Kabanata 8

1327 Words
AZALEA "Lea! Sa table eight ang isang 'to." Kinuha ko kay Jennie ang tray tsaka tinungo ang table na tinutukoy niya. "Enjoy your meal." nakangiti kong tugon sa customer pagkatapos kong ilapag sa table ang inorder nila. After ng sagutan namin kanina ni Izon, iniwan ko siya at hindi ko na din naabutan si Nizel kaya wala akong choice kundi ang mag-isang bumalik sa school. "Doon ka muna sa kitchen, tulungan mong maghugas si Miguel." utos sakin ng ka-trabaho ko kaya napatango na lang ako at dumiretso sa kusina. I work as a part-timer dito sa fastfood. Hindi masyadong kalakihan ang sweldo kaya minsan dinadagdagan ko pa ang mga sideline ko para lang makabayad ng tuition. "Ikaw muna ang bahala dito." sabi ni Miguel pagkalapit ko sa kitchen sink. Binigay niya sakin ang sponge na ginagamit pang-hugas kaya kinuha ko na lang at ako na ang nagpatuloy sa ginagawa niyang paghugas ng mga pinagkainan ng customers. Ganito lagi yung eksena ko dito, minsan nakakapagod na pero wala akong magawa dahil ganitong buhay lang ang meron ako. Wala namang may tumutulong sakin sa mga gastusin ko dahil lahat yata ng mga kamag-anak ko, walang pakialam sakin. "Lea! Bilisan mo diyan, madami pang customer dito." dinig kong sigaw ni Jennie kaya mas lalo kong binilisan yung ginagawa ko. Sa loob ng apat na oras na pagtatrabaho ko sa gabing 'to, halos pabalik-balik sa kusina at paghahatid ng order ang ginawa ko. Medyo nangangalay na nga din yung katawan ko at ramdam ko na ang pagod. "Sweldo mo." nakangiting inabot sakin ng supervisor namin ang isang puting sobre kaya kaagad ko itong kinuha. "Pagbutihan mo pa sa susunod. Okay?" tumango ako sa kanya tsaka nagpasalamat at iniwan na niya 'ko. Pumunta ako sa locker namin tsaka kinuha ang bag ko. Binuksan ko muna ang sobre at tinignan ang laman nito bago lumabas. Pitong libo sa isang buwan. Hindi na masama, pero mukhang mamomroblema na naman ako kung paano pagkasyahin 'to at paano magtitira para sa iniipon kong pambayad sa tuition. Kailangan ko na yatang pagtrabahuan ang iba ko pang bakanteng oras pagkatapos ng dismissal sa school. "Mauna na 'ko sa inyo." paalam ko sa mga kasamahan ko at tinanguan naman nila ako kaya lumabas na 'ko. "Ihahatid na kita." Napatingin ako sa lalaking nakatayo at nakasandal sa isang kotseng itim habang nakahalukipkip. "Kung nandito ka para mambwisit. Wala ako sa mood, Izon." sagot ko sa kanya at nilagpasan siya. Madami na akong iniisip at ayokong idagdag pa siya sa listahan ko. "Alam kong pagod ka na, kaya ihahatid na kita." bigla niya akong hinila at pilit na pinapasok sa kotse niya. Wala na 'kong nagawa nang pinagsarhan niya 'ko ng pinto nang makapasok ako sa loob. Nakita kong bumukas yung kabila at umupo siya sa driver's seat. "Bilang manliligaw mo, alam ko naman na kahit sabihin kong tumigil ka na sa pagpa-part time mo, hindi ka pa din makikinig sakin, kaya susunduin na lang kita sa tuwing pauwi ka na galing sa trabaho. Ayos ba?" may pa-kindat pang nalalaman ang loko kaya hindi ko mapigilan ang mapairap. Wala talaga siya sa timing. "Balakadiyan." sagot ko sa kanya sabay iwas ng tingin at mapasandal sa bintana. "Seryoso ako." napahawak siya sa kamay ko kaya napabaling ako sa kanya ng tingin. "Ihatid mo na 'ko. Gusto ko nang matulog." sabi ko sa kanya at inalis yung kamay niyang nakahawak sakin. I have no strength para makipagbangayan pa sa kanya. Gusto ko na lang umuwi. *** IZON's POINT of VIEW She must be tired. Nakita ko kanina kung anong klaseng trabaho ang meron siya. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata yung pagod pero hindi niya pa din pinahalata at patuloy lang sa ginagawa niya. Kung pwede ko lang sana siyang patigilin sa trabaho niya, kaso ayaw niya talaga. Matiwasay kaming nakarating sa apartment niya. Hindi ko na nagawang magtanong ng address sa kanya dahil alam ko naman kung saan siya tumutuloy. "Baby. Gising na," niyugyug ko ang magkabilang balikat niya at kaagad naman siyang nagising. "Nandito na tayo." muli kong usal at kinusot niya pa ang mga mata niya. Lumabas ako sa kotse tsaka pumunta sa kabilang side at pinagbuksan siya ng pinto. "Thanks." bigla niya akong tinalikuran at dumiretso sa gate ng apartment niya. Sinundan ko siya ng lakad hanggang sa makapasok siya. "Umuwi ka na." utos niya sabay bukas sa pinto ng bahay at pumasok. "Nagpa-deliver ako for dinner. Alam kong hindi ka pa kumakain." pumasok ako kasunod niya pero hindi na siya sumagot nang pumasok siya sa isang kwarto. Naupo ako sa sofa na nandito sa sala at maya-maya'y bigla na lang tumunog yung door bell sa labas. Napatayo ako at naglakad palabas para tingnan kung sino. "Delivery po." sagot ng lalaking naka-motor. Lumapit ako sa gate tsaka kinuha ang pinadeliver ko at binayaran pagkatapos. Pumasok ulit ako sa loob at nadatnang nasa sala na si Azalea na nanonood ng TV habang kumakain ng chichirya. Nakabihis na din siya ng pambahay. "Umorder na ako." pumasok ako sa kusina at inilagay sa mesa ang pagkain bago bumalik sa sala. Umupo ako sa tabi niya at balak ko na sanang agawin yung kinakain niya nang bigla niya itong inilayo. "Tigilan mo na ang pagkain sa mga ganyang klaseng pagkain." utos ko pero naka-pokus pa din siya sa pinapanood niya. "Seryoso ka ba talaga sa ginagawa mo?" Nakatitig ako sa kanya pero nakatutok lang ang mga mata niya sa pinapanood niyang palabas. "Alin dun?" "Yung liligawan mo 'ko." sabi niya sabay baling sakin ng tingin. Seryoso ang mga mata niya at tila naghihintay din ng seryosong sagot mula sakin. "Kapag sinabi kong seryoso ako, totoo 'yon." sagot ko sabay iwas ng tingin at nanood na lang din sa palabas. "Gusto mo?" inabot niya sakin ang kinakain niyang chichirya pero umiling lang ako bilang sagot "Tikman mo. Pa-thank you ko man lang sayo dahil hinatid mo 'ko" pilit niya pa at mas inilapit pa sakin ang kinakain niya. "Hindi ako kumakain ng ganyan." "Ang arte. Sige na." "Ayoko." "Sige ka, kapag hindi mo tinikman 'to, mapipilitan talaga akong ipatikim 'to sayo." Bakit bigla yata 'tong naging mapilit? "Ikaw na lang ang kumai-" Bahagya akong napahinto nang bigla niyang hawakan ang dalawa kong pisnge tsaka kaagad akong hinalikan. Halos magsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa gulat. Hindi ko inaakalang gagawin niya 'tong ginagawa niya ngayon. Napahawak siya sa batok ko at maya-maya lang ay naramdaman ko na lang ang pagkandong niya sakin habang hindi pa din tumitigil ang paghahalikan namin. Nalalasahan ko na ang kinain niyang chichirya pero walang tigil pa din siya sa ginagawa niya. Marahan akong napahawak sa kanyang batok habang yung isa kong kamay ay nakahawak sa hita niya. Mas pinalalim ko pa ang halik namin hanggang sa unti-unti niyang tinanggal ang pagkaka-butones ng polo ko. "Sabi ko naman sayo, ipapatikim ko talaga ang kinakain ko. Masarap diba?" Napailing na lang ako dahil sa tanong niya bago ko siya muling hinalikan. Balak ko na sanang hubarin yung damit niya nang bigla niya akong pinigilan. Hinubad niya yung suot kong polo at malayang naglakbay ang kamay niya sa katawan ko. Patuloy pa din ako sa paghalik sa kanya at hinihintay na siya mismo ang maghuhubad ng damit niya. "Can you promise me one thing?" napahinto siya sa ginagawa niya kaya napahinto din ako. "What is it?" Napayoko siya sabay buntong ng hininga bago muli akong tinitigan. "Takot akong maiwan, Izon." nanggigilid yung luha niya pero bigla niya itong pinahid. "May mga tao kasi na gustong pumasok sa buhay ko, pero kapag pinapasok ko naman sila.. bigla bigla na lang silang mang-iiwan." napatingin pa siya sa kisame at tila pilit na pinipigilan yung pag-iyak niya. "Gusto kitang papasukin sa mundo ko. Pero sana, huwag mo din akong iwan kagaya ng ginawa nila." tuluyan na ngang nagpakawala ang mga luhang kanina niya pa gustong ilabas. Kaagad ko siyang niyakap at marahang hinaplos ang likuran niya. "I will never leave you. I promise." sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD