Kabanata 19

1059 Words
AZALEA Nag-early dismissal 'yong professor namin sa last period this morning dahil may biglaang emergency daw siya. Ibig sabihin, maaga din kaming makakapag-lunch ngayon at pasado alas-diyes pa lang ng umaga. “So, anong plano mo next week? U-week na,” Napatingin ako kay Nixel nang magsalita siya. Napakibit balikat na lang ako saka sinimulang iligpit ang mga gamit. “Maghahanap ng extra jobs. Finals na din next month e. Tas pag iipunan ko din yung tuition ko para sa next semester,” sagot ko sa kanya. Well, for some students, university-week was their most awaited event para magsaya sa magaganap na mga school activities, but for me? Nah, I only took it for granted para maghanap ng part time jobs dahil walang pasok. “Ang boring naman. Kailan ka ba matatapos sa kakaipon? Pwede bang for once, pag-enjoy-en mo naman sarili mo?” pagmamaktol ng kaibigan ko. “You'll never understand me. Wala naman kasi akong magulang para magbayad sa pag-aaral ko.” giit ko. That's the saddest thing about being a working student. Wala kang ibang aasahan kundi ang sarili mo. “Ilang beses ko namang sinabi sayo dati na ako na ang bahala sa tuition mo para di ka na mapagod sa kahahanap ng trabaho, pero ayaw mo naman. Hayst,” “Thanks but no thanks. Mas gusto ko pa din na huwag umasa sa iba at magbanat ng sariling buto.” I forced a smile, thinking how fortunate I am to have a friend like her. Loka-loka lang 'yan at times, pero nag-aalala 'yan sakin. Ayoko naman i-take for granted ang pagkakaibigan namin at gamitin siya. “Ano ka ba! Tsaka girlfriend ka naman ng kapatid ko, kaya ayos lang yun, ano!” Saglit akong napahinto sa ginagawa ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. Nag-guilty na naman ako sa ginawa kong pag-iwan sa kanya kagabi. As if naman na may choice pa ako. Kahit sino naman siguro ang nasa sitwasyon ko, gagawin din 'yong ginawa ko. “Pero hindi naman talaga totoo ang samin ng kakambal mo,” pagtatanggi ko. “Sus, edi totohanin niyo na lang. Ang dali lang no'n,” walang kagatol-gatol pa niyang sambit at para bang hindi big deal iyon sa kanya. Hays Nixel. Sana nga ganun lang kadali. “Besides, you both like each other naman e—” Nabitawan ko ang notebook na balak ko sanang ipasok sa bag at dali-daling tinakpan ang maingay niyang bibig, “Oh, crap! Itikom mo nga 'yang bibig mo. At paano mo naman nasabi na gusto ko 'yang kakambal mo, aber?” pabulong kong tanong. Nasa engineering department si Nizel, pero maraming may gusto sa kanya dito sa department namin. Naninigurado lang ako na walang makakarinig sa pinagsasabi nitong kakambal niya. “Duh! You were acting so obvious kaya. Akala mo ba hindi ko nakikita yung pamumula mo sa tuwing nakikita mo si Nizel—” “Yung bibig mo. Baka kung sino pa ang makarinig sayo.” pinandilatan ko siya ng mata, na para bang pinagbabantaan siya. “See? Tama ako 'coz I'm always right.” tila proud na proud niyang sagot “Pero hindi porke't may gusto ako sa kakambal mo, e pwede na mangyari yang nasa isip mo. Nakalimutan mo yatang ang layo ng estado ng buhay niyo kumpara sakin. Wala naman tayo sa Disney movie para maging ala-cinderella ang buhay ko.” rason ko sa kanya. Hanggang do'n na lang talaga kami ni Nizel. Oo, gusto ko siya. Pero alam ko naman ilugar 'tong nararamdaman ko, lalo pa't hindi na maganda ang tingin ng mga magulang nila sakin dahil sa nangyari dati. “Pwede na din yung Cinderella. You once mentioned na galing sa mayamang pamilya yung side ng mama mo diba? E baka nga maging fairytail talaga yung kwento mo, bhe.” napatayo siya saka napahawak sa kanyang skirt at pakunwaring sumasayaw habang napapapikit pa na tila ba'y feel na feel ang pagiging prinsesa sa ginagawa niya. “Diba gano'n 'yong kwento ni Cinderella? From rich to poor and then rich?” muli siyang napabaling sakin para sa kumpirmasyon sa hinuha niya. Napag-alaman ko dati sa mga tiyahin ko ang tungkol sa pamilya ni mama. Hindi ako sigurado, pero ang sabi nila, galing daw talaga sa mayamang angkan si mama, kaso nabuntis siya ng tatay ko at hindi 'yon tanggap ng mga magulang niya, kaya napilitan silang magtanan ni tatay at 'yon din ang dahilan kung bakit itinakwil siya ng pamilya niya. Hanggang do'n lang naman ang nalaman ko. Parang katulad sa mga teleserye, kaya ayaw ko maniwala do'n e. “Pero may mga step sisters si Cinderella. O, sige nga. At sino naman ang mga step sisters ko?” hamon ko at pinameywangan siya. “Pwede din naman 'yong bruhildang babae na tumulak sa'yo sa pool. Hindi mo man siya kaano-ano, pero pwede na din 'yon maging kontrabida sa buhay mo,” ngisi niya at muling nagpatuloy sa pagsasayaw. Napailing na lang ako at itinuloy ang ginagawa. “Ang tagal na no'n. Saka hindi naman talaga ako sigurado kung totoo nga, kasi sabi sabi lang naman yun ng mga kapamilya nila tatay.” “Ang seryoso mo naman masyado. Hindi ba pwedeng mag-imagine na lang tayo?” napangiwi siyang tinitigan ako kasabay ng pag-upo niya sa desk na kaharap ko. 'Tong babaetang 'to. Kung ano ano na lang talaga ang naiisip. Masyado na kaming matanda para mag-isip ng mga bagay na sobrang layo sa reyalidad. “Pero what if mas mayaman ka pa pala kesa sa'min?” nakita ko sa peripheral vision ko ang paghawak niya sa baba niya na tila ba'y may malalim na iniisip habang napatulala sa kisame ng room. I simply rolled my eyes, “Ayan na naman tayo e,” walang kagana-gana kong sagot saka tuluyang isinara ang bag ko kasi saktong tapos na din ako sa pagliligpit ng mga gamit ko. Kahit matagal ko nang narinig ang mga tsismis patungkol sa pamilya ng nanay ko. Ni minsan hindi tumatak sa isip ko yang iniisip ni Nixel. Besides, wala akong proof na totoo nga talaga 'yon. “If that happens to be true, baka si Nizel na naman ang ayaw mong tanggapin kasi langit ka tas siya nasa ibabaw lang ng punong mangga,” hirit pa niya saka napahampas pa sa mesa na tumatawa. Ang babaw ng kaligayahan niya sa totoo lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD