AZALEA
Minadali ko ang pagpunta sa address na sinabi sakin ni Izon. Tanda ko pa ‘yon hanggang ngayon, dahil maliban sa matalas ang memorya na meron ako, malapit din ito sa school at madalas kong madaanan ang subdivision nila sa tuwing pumupuntang work.
“Yung bag ko?” kaagad kong tanong pagkapasok ko sa main door ng mansion at nakita ko siyang nakaupo sa bandang counter table sa dining room. Kitang-kita mula dito ang dining room since it was just right next to the living area.
Makailang beses din akong nag-door bell sa gate nila pero hindi man lang ako sinagot ng loko, kaya minabuti ko na lang ang dumiretso sa loob since hindi naman naka-kandado ang gate.
Binalingan niya ako saglit. “The food just arrived on time. Kumain ka na.”
“Yung bag ko?” pag-uulit ko dahil hindi man lang niya pinansin ang tanong ko. This time, naglakad ako palapit sa kanya para kapag hindi niya pa din ako sagutin nang maayos, mas mabilis ko siyang mababatukan.
“Tinapon ko na.”
“Umayos ka kung ayaw mong pektusan kita.”
“We had an agreement, babe. Sinabi ko naman sayo na itatapon ko ‘yon kapag hindi ka nagpakita within—” Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya dahilan para tumigil siya saka laglag balikat na ibinalik ang tingin sa kinakain niya. “Nando’n sa couch. Tch.” Sunod niyang sabi na para bang he left no choice but to stop pranking me. “Hindi ka man lang ba kakain?” dinig ko pang tanong niya nang makita niya akong naglakad papunta sa main door pagkatapos kong makuha ang bag.
“Pagkatapos mo ‘kong ginawang taga-bitbit ng bag mo, gano’n gano’n an lang ‘yon?” muli niyang dagdag na tila’y daig pa ang isang batang nagmamaktol.
“Siraulo ka ba? O sadyang may saltik lang talaga ‘yang utak mo?” inis kong sagot at nagsimulang humakbang papunta sa kinaroroonan niya. Umupo ako sa isa pang stool na katabi niya saka ko ipinatong ang sariling bag sa counter table.
Napatitig lang ako sa kanya habang abala siya sa pagkain. Hindi din naman siya nag-atubiling kausapin ako pagkaupo ko sa tabi niya. “Kanina…” pagbasag ko sa katahimikan. He stared at me blankly and moved his gaze back to his food, as if no one could take away his attention aside from what he was eating. “Nizel told you that I am his girlfriend.” I continued and waited for his reaction.
I have no appetite pagkatapos kong muntikan nang madawit sa kanilang dalawa kanina, kaya ang tanging ginawa ko lang ay naupo habang tinititigan siya. I owed him earlier nang makipagkita sakin ang kapatid ko, and this is the least thing that I could do as my gratitude.
He placed his fork right next to his plate and averted his gaze at me. “I don’t believe him until you say so.” He said bluntly.
“Then what if sabihin ko na totoo ang sinabi niya kanina?”
“If that’s the case, I still won’t believe you.” He insisted. “How could you respond and kiss me while we were stuck inside my car if you already had a boyfriend? Not unless if you don’t love him that much.” He added, making me awe in embarrassment.
Kailangan pa bang ulit-ulitin ‘yon? I made a mistake, okay? I believe, no one could ever resist him. He’s Izon Bricks Villamor for Pete’s sake, and he obviously got everything a man could ever have and dreamt of.
“At ikaw…” pinitik niya ako sa noo. “Hatalang may gusto sayo ang siraulong ‘yon, tapos kinukunsinti mo pang ipaglandakan ka niya sa iba na girlfriend ka niya. Huwag gano’n.” sermon niya bago tumayo at niligpit and pinagkainan niya.
Tinitigan ko lang ang nakatalikod niyang pigura hanggang sa dumiretso siya sa sink. Naghugas siya ng kamay bago niya binuksan ang fridge at uminom ng tubig. Kitang-kita mula dito sa kinauupuan ko ang paggalaw ng adams apple niya sa tuwing nilalagok niya ang kanyang iniinom.
Sa totoo lang, gwapo naman talaga si Izon eh. Maganda din naman ang girlfriend niyang si Samantha. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ako palagi ang kinukulit niya at hindi ang girlfriend niya? Knowing na may pagkababaero siya, at kung sino-sino lang na babae ang inuuwi niya. Pero sa ganda ba naman ni Samantha, no comment na lang sa ugali niya, tiba-tiba na nga siya dun kung tutuusin eh.
“What about you?” bigla kong tanong dahilan para mapabaling siya sakin. “Do you really intend to make me one of your mistresses?” natanong ko na lang na wala sa oras. Naninigurado lang ako dahil ayaw na ayaw ko sa lahat ang sumabit sa relasyon ng iba.
I wasn’t born to be someone else’s mistress. Sayang lang ang ganda ko kung sa pagiging kabit lang naman pala ang destinasyon ko. Naalala ko pa dati ang sabi ni mama, ‘Ayos lang kung partner mo ay panget, huwag lang maging kabit’. Hanggang ngayon, pinanghahawakan ko pa din ang bilin na ‘yan.
“Samantha is just my girlfriend but it doesn’t mean that I am genuinely in love with her.” Paliwanag niya at naglakad pabalik dito sa counter table. Napahawak siya sa balikat ko saka sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya. “I’m yours and will be forever yours, hon. You don’t have to worry about her.”
Ilang endearment pa ba ang kailangan kong marinig galing sa kanya? Tch.
“Tch, tigilan mo ‘ko sa mga pakulo mo. Ayokong sumabit, Izon.”
“As if naman na hahayaan kitang sumabit.” Pabiro niyang sagot saka napatawa.
Pinili ko na lang ang tumahimik dahil mukhang walang ka-sense sense kausap ang isang ‘to. Kinakausap ng maayos pero puro pamimilosopo lang ang alam. Tch.