CHAPTER 4
NAPAKASARAP ng simoy ng hangin, parang hine-hele ka ng tunog ng dagat. Bawat alon ay tila musika sa iyong panaginip. Damang-dama mo ang katahimikan ng paligid. Hayyyyy... ang sarap sa beach!
'SA BEACH?! ANONG GINAGAWA KO SA BEACH? Ang sarap ng panaginip ko...' Naisip ni Knight. Niyakap niya ang unang katabi. Napadilat siya sa nakakapa niyang unan...
ANG INIT AT GUMAGALAW ANG UNAN?
"Aaahhhhhhh!" Ubod nang lakas na sigaw ni Aisha. Napatayo si Knight, gayon din si Aisha.
"Anong ginawa mo sakin?!" Akusa ni Knight kay Aisha. Nakayakap pa siya sa topless niyang katawan. Tiningnan niya si Aisha mula ulo hanggang paa. Suot pa nito ang wedding gown niya.
"Ang kapal mo! NASAAN AKO? PERVERT KA!" Bulyaw ni Aisha na binato pa ng unan si Knight. Sabay nilang iniligid ang kanilang mga mata sa silid na kinaroroonan nila.
Eeennkk!
ANO NGA BA ANG NANGYARI?
...
Papunta si Knight noon sa silid niya upang i-check si Venice nang makasalubong niya ang pinsan niyang si George. Nagkabungguan sila at natapunan ng wine si Knight na noon ay hawak ni George. Agad namang tinanggal ni Knight ang suot niyang suit at polo. Nasa pinto na sila ng silid ni Knight.
"Where is your wife?" Tanong ni George na muli ay sinalinan ng wine ang basong hawak niya.
"Dancing with my brother?" Tugon ni Knight. Bago kasi siya pumasok ay natanaw niya ang dalawa.
"I see. It's a good thing they hang out pretty well. May magbabantay sa maganda mong asawa. Let's drink to that!" Sabay abot ng baso kay Knight.
"Tss! Bantay-salakay kamo." Mahinang bulong ni Knight bago inumin ang wine. After that, wala na siyang maalala. Grabe! Kakaiba talaga ang mga pinsan niya. They are all good in playing games and they love surprises!
...
Habang inililigid nila ang paningin nila ay napagtanto nilang maganda ang silid na kinaroroonan nila. Malaki iyon, parang honeymoon suite, hugis puso ang malaking kama na nakaharap sa isang glass sliding door. Napakaganda ng view mula roon, tanaw na tanaw ang dalampasigan. Nagkatinginan sila ni Aisha pero agad na nag-iwasan muli ng tingin. Lumigid pa sila sa silid. Magkahiwalay na direksyon nilang inikot ang silid at napagtanto nila na isang napakalaking silid nga lang iyon. May mini sala na at kitchen na divider lamang ang naghihiwalay. Meron pa ngang shell curtain na division naman ng sala at... BATHROOM? Walang pinto ang bathroom? Shell curtain lang? Kurtina na gawa sa maliliit na shells?
Nagpapadyak si Aisha "Waaaaaaahhhh! Gusto ko nang umuwi! Sabi mo hindi mo 'ko paparusahan, eh ano 'to?"
"I have nothing to do with this, okay? Sa tingin ko na-set up tayo! Teka nga, pinainom ka ba ni George ng wine kagabi?" He asked.
Napaisip si Aisha. Natatandaan niya na magkasama sila ni Jin. Kagabi lang ata iyon? Pagkatapos nagyakapan sila! Ayieeehhh! Napangiti si Aisha sa naalala, feeling nga niya nagba-blush pa siya.
"Hoy!" Tinapatan pa ni Knight ang mukha ni Aisha ng mukha niya. Natulala na kasi si Aisha habang nakangiti.
"Bwisit naman ano ba?! Nag-iisip yung tao eh!" Bulyaw ni Aisha, napahiya kasi siya. Naitulak niya nang bahagya ang mukha ni Knight.
Ngumisi naman si Knight, "Akalain mo may isip ka pala." Tinulak pa niya ang sentido ni Aisha gamit ang hintuturo. "Oh, ano? Binigyan ka ba ni George ng wine?"
"Tsk! Si Jasmin. Wala naman si George nung pinuntahan niya kami ni Jin. Si Jasmin lang at yung ibang mga pinsan niyo pa."
"Oh s**t! That guy, really, he always—" Naputol ang sasabihin ni Knight nang biglang nabuhay ang isang 65inches LED TV sa silid.
"Yo! Hey, are you guys awake? Sana naman! I just set a timer para sa recording na ito kaya sana mapanood ninyo. Hey, Dude! Hope you like our surprise! We heard you guys didn't book a trip for your honeymoon. Uncle Justavo said that Knight is so busy with the company so it is not possible. You know me, dude! You know that I'll do something about it then! Don't worry about your work, your brother will be in charge while you are away. That's why we also made him sleep! Hahahaha... Anyway, don't worry, you two are still in the Philippines! Please take care of my SECRET ISLAND! Everything you need is there; food, clothes, game consoles, appliances... and by the way, a plane will fetch you guys in three days! So better enjoy your honeymoon!" Then the wide screen shut.
Nagkatinginan ang dalawa na natulala sa wide screen kanina lang.
"The hell! Secret Island?" Tanging nasabi ni Knight na nakatingin lang kay Aisha.
"Honeymoon? AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Aisha freaked out. Nakaka-nosebleed naman ang mga sinabi ni George, honeymoon lang ang naintindihan niya.
...
MASAKIT ang ulo ni Jin nang siya ay magising, daig pa niya ang may hang over. Napabalikwas siya ng bangon nang maalala niya na isang shot nga lang pala ng wine ang ininom niya. Suot pa rin niya ang suit niya mula kagabi. Palabas na sana siya ng silid nang biglang pumasok ang kanyang ama.
"KINGSON!" malakas na tawag ng ama nya.
"Dad?" Nagtaka naman siya. Ngayon lang kasi siya pinuntahan ng ama sa silid niya kaya malamang importante ang pakay nito.
"Akala ko ba'y ikaw ang hahalili sa kuya mo sa opisina? Matapos mong tulungang tumakas ang kuya mo para sa lintik na honeymoon na iyon ay matutulog ka nalang riyan? YOU BETTER TELL ME WHERE THEY ARE KINGSON! Akala ko ba ay nagugustuhan mo na si Aisha? Paanong tinulungan mo pa silang gumawa ng pamangkin mo?!" Nakakatakot ang tono ni Justavo pero halatang nagtitimpi pa rin ito.
Natulala naman si Jin. Hindi niya alam ang sinasabi ng ama niya. He looked puzzled and he doesn't know what the f**k is going on!
"FINE! I know you won't tell me. I'll find out! At sa oras na makita ko sila, humanda kayong magkapatid! Now, better prepare yourself for the office!" At tumalikod na si Justavo Estude sa kanya.
Napaupo naman si Jin, nanghina siya nang mag-sink in sa utak niya ang mga narinig. Nasa honeymoon daw sina Aisha at Knight.
"Pero hindi naman totoo ang kasal nila... hindi kaya?" Naalala ni Jin ang banta ni Knight sa kanya noon.
"You'll never gonna see her again." 'Yan ang sabi ni Knight sa kanya noon. Agad siyang naligo at nagbihis. Kailangan din niyang makausap ang pinsan nilang si Jasmin. Baka may alam ang mga ito dahil natatandaan niyang si Jasmin ang nagbigay ng wine sa kanya.
"Jasmin? Hello?" tinawagan niya ito nang sa wakas ay marating niya ang opisina.
'Oh, Kingson! Napatawag ka?'
"Can you tell me where my brother is? And si Aisha?"
'On their Honeymoon, I guess. Katatapos lang ng kasal, hindi ba?'
"DO YOU HAPPEN TO KNOW KUNG SAAN DINALA NG KUYA KO SI AISHA? MY DAD IS FREAKING OUT AT AKO ANG NAIIPIT! You guys tricked me with that wine! How could you do that s**t?!" Sumisigaw na siya sa frustration habang nasa loob ng opisina ni Knight sa Estude Tower.
'Hahahaha. Because we know that you'll refuse to work on behalf of your brother, dear cousin. And Kingson, you're not alone anyway. Maybe they are also freaking out now for where they are. I'm sure they'll love the fun of being alone on a secluded island.' Then Jasmin ended the call.
"WHAT?! Hello? Jasmin? Hello?... f**k!!! Secluded Island?!" Naihagis ni Jin ang cellphone niya. Naalala niya noong mga bata pa sila ay may pinupuntahan silang private island na pag-aari ng mga Hilford. Napakalayo nun! Halos dalawang oras ang byahe gamit ang private plane ng mga Estude. Hindi kaya doon sila nagpunta? Imposible, ang alam niya ay binenta na iyon.
...
"GUTOM NA 'KO! Waaaaaah!" Atungal ni Aisha. Hindi kasi siya marunong magluto at si Knight naman ay gumawa ng pagkain at ayaw bigyan si Aisha.
"Ang ingay mo! I can't believe that I will be living with you alone on this Island for 3 days! Worst, you don't even know how to cook! THE HELL! Mamatay ka sa gutom! Magluto ka ng pagkain mo!" Sabi ni Knight na tinalikuran si Aisha habang kumakain ng niluto niyang adobo.
Napayuko si Aisha, ang bango ng luto ni Knight. Gutom na talaga siya. Ayaw niya ng tinapay, gusto niya kanin. Nagkalkal siya sa ref at nakakita siya ng itlog at hotdog. Paano nga ba niluluto iyon?
*TING*
"ALAM KO NA!" sa isip niya. Inilagay niya ang dalawang itlog at hotdog sa microwave pagkatapos ay pinihit niya iyon hanggang sa may nakalagay na COOK!
10 seconds.... 1minute... 1 minute and 20 seconds...
BOOOOOOM!!!!!
...
Nanlaki ang mga mata ni Knight! May pumutok? Nilingon niya ang kinaroroonan ni Aisha... nasa tapat ito ng Microwave oven. Nakabukas na yung microwave tapos umiiyak na si Aisha sa tapat nun. Nakita pa niya na kinuha ni Aisha yung nasa loob ng microwave tapos nilagay sa plate na may kanin. Humihikbi pa si Aisha. Nabasag yung itlog sa loob ng oven kaya may pumutok, nagkalat tuloy yung itlog sa loob nun tapos pilit na kinukutsara ni Aisha yun mula sa Microwave. Nilapitan siya ni Knight pagkatapos ay itinapat ni Knight yung isang mangkok ng adobo sa mukha ni Aisha.
"Oh... 'wag mo nang kainin yan, marumi na yan eh." Sabi ni Knight, napangiwi pa siya. "Eto na kainin mo na 'to, sabayan mo na 'ko."
Hindi kumibo si Aisha. Habang kinukuha niya kasi yung hotdog sa loob ng oven ay naalala niya si Coco, naiyak tuloy siya. Kamusta na kaya si Coco? Hinahanap kaya niya si Aisha? Nakakakain pa kaya ng hotdog si Coco? Favorite snack niya kasi 'yon at sa oven lang din iyon iniinit ni Aisha dati.
"Uy." Tawag ni Knight sa kanya, napatingin naman si Aisha kay Knight, tapos unti-unti napayakap siya dito, humihikbi pa si Aisha.
"Hey? What's wrong? Parang pagkain lang eh—"
"Nami-miss ko na si Coco. Pwede bang ikaw na muna si Coco?" Biglang sabi ni Aisha.
"WHAT?!" Napasigaw si Knight at pabiglang humiwalay kay Aisha. He thinks Aisha's gone crazy? Ganito siguro ito kapag gutom. Mahirap palang gutumin si Aisha!
Aisha is still crying. Nakayuko lang siya habang mariin na nakapikit. "Coco" bulong pa nito habang umiiyak. Napabuntong-hininga si Knight. He felt weird when she cries, his conscience is f*****g screaming at him!
"Fine! Sige! I will be your pet for a day!" Hindi alam ni Knight kung saan nanggaling ang pagpayag niya, maybe his conscience finally have a voice! Freakin' conscience!
Lumiwanag ang mga mata ni Aisha. Niyakap niya ulit si Knight! "WAAAH COCO!" Ginulo pa niya 'yung buhok ni Knight pagkatapos ay kinuha ni Aisha 'yung isang hotdog sa plate niya sabay sabing...
"Now eat this!"
"This girl is f*****g weird!" Napabulong si Knight. Well, he just got a scary gangster freak wife.
...
"Nasaan sila? Bakit hindi natin puntahan?!" Natataranta si Aston Vega, paikot-ikot ito sa opisina ni Justavo Estude. It's his daughter! His nineteen year old daughter. Nagpa-flashback pa sa isipan niya ang tumatakbong limang taong gulang na si Aisha.
"Nasa isla ng pamangkin ko. Hindi ko masita si George, mahahalata tayo kumpadre at isa pa malalaman nilang labag sa kalooban natin ang naganap na kasal." Relax na pahayag ni Justavo. Palaging may tauhan siyang nakasunod sa bawat kilos nina Aisha, Knight at Jin. Alam na niya ang matinding pagkakagusto ni Jin kay Aisha.
"Paano kung may mangyari na sa kanila? Puntahan natin ang islang iyon!" Pahayag ni Aston hindi siya matahimik.
"Napakabata pa ng anak ko. This is too much, Justavo!"
"RELAX! I trust my son. Isa pa si George lang at ang dati nilang piloto ang tanging nakakaalam ng lokasyon ng Isla. Hindi natin mahahanap iyon." Pahayag nito. Naputol ang pag-uusap nila nang biglang pumasok si Jin.
"DAD!" Tawag nito sa ama. Tuloy-tuloy na pumasok ito sa opisina. Humarap ito sa lamesa ng ama niya at pabalyang ibinagsak ang magkabila nitong kamay doon.
"I NEED A PLANE!" Iyon lang ang sinabi nito.