THIRD PERSON
Kanina pa palinga-linga si Nizel sa kabuuan ng fastfood sa pag-aakalang makikita niya si Azalea, kaya’t nang mapadaan ang isang crew sa table niya, kaagad niya itong tinanong. “Miss, excuse me. I am looking for Azalea Mixz Allejo.”
Saglit na napatitig sa kanya ang babae. Tila nahumaling sa taglay niyang kagwapuhan dahilan para hindi ito kaagad na makasagot. “Miss?” muling tawag niya sa crew at nang mahismasmasan ito mula sa pagkakahumaling sa kanya, kaagad siyang gumawad ng malapad na ngiti.
“S-Si Lea po? Hindi po siya pumasok ngayong gabi. May sumundo sa kanya kaninang lalaki at nagpaalam siya kay boss kung pwede daw ba siyang lumiban ngayon.” Sagot ng kausap niya.
Bahagyang napaisip si Nizel kung sinong lalaki ang sumundo sa kanya. Napakunot pa ang kanyang noo dahil maliban sa kanya, wala naman ibang kakilalang lalaki si Azalea, at kung meron man, sigurado siyang malalaman niya kung sino man ito lalo pa’t mapili ang dalaga pagdating sa mga lalaking lumalapit sa kanya.
“Thanks for letting me know.” Nasabi na lang niya saka pilit na ngumiti bago ito tumayo at naglakad palabas. Bakas ang pagkadismaya sa kanyang hitsura. He already has plans for tonight pero mukhang hindi pa yata matutuloy.
"Hey! Kanina ka pa?" isang babaeng kagagaling sa pagtakbo at ngayo’y hinihingal ang lumapit sa kanya.
He forced a smile, not making it obvious. Hindi niya maiwasan na suriin ito mula ulo hanggang paa, pero lingid sa kaalaman ni Azalea dahil abala siya sa paghahabol ng kanyang hininga. “I just arrived. Where have you been?” pagsisinungaling niya.
Ang totoo, kanina pa talaga siya dito pero ayaw niya namang mapahiya ang kaibigan kung kaya’t nasabi niya na lang na kadarating niya lang.
"P-Pauwi na sana, kaso bigla kang tumawag kaya bumalik ako." Pilit ang ngiti nang sumagot sa kanya ang dalaga.
There he felt guilt. Parang may pinagkakaabalahan ang kanyang kaibigan pero dahil bigla siyang umeksena, mukhang mas lalo pa itong naabala.
"Did I bother you?" sunod niyang tanong pero kaagad naman itong umiling saka mas nilaparan pa ang ngiti. Gusto niya pa sana itong tanungin kung sino ang lalaking sumundo sa kanya kanina pero hindi na lang siya naglakas ng loob dahil baka iba pa ang isipin ni Azalea.
"Kumain ka na ba?" he changed the topic after he gently tapped her head . Iyon naman talaga ang plano niya ngayong gabi, ang yayain ang kaibigan na kumain. Hahayaan niya na lang na si Azalea na mismo ang magsabi sa kanya tungkol sa lalaki na sinasabi ng isang crew kanina.
“Hindi pa.”
"May alam akong malapit na Japanesse Restaurant dito." Kaagad na kinuha ni Nizel ang kanyang phone para sana ipakita kay Azalea ang Japanesse Restaurant na may mataas na rating online, pero nang muli siyang mapatitig dito ay nakita niyang nakapokus lang ang paningin nito sa hawak na cellphone at hindi maipagkakaila ang pagkabahala sa hitsura nito.
"May problema ba?"
Awtomatikong napabaling sa kanya si Azalea at tila’y daig pa ang taong nagulat sa expresyon na pinapakita niya ngayon. "H-Huh? W-Wala." Utal niyang sagot.
‘Something is up’ ani ng isipan ni Nizel at hindi mapigilang mag-alala sa kaibigan.
Humakbang siya papalit kay Azalea saka nagsusumamo itong tinitigan. “Are you sure?” pinasadhan niya ang buhok ng dalaga saka inipit sa tenga ang iilang hibla ng buhok na nakasagabal sa pisngi nito. "You look anxious." Dagdag niya.
“Uhm… A-Ano kasi…” medyo nag-aalangan pa si Azalea bago muling tumitig sa hawak nitong telepono. “I… I have something to tell you…” hindi siya sigurado kung tama ba ang desisyon niyang sabihin kay Nizel na nagkita sila kanina ni Izon.
Saglit na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Hinihintay siya ni Nizel na sabihin ang kung ano mang gusto niyang sabihin habang siya naman ay pinapakiramdaman kung nasa great timing ba siya ngayon para isali sa usapan si Izon?
‘Hindi naman siya siguro magagalit, diba? Besides, wala naman siyang dapat ikagalit dahil wala naman akong may ginawang masama. Izon just helped me from my brother at kung may masama man akong ginawa, kasalanan na ni Izon ‘yon dahil tinangay niya ako papunta sa condo niya.’ Bulong ng kanyang isipan saka nagpatango-tango pa na para bang may point siya sa part na ‘yon.
“I… I met—”
Hindi na niya nagawa pang tapusin ang balak niyang sabihin nang biglang sumulpot na parang kabute si Izon sa kanyang likuran. “There you are!” sambit nito saka siya inakbayan. “I told you to wait me inside my unit but guess like you love hanging out with a punk.” Kinuha nito ang dala niyang bag bago siya hinigit papalapit dito. “Let’s go.”
Mabilis pa sa alas kwatrong hinawakan ni Nizel ang kanang kamay ni Azalea dahilan para hindi sila makaalis. “Let go.” Kalmado ngunit bakas sa boses niya ang pagkaasar.
Izon smirked as he averted his gaze to Nizel. “Is that a command?” pang-aasar niya pa lalo.
Sa kabilang banda, tahimik na nagdarasal si Azalea na sana bigla na lang siya maglaho na parang bula. Laking pasasalamat niya na titigan lang ang ginagawa ng dalawang lalaking kasama niya, dahil kung hindi, paniguradong nakaabang na ang mga medic sa kanila.
“Don’t you know who I am?” nanatiling kalmado si Nizel at tinimbangan ang matalim na titig ni Izon na para bang wala siyang ni katiting na takot na nararamdaman kahit na alam niyang isa sa mga shareholders ng business nila ang pamilya nila ni Izon.
“I’m not interested… Let’s go, babe.” Pabalang na sagot ni Izon saka magtatangka na naman sanang umalis nang mas lalo pang hinigpitan ni Nizel ang pagkakahawak kay Azalea.
Izon annoyingly let go of Azalea. He harshly combed his ash browned hair with his bare hand before looking intensely at Nizel. “What do you want? Pakibilisan lang dahil nagmamadali kami.”
Napabitaw din si Nizel sa dalaga saka mariing tinitigan si Izon. “She’s my girlfriend.” Walang kagatol-gatol niyang sambit.
Muntikan pang mabulunan si Azalea sa sariling laway dahil hindi niya inaakalang sasabihin ‘yon ni Nizel na walang pasabi. Alam niyang may usapan sila na aakto ang binata na kasintahan niya sa harap ni Izon, pero huwag naman sana ang biglaan.
“And then?”
“I don’t repeat what I’ve said.”
Mas lalong naging intense ang ambiance na meron sila dahil mukhang walang may magpapaawat sa dalawa. Si Izon na medyo mayabang ang dating habang si Nizel naman na kalmado lang pero walang duda na kumulo ang dugo niya sa kaharap.
Pagak na napatawa si Izon saka naiiling na binalingan ulit si Nizel. “Looks like you’re anticipating another response from me. So, what exactly do you want me to do? Should I arrange a banquet for you? Or would you want me to place you on the top page of the newspaper with a caption that says you’ve finally found a girlfriend after since birth of being single?”
Napapikit na lamang si Azalea habang hinihilot ang kanyang sintido. Kailangan niyang magplano kung papano patigilin ang dalawang ‘to. She needs to do something bago dumanak ng dugo sa harap niya, ika ng isipan niya.
“Please let me know ASAP. You are well aware that I am capable of such feats.” Dagdag pa ni Izon na mas lalong nagpaasar kay Nizel.
Pabalik-balik na tinitigan ni Azalea ang dalawang lalaki na nasa kanyang harapan. Sunod niyang inusisa kung ilang pulgada ang layo niya sa dalawa. Sakto lang para isagawa ang nag-iisang plano na nasa isip niya. Ayaw niyang pagitnaan ng away kaya bahala na.
“Wait!” sigaw niya para agawin ang kanilang atensyon at hindi naman siya nabigo dahil napatingin sa kanya ang dalawa. “I-I’m having a bad stomach right now.” Ngiwi niya at napahawak siya sa kanyang tiyan saka pakunwaring namilipit sa sakit.
Napakunot noo na lamang si Izon habang si Nizel ay nagbabalak na sanang lapitan siya nang bigla niya itong pinigil. “If you excuse me…” she moved a certain distance from them, still the grimace on her face is visible as a part of her act.
Hindi na nakaangal ang dalawa nang kaagad na kumaripas si Azalea ng takbo. Napailing pa si Izon saka naglakad para sundan siya. There’s no point staying here gayong umalis na ang taong pakay niya.
“You’re into something kaya ka panay lapit ng lapit kay Mixz.” Prangkang sambit ni Nizel dahilan para mapahinto ito sa balak na pag-alis. “I’m warning you. Stop messing with her.” Bakas sa boses niya ang pagkaseryoso at animo’y wala siyang oras na makipaglokohan. Ayaw niyang magpaligoy-ligoy pa.
Dahan-dahang binalingan siya ni Izon. “Or else?” dugtong niya habang preskong nakahalukipkip. “It has nothing to do with you whatever my intention is. Besides, hindi mo naman talaga siya girlfriend, so don’t act as if daig mo pa ang boyfriend na inagawan ng girlfriend. Tch.” Napaismid siya kay Nizel bago ito tinalikuran at tuluyang naglakad palayo.
Napatingin siya sa hawak niyang bag saka sumilay ang isang ngisi sa kanyang labi. Kinuha niya ang kanyang cellphone at walang kagatol na tinawagan ang isang numero.
“Did you just left your bag with me?” bungad niya pagkasagot ni Azalea sa tawag niya.
Nabalot ng katahimikan ang nasa kabilang linya. Sa puntong ito lang din napag-alaman ng dalaga na wala siyang bitbit na bag at tanging yung cellphone niya lang ang meron siya ngayon. Sa dinami-dami ba naman ng pwede niyang makalimutan, bakit yung bag pa niya? At sa kamalas-malasan, kasalukuyan pa itong na kay Izon.
“Bukas ko na—”
“I won’t hesitate throwing it somewhere after ten minutes of not showing up in front of me.”
“Nahihibang ka na ba talaga?”
“Your ten minutes starts now. I’ll be waiting inside my unit.” Ngisi ni Izon na para bang waging-wagi siya ngayong gabi. Tatapusin na niya sana ang tawag at hindi na gugustuhin pang makarinig ng reklamo sa kabilang linya nang may bigla siyang maalala. “No! Not my unit. Have you remembered the address which I gave you when we first met?”
Kung sa unit niya pupunta si Azalea para kunin ang bag nito, paniguradong magkikita na naman sila ni Nizel at ‘yon ang ayaw niyang mangyari.
“Bastard!” hiyaw ng nasa kabilang linya.
“Sorry for being territorial, babe. I just don’t like the idea of sharing you with someone who isn't as good as I am.” Ngiting tagumpay niyang tinapos ang tawag.