ng condo niya. “Isa na lang at mamayang 3 o'clock pa yun.” sagot ko at ibinaling ang tingin sa labas. Muling nabalot ng katahimikan ang loob ng kotse kaya minabuti ko na lang ang huwag umimik dahil baka madala na naman ako, at kung mamalasin baka mahalata ako ni Nizel. “Hintayin mo na lang ako sa labas. Ipa-park ko lang 'to.” sabi niya sakin nang makarating kami sa building. “Sige..” binuksan ko ang kotse niya tsaka lumabas. Tumayo ako di kalayuan sa parking area at pinagmasdan ang kotse niyang naghahanap ng bakanteng pwesto. Mabilis lang ang pagkaka-park niya, kaya mabilis din siyang nakarating sa pwesto ko. “Tara na.” nakangiti niyang sambit at nagulat na lang ako bigla nang hinawakan niya ang kamay ko at siya naman yung nanghila sakin papasok sa building. Ang lakas ng kalabog saking dibdib at ayokong tanungin siya kung bakit niya hinahawakan yung kamay ko dahil baka bumitaw din siya kagaya ng ginawa ko kanina. Sana ganito na lang lagi. Minsan may mabuting idinudulot din pala ang mga inuutos ni Nixel, mas lalo akong napapalapit sa kakambal niya. “Elevator na lang ang gamitin natin.” hindi mawala yung ngiti niya sa tuwing magsasalita siya. Yan! Dahil sa mga ngiti niyang yan, kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Tinungo namin ang daan papunta sa elevator. Naghintay kami sa harap nito at nag-aabang na bumukas. Syempre, while waiting magkahawak pa din yung kamay namin. “Gusto mo bang kumain muna tayo sa labas bago mo ihatid ang laptop sa kapatid ko? Hindi pa kasi ako kumakain ng lunch.” Feeling ko tuloy hugis puso na yung mga mata ko. Grabe, hindi ko na kaya. First, gusto niya 'kong sumama dito sa condo niya, tapos ngayon, niyayaya niya 'kong kumain sa labas. Kyaaaaaaah! I kennat! “S-Sige.” bahala na yung magka-utal utal. Ganito pala yung feeling na mainlove. Ang galing ng closure naming dalawa. Maya-maya lang, biglang bumukas ang elevator. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react dahil sa bumungad sa'min. Napabitaw ako kay Nizel tsaka tinitigan ang dalawang tao na naghahalikan sa loob ng elevator. Hindi parin sila tumitigil sa paghahalikan hanggang sa biglang tumikhim si Nizel. Napatigil sila sa kanilang ginagawa at gulat ang mga matang tinitigan kami. “Azalea?” bulalas ni Izon nang makita ako. Parang hindi siya makapaniwala na nandito ako sa harap niya at nasaksihan ko pa ang mainit-init nilang scene. “Excuse us.” hinila ako ni Nizel papasok sa elevator kasabay ng paghila nang babae ni Izon sa kanya. Bago pa man tuluyang sumara ang elevator. Nakita ko kung paano mag-iba ang awra ni Izon. Napakuyom siya sa kanyang kamao at halos magkapantay ang dalawa niyang kilay na para bang galit na galit. Mabuti na yung may iba na naman siyang natitipuhan, nang sa ganun hindi na niya talaga ako kukulitin. Pagkalabas namin sa elevator, parang mukha pa akong tanga na napaawang ng bibig. Coincidence lang ba 'to? “If I'm not mistaken. Nasa palapag na 'to ang condo ni Izon.” mahina kong sabi habang napapailing. “May sinasabi ka ba?” “W-Wala.” isang pilit na ngiti ang isinukli ko sa kanya Pumasok kami sa unit ni Nizel at hindi ko mapigilan ang hindi mamangha dahil sa ganda nito. First time kong makapasok dito, pero matagal ko nang alam na nandirito sa building ang condo niya. “Kukunin ko lang ang laptop.” Ngumiti lang ako sabay tango habang iginagala ang paningin sa loob. Lalaking-lalaki ang theme ng bawat sulok. And I never expect na sobrang linis ng unit. Hindi naman sa pagiging assumera, pero nafe-feel kong magiging ganito kalinis ang future bahay ko. Haha. “Here, hawakan mo,” binigay niya sakin ang bag na pinaglagyan ng laptop kaya agad ko itong kinuha “hintayin mo 'ko dito. May kukunin lang ako.” pumasok siya sa kanyang kwarto. Minabuti ko na lang ang lumabas sa unit niya para dun na lang siya hintayin. “So, dito niya talaga dinadala ang mga babae niya?” mahina kong sabi nang makita ko ang unit ni Izon na hindi kalayuan sa unit ni Nizel. Naalala ko yung nakita namin kanina sa elevator. Mukhang uhaw na uhaw sa halik ang siraulong yun, hindi man lang sila nag-iisip kung ano na lang ang iisipin ng mga taong makakakita sa kanila sa ganoong sitwasyon. Tsss “Baby...” Muntikan na 'kong mapatalon sa gulat nang may biglang yumakap sa'king bewang. Napatingin ako kung sino at nakita kong isiniksik ni Izon ang ulo niya sa leeg ko habang nakapikit. Anak ng— Ano na naman ang ginagawa niya dito “I missed you.” malumanay niyang sabi at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin. “Bitaw!” utos ko pero hindi man lang siya nakinig sakin “Sisigaw ako dito kapag hindi mo 'ko—” “I don't care.” “Hindi ako magdadalawang isip na sum—” “I fvcking missed my baby.” napahiwalay siya sakin at isang ngiti ang nakapaskil sa kanyang mukha. “Did you missed me?” tanong niya dahilan para mapatawa ako ng mapakla tsaka siya tinalikuran. Siya mami-miss ko? Never! “I guess bitterly laughing means no.” “Buti naman at alam—HOY! SAAN MO 'KO DADALHIN?” napasigaw ako dahil sa biglaan niyang paghila at dinala ako sa—UNIT NIYA? “P-Palabasin mo ako.” halos hindi na magkamayo yung mga kalamnan ko nang isinara niya ang pinto ng kanyang unit. “May gagawin pa 'ko kaya palabasin mo 'ko.” muli kong utos ngunit nanatili pa din siyang walang sagot at mukhang walang balak na sumagot sakin. “Izon!” nagmamakaawa na yung boses ko dahil kailangan ko nang ibigay 'tong dala kong laptop kay Nixel at baka hinahanap na 'ko ni Nizel sa labas. Magde-date pa kami. “You like him?” out of nowhere niyang tanong. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya sa tanong niya. “Ano ba'ng pinagsasabi mo? Palabasin mo 'ko—” “It's a fvcking yes or no question. Answer me, do you like him?” bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko at ramdam ko ang pagdiin ng kamay niya sakin. “Ano ba? Wala kang pakialam kung gusto ko siya o hindi. Bitiwan mo 'ko.” iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak at mabilis na lumayo sa kanya. Kita ko sa mata niya ang inis at hindi ko maipagkakailang kinakabahan ako dahil baka ang inis na yan ay maging galit at baka kung ano pang gawin niya sakin. “I-I'm jealous.” Hindi ko mapigilan ang muling mapatawa ng mapakla dahil sa sinabi niya. “Wow. Nagseselos ka? Kay Nizel?” napangisi ako sabay iling dahil sa sinabi niya “Don't worry, walang may nangyari sa'min. Hindi ako nakipag-s*x sa kanya at ganun din siya sakin. Wanna know why? Kasi hindi siya yung tipo ng taong kagaya mo na basta-basta na lang—” “Seryoso ako!” medyo tumaas yung boses niya kaya mas lalo akong napatawa. “Tigilan mo 'ko, Izon.” Nagseselos siya kay Nizel? Eh, halos magka-laplapan na sila kanina ng babae niya sa elevator, tapos sasabihin niyang nagseselos siya? Baliw na talaga siya “Don't come near him.” mahina niyang sambit pero batid ko dito ang seryoso ng kanyang tono, kaya napataas ang kaliwa kong kilay dahil dun. “Sino ka ba sa tingin mo para utusan ako ng ganyan—” “I'm just guarding what's mine.” mahinahon niyang sabi dahilan para mapahinto ako sa kakatalak. I'm his? Bakit hindi yata ako na-informed? “I am no one's property, okay? Saka isa pa, halos isang buwan kang hindi nagpakita sakin tapos bigla bigla ka na lang susulpot sabay pagbawalan ako sa paglapit kay Nizel?” nanggigigil na 'ko sa kanya dahil sa mga walang kwenta niyang pinagsasabi. “Palabasin mo 'ko” “Azalea, gusto kita—” “Shut up! Palabasin mo na 'ko” “Mag-on na tayo?” Oh heck! No way! Ang lakas ng loob niyang sabihin yan sa harap ko. Ni hindi nga siya marunong bumili ng napkin, tapos sasabihin niyang 'kami na'? He's sick. Tsk “The feeling is not mutual. Kaya magbibilang ako hanggang tatlo para buksan mo 'tong unit mo.” Seryoso ang mga matang tinitigan ko siya habang nakahalukipkip ang dalawa kong braso. Paubos na yung pasensya ko kaya kunti na lang, titirisin ko talaga 'to. “Isa.” bilang ko pero napangiwi lang siya at bantay sarado pa din sa pinto. “Sabihin mo munang mag-on na tayo—” “Dalawa!” “Sabihin mo na kasi—” “TATLO!!” “Fine! I'll court you.” tugon niya na parang ubos na din yung pasensya. Anak ng— He must be crazy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD