Chapter 3

4076 Words
CHAPTER 3 "Waaaahhh! Wag kang lalapit! Waaaaaahhh!" Mula sa pagkakaupo sa kama ay napatayo pa si Aisha sa ibabaw nito sabay hablot sa lampshade at ibinato iyon kay Jin.   Sapul sa ulo si Jin! Natumba ito sa ibabaw ng kama at nawalan ng malay!   Lalong nataranta si Aisha. Hinaplos niya ang ulong tinamaan ng lampshade, wala namang dugo.   "Waaaaaaahhh! Jin, gising! GUMISING KA!!!" Niyugyog pa ito ni Aisha. Ayaw gumising ni Jin. Natahimik si Aisha, hindi kaya?   Kinalabit niya si Jin sa noo nito.   *Poke...Poke*   "Pssst... buhay ka pa ba?" Mahinang bulong ni Aisha.   NO RESPONSE   "Uwaaaaaahhhh! Patay na si Jin!" Ang ingay ni Aisha! Binato niya ang unang bagay na nahawakan niya, cellphone iyon ni Jin!   BASAG!!!   Napabalikwas nang bangon si Jin!   "Cellphone ko yun ah!?" O__O   Napayakap naman si Aisha sa kanya, akala niya talaga napatay niya si Jin!   "Waaaahhhh! Bwisit ka, akala ko napatay kita. Ayokong makulong! Waaahhhh!"   "Yung cellphone ko..." nanghihinang sabi ni Jin. Iyon kasi ang kauna-unahang naipundar niya sa sariling pera niya noong nagtrabaho siya sa St. Benedict Academy.   "Uwaaah! Buhay ka nga!"   Tuwang-tuwa si Aisha na hinahawak-hawakan pa ang pisngi ni Jin at kinukurot kurot pa iyon. Natigilan siya nang biglang hawakan ni Jin ang magkabilang kamay niya at malamlam siyang titigan nito sa mata.     ...   Pinaharurot ni Knight ang sasakyan ni George. Katatapos lang nilang magusap ni Franco. Mabuti na lang at nilagyan ng isa sa mga tauhan nila ng tracking device ang motor ni Aisha nang makita nila ito sa parking lot ng venue ng Bridal Shower para kay Aisha at bumaba mula roon si Jin. Pinamatyagan kasi talaga ni Knight ang kapatid niya sa mga ito.   Narating ni Knight ang isang maliit na building. Para iyong apartment building, hindi gaanong matao pero masikip ang kalye doon. Napansin ni Knight ang isang tila parking lot na may gate. Bahagyang nakaawang iyon kaya binuksan niya ito. Iniluwa noon ang MV Agusta na motor ni Aisha. Pabagsak niyang isinara ang gate at mabilis na tinungo ang hagdan. Hindi siya sigurado kung saan naroroon sina Aisha at Kingson pero tila doon na siya dinadala ng mga paa niya. Narating niya ang isang rooftop. May tila silid o apartment doon na may ilaw. Nakaawang din ang pinto noon, kaya marahan siyang lumapit. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan pero kailangan niyang malaman ang kinaroroonan ng dalawa. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto...   Kinakabahan si Aisha. Kung bakit? Hindi niya alam! Katulad iyon nung kaba niya nang hinalikan siya ni Knight. Malalaglag na ata ang puso niya! Hahalikan din kaya siya ni Jin? Pero malayo naman ang mukha ni Jin sa mukha niya, hawak lang nito ang dalawa nyang kamay.   Si Jin naman ay hindi makapagsalita. Ano ba ang ginagawa niya? Nagkunwari siyang nawalan ng malay. Pero masakit naman talaga ang tamaan ng lampshade sa ulo. Nabasag pa nga yun. Kapag si Aisha ang kasama niya ay maraming kakaibang bagay ang nangyayari. Katulad ngayon, baka 'pag sinabi niyang gusto niya si Aisha akalain na naman nitong JOKE yun. Masakit kayang pagtawanan matapos mong magtapat!   Hawak lang niya ang mga kamay ni Aisha. Nakatingin siya sa mga mata nito. Kung hahalikan niya kaya ito, ano kayang susunod na ibabato ni Aisha?   Si Jin na kaya ang ibato niya mula sa rooftop?   "Aisha..." sabi ni Jin.   "Jin..." she answered softly.   Hindi na nakapag-isip ng matino si Jin! Dahan-dahan ay inilapit niya ang mukha niya kay Aisha. Hinalikan niya ito sa labi. Napapikit silang dalawa. Dampi lang iyon pero may ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy doon.   "I think, I-I'm in-love with you..." sambit ni Jin habang magkadikit ang mga noo nila. Labis ang kaba ni Aisha. Tama ba ang narinig nya? Sabi ni Jin IN-LOVE na daw ata siya kay Aisha?   "EHEM!" Naputol ng isang ubu-ubuhan ang moment nina Jin at Aisha. Napatayo tuloy si Aisha. Hindi niya maisip ang sasabihin. Si Jin naman ay nanatili sa pagkakaupo. Grabe kung kanina kinakabahan si Aisha sa halik ni Jin, ngayong nahuli sila ni Knight ay ninenerbyos na siya. Paano nalang kung isipin niya na bino-boyfriend niya si Jin? Paano nalang ang kontrata nila? Isang araw nalang matatapos na iyon eh! Nag-echo pa yung sinabi ni Knight sa kanya noon. Yung 3rd consequence. 'You'll be MINE. Forever.' Kinilabutan siya sa naalala sabay tingin kay Knight. Nakatingin din si Knight sa kanya.   Ngumiti si Aisha.   Kumunot ang noo ni Knight.   Napa-face palm naman si Jin.   Pagkatapos ay umiling-iling si Aisha with matching hand gestures...   "Wala akong ginagawa! Promise! Wala talaga! Wala! WALA! Naglalaro lang kami ni Jin! 'Di ba Jin?" Hinampas pa niya si Jin sa balikat. Hindi naman nagsalita si Jin. Nakatakip pa rin ang dalawang palad niya sa bandang noo niya, tila problemado. Tiningnan naman ito ni Knight nang masama pagkatapos ay tumingin muli kay Aisha.   "Make sure na hindi kayo male-late sa kasal bukas. Dufus, you have to be there at 8:00am! Pati ikaw Kingson, you're my bestman. I NEED YOU THERE. Just for tomorrow, do it for me. JUST FOR TOMORROW!" May diin sa mga salitang iyon ni Knight. 'Bakit ba kasi hindi makapaghintay ang dalawang to? May relasyon nga ata sila. EDI SILA NA! Sila nalang! f**k! As if I want her. Damn this two people! I sacrificed all my life just to be the successor of the company, para protektahan ang kompanya. WHY CAN'T MY BROTHER DO THE SAME?' Sa isip ni Knight. Nag-angat naman ng tingin si Jin kay Knight.   "I'm sorry." Iyon lang ang sinabi ni Jin. Hindi niya alam kung bakit siya nag-so-sorry. Siguro dahil sa maraming sakit ng ulo na ibinigay niya dito? Palagi siyang pinagtatakpan ng kuya niya noon sa Dad nila. Lahat ng kalokohan niya ay inaako ng kuya niya. Ang kuya niya ang sumasalo sa lahat. Noong nasa New York sila walang nakakasira sa samahan nilang magkapatid. Not before na ipilit ng Dad niya na ipakasal siya sa babaeng hindi niya kilala. Takot matali si Jin lalo na at hindi niya kilala ang mapapangasawa niya. He is just like his Brother, womanizer and loves playing games. Kaya naman isinama niya din si Ban. Naawa lang naman siya dito. Ang pinagkaiba lang nila ni Knight, Jin wants to fall in love. Ayaw niyang matulad sa parents nila. Si Knight naman more on protecting their company, their family, katulad ng ginagawa ng Dad nila. Sa mata ng mga tao ay perpekto ang pamilya nila pero ang totoo buhay pa ang Mama nila ay sira na ito. And now, he's confessing his feelings sa mapapangasawa ng kuya niya!   'Pero hindi naman sila magiging tunay na mag-asawa hindi ba? Sa PAPEL lang... MAGHIHIWALAY din naman sila!' sa isip ni Jin.   "Kingson, it's not my fault that she is to be my wife." Nakikiusap ang tono ni Knight. Palipat-lipat naman ang tingin ni Aisha sa dalawa, naguguluhan. 'Di ba dapat nagsisisgawan na sila?   "Sorry, Aisha. What I just told you is true, but you have to marry my brother first." Hirap na hirap si Jin na sabihin iyon. Hindi niya kasi alam! Hindi niya alam na si Aisha pala ang dapat na ipakakasal sa kanya. Kung sakali kaya magugustuhan din siya ni Aisha?   Tumalikod na si Knight at tuloy-tuloy na lumakad palabas. Si Aisha naman ay natataranta.   'WHAT TO DO? WHAT TO DO??? Kikiligin ba 'ko? Totoo raw yung sinabi ni Jin... PATAY ako kay Knight! ISIP, Aisha, ISIP!' Nagtatalo ang utak niya. Wala siya sa sarili na sumunod kay Knight, nag-e-echo sa isipan niya yung sinabi nito. 'You'll be MINE forever...'   Kailangan paulit-ulit? Konsensya ba yun? TSS!   Nagulat naman si Knight nang pagsakay niya ng kotse ay sumakay din si Aisha sa passenger seat. Napatingin pa siya dito. Walang emosyon ang mukha ni Knight habang si Aisha naman ay may pagtataka sa mga mata nito na tumingin din kay Knight. Naunang bumawi ng tingin si Knight. Agad na ini-start na niya ang kotse at nagmaneho.   Walang imikan...   Diretyo lang ang tingin ni Knight sa kalsada, si Aisha naman ay nabibingi na sa katahimikan. In-on niya yung radio sa kotse.   Pinatay iyon ni Knight...   In-on ulit ni Aisha...   Pinatay ulit ni Knight...   Seryoso lang yung mukha ni Knight, si Aisha naman naiinis na.   In-on ulit ni Aisha yung radio...   Pinatay ulit ni Knight.. “WAAHHHHHH!!!! Ang tahimik. Bakit ANG TAHIMIIIKKKKKKK?!!" Hindi na napigilan ni Aisha.   "Kausapin mo 'ko, Knight! Ano?” Napa-praning na si Aisha. Hindi niya kayang maging kay Knight forever? Paano na si Coco? “ Wala akong ginawa!” Pagkukumbinsi ni Aisha sa tahimik pa ring si Knight.” Huwag mo akong paparusahan! Parang awa mo na!"   Iginilid ni Knight ang sasakyan at bumaling kay Aisha. "May gusto ka ba sa kapatid ko?" bungad ni Knight habang diretyo lang itong nakatingin sa malayo.   Hindi makasagot si Aisha. Sasabihin ba niya na crush niya si Jin? Pero parang may iba kay Knight. Bakit mahinahon ata siya?   Hindi nakasagot si Aisha, bagkus ay napasipol lang siya at tumingin sa labas ng bintana.   "I guess that means yes." Nakangiting saad ni Knight. "Sorry you have to suffer like this. Pero 'wag kang mag-alala tutuparin ko yung pangako ko sa'yo. You'll be free after the wedding." Iyon lang at ini-start na ni Knight ang sasakyan. Walang imikan na narating nila ang mansyon.   ...   *WEDDING DAY*   "Ma'am, gising na po—" Kinakalabit nang stick ng mga maid si Aisha. Yung mga lumapit kasing servants sa kanya kanina nung ginigising siya ay wala nang mga malay sa sahig. Si Aisha nga kasi, BAWAL HAWAKAN! Kapag hinawakan mo siya, PATAY ka!   "ANO BA?! Inaantok pa 'ko!" Nagtalukbong pa si Aisha.   "Ma'am, malalagot kami nito. 7:00 A.M. na po. Me-make up-an pa kayo tapos pictorial." Natatakot na sabi ng isa sa mga maid.   Hindi pa rin bumangon si Aisha.   Napansin naman ni Jin na nagkakagulo ang mga servants nila sa labas ng kwarto ni Aisha. May mga walang malay na katulong na inilalabas mula roon. Nag-aalala si Jin at pumasok sa kwarto para makitang nagtuturuan ang mga servants kung sino ang gigising kay Aisha. Napangiti pa si Jin at saka lumapit sa kama nito. Sinenyasan niya ang mga katulong na siya na ang gigising kay Aisha.   "Aisha, bangon na!" Boses ni Jin.   Automatic na dumilat si Aisha at napabalikwas nang bangon. Tumambad sa kanya ang gwapong mukha ni Jin. Kung ganitong mukha ba naman ang makikita mo sa araw-araw aba lagi na siyang maaga gigising. Natulala pa siya sa mukha ni Jin.   He snapped his fingers in front of her face, mukha kasing nananaghinip pa si Aisha eh. She blinked twice at tila na tauhan kaya naman napangisi si Jin.   "GISING NA!"   "Gising na 'ko Jin!"   "Sige na maligo ka na! KASAL MO NGAYON." Nakangiti pa rin si Jin. Pinipilit niyang ngumiti. Kailangan ding mairaos ang kasal na ito. After all, Kuya niya parin si Knight. Hindi rin naman kagustuhan ni Knight ang bagay na ito.   Nang tuluyan nang bumangon si Aisha ay nagpaalam na si Jin. Kailangan niya kasing mauna sa simbahan kasama ng kuya nya, sya nga kasi ang Bestman.   Nakakatulog pa si Aisha habang mine-make up-an. Nang sa wakas natapos na ang pag-aayos sa kanya ay lumabas na siya ng silid at tinungo ang bridal car. TAMA! Sa bridal car nalang siya matutulog.   ...   Kinakabahan ang magkapatid na Knight at Kingson habang nasa simbahan. Fifteen minutes late na kasi si Aisha. Ang sabi naman ng mga tauhan nila ay thirty minutes na mula nang umalis ito sa mansion. Nakaconvoy din dito ang ibang security team ng pamilya Estude pero walang sumasagot sa mga tauhan na nakasunod sa bridal car. Kinukutuban na sila.   "I didn't do anything. I swear! " Defensive si Jin nang balingan siya ng kuya niya. Nagbubulungan na ang mga tao sa simbahan.   "Where the hell is she?!" galit na nagdial si Knight.   "Franco! Any news?" Inis na tanong ni Knight nang sagutin ng assistant ang tawag niya.   'Mali ang nasundan na bridal car ng mga tauhan natin, Sir! Nawawala si Aisha!' bungad ni Franco.   "What?!" Pilit na hinihinaan ni Knight ang boses niya.   ...   Nag-inat si Aisha, ang sarap ata ng tulog niya. Napadilat siya, nasa bridal car pa rin siya at nakahinto pa ito.   "s**t! NASAAN AKO? BAKIT MAPUNO DITO?" Gulat na gulat si Aisha! 8:00 a.m na wristwatch niya at ngayon unknown ang location niya. Bumaba si Aisha sa kotse. Walang tao! Iniwan lang ang sasakyan sa loob ng tila isang gubat. Nasaang lupalop ba siya ng mundo? Sinong may kagagawan nito?!   Nagtatakbo si Aisha hanggang marating niya ang main road. Naka-highheels pa naman siya, medyo nadumihan pa nga siya. Tinanggal niya ang veil sa ulo niya at itinapon iyon sa daan. Pinunit pa niya ang laylayan ng wedding gown niya; napakabigat at ang haba naman kasi.   "Bakit kailangan pahirapan ang bride? Laging mahaba ang damit ng mga ikinakasal. Tss! Kalokohan! Ilang kilo din ata ito!" himutok niya. Walang dumadaang sasakyan. Lakad-takbo siya sa daan, hindi sigurado kung saan papunta.   BEEP BEEP!!!   Maya-maya ay may dumating na trak, may mga karga pa iyong baboy, nag-ala Diana Zubiri siya na pinara niya iyon. Huminto naman ito.   "Wow miss ang ganda ng costume mo ah!" sabi nung driver.   "Mukhang mamahalin ka, miss, baka mahal singilin mo samin."   Pumameywang si Aisha nang babain siya ng dalawang lalaki. Hindi niya nagugustuhan ang tono ng pananalita ng mga ito. Pati mga ngiti ng mga balahurang lalaki na iyon.   ...   "Kuya, wala pa bang balita?" tumatakbong tanong ni Jin kay Knight. Nasa labas ng simbahan ang magkapatid, tumulong si Jin sa paghahanap pero wala silang nakuhang lead. Kailangan kasing maiwan si Knight doon para hindi mahalata ng mga tao na may problema.   "Wala pa!" Sabi ni Knight na humihithit ng sigarilyo.   "Na-aamoy mo ba 'yun?" biglang tanong ni Jin na sumisinghot-singhot pa.   Suminghot din si Knight, "What the fvck is that smell? Ang baho!"   BEEP! BEEP!   May isang malaking trak na may sakay na mga baboy ang huminto sa harapan ng dalawa. Napanganga nalang si Knight kaya nahulog ang sigarilyong subo niya. Si Jin naman ay napatakip ng ilong.   OINK! OINK!   Bumaba mula sa driver's seat si Aisha. Ang wedding gown nito ay wala nang laylayan, wala na rin ang veil at medyo marungis pa. Ang flowers lugas-lugas na. Maayos pa naman ang make up niya kaso gulo gulo na ang buhok niya.   "Sorry I'm late!" Nakangiti pang sabi nito.   Nagkatinginan pa ang magkapitid nang ngiting-ngiti pa si Aisha sa kanila.   "What the hell happened to you?" Bulalas ni Knight.   "Are you alright?" Concerned na tanong ni Jin na lumapit pa kay Aisha. Sinipat-sipat pa nito ang kabuuan nito na akala mo'y tinitignan kung kumpleto pa ang bahagi ng katawan nito.   "Where have you been? Saan galing 'to?" Hindi parin makapaniwala si Knight. Nakatuon pa ang pansin niya sa trak na puno ng mga buhay na baboy. Hindi lang mabaho iyon, maingay pa!   Oink!!! Oink!!!   "Ay naku! Aba malay ko! Paggising ko nasa mapunong lugar na 'ko eh. Pero wala akong balak na tumakas sa kasunduan natin!" Defensive pa siya, hindi alintana ang ayos niya. Naglapitan naman ang mga tauhan ng mga Estude para alisin ang mabahong trak sa harap ng simbahan. Na-control naman ng mga ito ang media. Bago tuluyan i-start ng isa sa mga tauhan ang trak ay sumigaw si Aisha dito.   "Oy! Nga pala, yung driver tsaka pahinante niyang trak nasa likuran ha. Nakatali tsaka may packaging tape yung mga bibig nila. Ang iingay kasi eh!" Parang normal lang ang ginawa ni Aisha, confident siya nang sinabi niya iyon. Nagkatinginan na naman ang magkapatid.   "Did I hear it right? She hijacked a delivery truck?!" Nanlalaki ang matang tanong ni Jin sa kuya niya.   "Holy shit..." Iyon lang ang naisagot ni Knight.   Sa hindi kalayuan ay may isang pares ng mga mata ang nagmamasid sa kanila. Bigo ang plano niya, matutuloy pa rin ata ang kasal. Nanginginig na ang kalamnan niya sa galit.   Kasalukuyang nasa mini van sina Aisha, Knight at Jin, inayusan muli si Aisha. 'Yung trak lang naman ang mabaho hindi si Aisha. Naremedyohan ang gown nito. Inayos na lang ang pagkakagupit sa laylayan. Tumawag din ang ilang tauhan mula sa mansyon. Natagpuan daw ang driver ng bridal car ni Aisha na nakakulong sa balon sa mansyon. Mabuti na lang at walang tubig yung balon, baka kasi mamaya nandoon si Sadako, kawawa naman yung Driver. Pinaiimbistigahan nila ang pangyayari pero sadyang malinis trumabaho ang salarin kaya dinagdagan na lang nila ang security sa simbahan at pati sa mansyon.   "Ang ganda ng bride..."   "Ang swerte niya..."   "Uwaaaaaahh Knight!!!" *sob*sob* "   'Yan ang mga naririnig ni Aisha sa paligid pero deadma lang siya. May mga umiiyak na babae kulang nalang maglupasay sila sa sahig. Hindi naman burol ang pinuntahan nila ah?   Nagsimula na ang seremonya... at napaka-boring nito para kay Aisha.   "AISHA, will you take this man blah blah blah..."   NO RESPONSE   Kinabahan si Knight. Bigla ay napalingon siya kay Aisha na kasalukuyang nakayuko. May bago na itong veil.   "Zzzzzzzzzzzz..." He heard her snore. What the hell?   Muntik nang mapamura si Knight. Paano nagagawa ni Aisha na matulog sa mismong kasal nila? Siniko niya ito kaya nabigla si Aisha!   "Happy New Year!" Napasigaw pa si Aisha. Nananaginip ata?   Napayuko si Knight sa kahihiyan...   Napakamot ng ulo si Jin sa 'di kalayuan...   Napakagat si Aisha sa daliri niya...   Nagtawanan ang mga tao kasunod ng palakpakan ng mga ito...   "Mapagbiro pala ang mapapangasawa mo, iho." Hirit ng pari habang tumatawa pagkatapos ay maayos na itinuloy ang kasal.   YOU MAY NOW KISS THE BRIDE.   Unti-unting tinaas ni Knight ang veil ni Aisha, agad naman siyang tinaasan ng kilay nito. Parang wina-warning-an niya si Knight. He just smirked. A smile of victory. Sa 'di kalayuan, sa bandang likuran ni Aisha ay natanaw ni Knight si Jin, then he again glanced at Aisha, on her lips. Those lips again! Parang may magnet na naman!   'Sorry, Kingson, but she's MINE now.'   This woman is now his wife, legally. Why won't he stop himself kissing those teasing lips? He smirked before finally claiming her lips, passionately! Nakaliyad pa 'yung likod ni Aisha na sapo ng bisig ni Knight.   Nawala sa sarili si Aisha. Kasama ba iyon sa pagpapanggap nila? He's making her nervous. Malalaglag na naman ata ang puso niya sa kaba! Katulad ng t***k nito kagabi lang! May sakit ba siya sa puso? Bakit ganito?! Kung ano-ano na ang naiisip ni Aisha. Hinahalikan siya nito pero walang lakas ang mga bisig niya para itulak ito o ang bibig niya para pigilan ito sa pagtugon sa mga halik na iyon. Hindi nga kaya naipapasa ang pagiging pervert sa paghalik? Pervert na rin kaya si Aisha?   OMO?   Nagdilim ang mukha ni Jin. Ang akala niya maayos na sila ng kuya niya pero bakit ganito? Inaasar ba siya ni Knight? Kahit kailan wala silang pinag-awayan na babae maliban na lang ng isama niya si Ban noon. Close kasi sila ni Ban. Akala ni Knight gusto ni Jin si Ban pero talagang kaibigan lang ang turing niya dito. Tutupad ba si Knight sa kasunduan na magpapa-annul sila bago o pagkatapos ng isang taon? Inaasar lang siya ng kuya niya ngayon at sinusubukan. Ah ewan!   Nang maghiwalay ang dalawa ay sumulyap si Knight sa kanya. Ngumiti ito nang nakakatakot, o nang-aasar? Nagtatanong naman ang mukhang isinagot ni Jin sa kuya niya pero umiwas lang ng tingin si Knight sa kanya.   Panay ang kurot ni Aisha kay Knight habang nagpipictorial, halos magpatayan na sila sa palitan ng masasamang tingin. Halik kasi nang halik si Knight kay Aisha, yakap din nang yakap at hindi natutuwa si Aisha. Malapit na siyang sumabog!   Sa wakas natapos na rin ang pictorial sa simbahan at papunta na sila sa limousine na nakaparada sa b****a ng simbahan. Naunang pumasok si Aisha. Pagpasok ni Knight ay sinalubong ito ni Aisha ng isang malakas na sampal ngunit bago pa ito dumampi sa pisngi ni Knight ay nahuli niya ang kamay nito.   "I was expecting that." He smirked. "You still have to behave, Aisha. The day isn't over, and by the way, wala pa nga pala ang resulta nang entrance exam mo sa St. Thompson, kasama yun sa kasunduan 'di ba?"   "Bwisit!" Gigil na sambit ni Aisha, hawak pa rin ni Knight ang wrist niya.   Nag-ring naman ang cellphone ni Knight.   "Hello... Oh, Franco-- f**k! WHAT?! Paano nakapasok si Venice sa mansyon?-- DAMN! May nakakita ba sa kanya?-- f*****g HELL! Just let her stay in my room!" Iyon lang at ibinato na ni Knight ang cellphone niya. Tiningnan lang siya ni Aisha. Pareho silang natahimik at tila nailang sa isa't-isa.   "Sino ba si Venice?" Mahinahong tanong ni Aisha.   "Ju-Just shut up! 'Wag mo muna akong kausapin, okay?" Iritable si Knight. Pilit na tumahimik naman si Aisha. Naiintriga talaga siya sa Venice na yun.   "Hmmmm... babae mo ba si Venice?" 'Di na naman napigilan ni Aisha na tumahimik.   "Please! Why do you keep on asking? Just shut up, okay?! Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng shut up?!" Bulyaw ni Knight.   "Eh gago ka pala eh! Natural alam ko kung ano 'yung SHATAP! Ano'ng akala mo sa'kin tanga? Parang nagtatano—"   "Don't act like a jealous wife—" hindi natapos ni Knight ang sasabihin.   "Sira ka pala eh! Asawa mo nga ako eh 'di ba? NAGTATANONG AKO NANG MATINO DITO OH! SINO NGA SI VENICE?!" Interesado talaga si Aisha na malaman. Lagi niyang naririnig ang pangalan na 'yun eh!   "Wait, really? ARE YOU JEALOUS?" Natatawa si Knight. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Aisha. Asawa daw siya ni Knight. Gusto ba niyang totohanin?   "Tss! Gago! Jealous your face!" Nag-iwas pa ng tingin si Aisha pero biglang lumapit si Knight sa kanya, malapit na malapit ang mukha nila sa isa't-isa kaya naman hindi rin maiwasan ni Aisha na tumingin sa mukha nito.   "Gusto mo bang totohanin ang pagiging mag-asawa natin? I would love to see you on those lingerie in your room." Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ni Aisha sa pisngi nito. Kinilabutan si Aisha, daig pa niya ang nanonood ng horror movie sa kilabot niya. Nakakatakot ang mga sinasabi ni Knight.   "Lumayo ka." She ordered pero mas hinapit pa ni Knight ang bewang ni Aisha. She's cornered on the side of that limousine.   "Lumayo ka sabi!"   He smirked and glances at her lips, konti na lang magdidikit na ang mga labi nila. Knight is so tempted. Kanina lang ay inangkin niya ang mga labing iyon. Samantalang si Aisha naman ay natataranta na kaya...   "Ouch!"   ...kinagat ni Aisha ang ilong ni Knight!   Sa kabila ng ginawa ni Aisha ay matiwasay pa ring pinakitunguhan ni Knight ang babae sa wedding reception nila. Doon lang din naman ito sa mansyon ginanap, sa may garden at patapos na nga ito. Kasalukuyang nagsasayaw sina Aisha at Jin. Nagpaalam kasi si Knight na pupunta muna sa kwarto nito.   Baka kasama si Venice?   "Okay ka lang ba?" Concerned na tanong ni Jin kay Aisha. Kanina pa niya napapansin na tila naiinis ito.   "Ah, oo. Nakakainis lang kasi yung kuya mo, kasi kanina pa nakakarami ng halik sa'kin. Napakamanyak niya!"   "You want me to punch him? I know how to beat him." Sabi ni Jin, seryoso ito.   "Hindi 'wag na, matatapos na naman ang araw na 'to." Napangiti si Aisha. Maya-maya ay nagulat siya nang hilahin siya ni Jin palayo sa mga tao. Pumunta sila sa likurang bahagi ng mansyon.   "Adik naman 'to! Ano bang gagawin natin dito?" Natawang tanong ni Aisha matapos siyang kaladkarin ni Jin.   "May ipapakita lang ako sa'yo!" Pagkatapos ay may inilabas na sobre si Jin mula sa coat nito. Binuksan niya iyon at ipinakita kay Aisha. Resulta iyon ng exam ni Aisha sa St. Thompson University.   "Oh, so? Anong ibig sabihin niyan?" Hindi naintindihan ni Aisha ang ipinahihiwatig ni Jin.   "Tss!" ginulo pa ni Jin ang buhok ni Aisha. "YOU PASSED!"   Processing...   Brain FREEZING...   Unclogging...   1 %   30%   *Blink* *Blink*   "NAKAPASA AKO?" Ayaw maniwala ni Aisha. Namimilog pa ang kanyang mga mata.   "Oo nga! Makakapag-college ka na!" Natawa si Jin sa reaksyon ni Aisha. She hugged him! Jin did not expect that kaya nagulat pa siya. Hindi naman kasi touchy si Aisha. Bago mo siya mahawakan ay makakatulog ka muna sa suntok nito.   "Wahh! Talaga? Makakawala na ako kay Nine Bastos! Matatapos na ang deal! Ang saya ko!" Napasigaw pa si Aisha habang nakayakap kay Jin.   "You're free." He whispered.   "Hmm...mmm..." Sang-ayon ni Aisha.   "You're the most amazing person I ever met Aisha." Bulong muli ni Jin habang sila ay magkayakap. Kinabahan naman si Aisha. Sobrang kaba, she closed her eyes. Parang dinadama ang yakap ni Jin. Pakiramdam niya safe siya sa mga bisig nito.   "Ikaw din." sabi niya kay Jin. Yes he is the most amazing person she ever met, her first crush... or should it be first love?   "I really like you, Aisha... I lov—"   "AISHA! KINGSON!" Sigaw ng pinsan nina Jin na si Jasmin dahilan para hindi maituloy ni Jin ang sinasabi niya kay Aisha. Dahilan din para agad na maghiwalay silang dalawa mula sa pagkakayakap.   Napakamot pa sa ulo si Jin at si Aisha naman ay nakangiti lang ng alanganin.   "Here, drink this. Let's cheers for the newly wed! I can't see Knight eh, tayo nalang magcheers!" Masayang inabutan ni Jasmin ng kopita ng wine ang dalawa.   "Huuuuuu! Bottoms up ha!" Sigaw ng ilang pinsan na kasama rin ni Jasmin.   "Go, Aisha! Huuuuuuuu!"   Sabay-sabay nilang ininom ang wine.   NAALIMPUNGATAN si Aisha. Masakit na masakit ang ulo niya. Gumulong-gulong pa siya. Pakiramdam niya ay nasa dalampasigan siya. Naririnig niya kasi ang dagat at masarap ang simoy ng hangin. Ina-antok pa siya kaya naman hindi muna siya bumangon. Maya-maya pa ay may naramdaman siyang mainit sa likuran nya na tila nakayakap sa kanya?   Agad siyang napabangon.   "AAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD