Chapter 5

1514 Words
CHAPTER 5   "Coco!!!" Tumakbo si Aisha papunta kay Knight at agad na sinakyan si Knight mula sa likuran nito. Halos madala naman si Knight sa biglaang pagsampa ni Aisha sa likuran niya. Kasalukuyan kasi silang nasa dalampasigan. Pagod na pagod na si Knight sa pinagagawa ni Aisha. Simula kanina ay pinakain siya nito ng isang katerbang hotdog, pagkatapos ay naghabulan sila sa paligid ng isla. Si Aisha pala ang humahabol kay Knight, tinatakbohan kasi siya ni Knight dahil kung anu-anong ka-weird-dohan ang nais ipagawa ni Aisha rito. Pinasalo siya ng frisbee, yung tipong napakalayo ng pagkakahagis ni Aisha tapos kukunin iyon ni Knight. Paminsan-minsan ay napupunta pa iyon sa dagat na kailangan pa iyong langoyin ni Knight. Tapos noong pumunta sila sa loob ng isla ay gusto siyang pa-hulihin ni Aisha ng mga wild animals, eh wala naman silang wild animals na nakita roon. Puro mga ibon lang.   "GET OFF!" Pagsusumamo ni Knight. Sobra na ang pagod niya, daig pa niya ang nag-work out.   "Pagod na 'ko Coco! Upo muna tayo!" Sumalampak si Aisha sa buhangin na nakaharap sa dagat. Tinabihan naman siya ni Knight pero nagulat si Knight nang bigla ay hatakin ni Aisha ang buhok niya at sapilitang ipinatong ang ulo ni Knight sa lap niya.   "ANO BA!?" Reklamo ni Knight na nakahiga na sa lap ni Aisha.   Hindi naman tumugon si Aisha, nakatingin lang siya sa malayo habang hinihimas-himas 'yung ulo ni Knight. Napatitig naman si Knight sa inosenteng mukha ni Aisha. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa malayo. Mukha siyang masaya, siguro kahit paano ay na punuan naman ni Knight ang pangungulila nito sa alaga. Kahit pa sobrang pagod si Knight, pakiramdam niya ay nawala iyon sa mga ngiting iyon ni Aisha. Then he focused on her lips, those lips that looks appetizing, those magical lips that cast spells whenever he look at it! Damn those lips.He wanna own it.   Ilang minuto silang nanatili sa ganoong posisyon. Nakatitig lang si Knight sa mukha nito kaya nagkagulatan pa sila nang bigla ay yukuin siya ni Aisha. He closed his eyes, is she gonna kiss him?   Aisha slowly lowered her face to his.   "Ang baho mo na Coco. Pa paliguan na kita!" Pahayag ni Aisha na hinawi na ang ulo ni Knight at tumayo.   "WHAT?!" Bulalas ni Knight. He just thought she'll gonna kiss him! Pero ano nga ang sabi ni Aisha? Papaliguan daw siya nito? Seriously... is she crazy?   "Halika na!" Hindi na nakaalma si Knight nang kaladkarin siya ni Aisha. Pagdating sa bathroom ay nagulat si Aisha sa ginagawa ni Knight.   "AHHHHHHHH!" Sigaw ni Aisha. Nakatakip pa ang mga mata niya ng dalawang kamay pero may puwang ang mga daliri niya.   "Ano na naman?!" Mauubos na talaga ang pasensya ni Knight.   "Anong ginagawa mo?!" Nakatakip pa rin ang mukha ni Aisha pero kita pa rin naman nya si Knight.   "Naghuhubad! Papaliguan mo 'ko 'di ba?" Pilosopong sagot ni Knight. Tama nga naman! Mas masarap maligo nang walang damit!   "Eh hindi naman naghuhubad si Coco eh!" Katwiran ni Aisha.   "Fine!" Ngingisi-ngisi pang lumusong si Knight sa bathtub ng naka-pajama at sando. Sarap lang asarin ni Aisha. Kahit papaano pala ay mag-eenjoy siya sa isla.   "YEHEY!!! (^o^)/" Tuwang-tuwa naman si Aisha na lumapit sa ulo ni Knight at pinaliguan ang buhok nito habang minamasahe pa. Napaungol naman si Knight, nakakarelax kasi ang masahe ni Aisha.   "Masarap ba Coco?" Tanong ni Aisha. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya. Biglang bumaling ang mga kamay ni Aisha sa leeg ni Knight pababa sa balikat at sa dibdib nito. Sinasabon kasi niya iyon kaya mula sa pagkakapikit ay napadilat si Knight. He became uneasy. Ibang sensasyon kasi ang naibibigay ng mga haplos na iyon ni Aisha. He is palpitating! Damn!   "WHAT ARE YOU DOING!?" Hinuli niya ang magkabilang kamay ni Aisha. Habol pa niya ang kanyang paghinga. "Sinasabonan kita." Inosenteng saad ni Aisha na pilit inaabot ang katawan ni Knight. Pinipigilan naman siya ni Knight.   "No! Don't do that!" Suway niya rito pero matigas ang ulo ni Aisha kaya naman nahulog ito sa bathtub at napa ibabaw kay Knight. He blushed at tila hindi makagalaw.   Aisha felt something hard. Namilog pa ang kanyang mga mata at napapikit ng dalawang beses.   "Ano 'yun?" Kinapa kapa  niya ang matigas na bagay na iyon. Napakagat labi naman si Knight nang ma-realized ni Aisha kung ano 'yun.   "UWAAH! BASTOS KA!" Sabay sampal kay Knight at nag tatakbo itong lumabas ng bathroom. Madulas dulas pa nga ito kamamadali.   Nang makatapos maligo si Knight ay lumabas na siya ng bathroom. Naabutan niya si Aisha na balot na balot ng twalya. Nilalamig siguro siya dahil nabasa rin siya sa bathtub at hindi pa siya nakakapagbihis. Nakayuko siyang pumunta sa bathroom nang hindi nililingon si Knight. Nilagpasan lang niya ito at ganoon din si Knight na pilit iniiwas ang tingin mula kay Aisha.   "'WAG KA MANINILIP HA!" Sigaw pa ni Aisha nang makapasok sa bathroom. Shell curtain nga lang kasi ang pinto ng bathroom.   "Wala namang makikita! Tss!" Tugon ni Knight habang nakatalikod sa entrada ng banyo. Sinagot naman siya ni Aisha ng isang lumilipad na tsinelas.   "Ouch!"   Nang matapos nang maligo si Aisha ay lumabas na siya ng bathroom pagkatapos ay lumigid ang paningin niya sa silid. Natutulog na si Knight sa couch. Tuwang-tuwa naman siya dahil solo niya ang kama. Nahiga na siya sa kama at gumulong-gulong doon bago pumikit.   ...   Masayang naglalaro sina Aisha at Coco sa bakuran ng mansyon nang may dumating na mga nakaitim na tao. Mukha silang mga Ninja! May mga armas silang bitbit. Nakipaglaban siya sa mga iyon! Pagod na pagod na si Aisha habang si Coco naman ay ganoon din! Hindi na makagalaw si Aisha. Hinagisan ng net ng mga ninja ang alaga niyang si Coco.   "RAAAWWWWWWWWRRRRRRR!" Tila humihingi ng tulong na palahaw ni Coco.   Nanlaban si Coco! Sinusubukan niyang kumawala sa net pero hinampas siya ng isa sa mga nakaitim na tao at nawalan ito ng malay. Hindi parin makagalaw si Aisha sa kinatatayuan niya...   "Coco! Coco!!!" Sigaw siya nang sigaw habang walang patid sa pag agos ang luha niya!   ...   Nagising si Knight nang marinig ang hikbi ni Aisha. Agad siyang napabangon. Nilapitan niya ito, nagsasalita pa si Aisha. "Coco... Coco..." Sabi nito. Noon niya napagtanto na nananaginip pala ito.   Niyugyog niya si Aisha.   "Aisha. Gising..." Tinampal-tampal pa niya ito pero ayaw nitong magising.   "COCO! COCO!" Lumalakas ang pagtawag nito kay Coco na ngayon ay humahagulgol pa. Pawis na pawis din si Aisha.   "AISHA! YOU'RE DREAMING!" Niyugyog nang malakas ni Knight si Aisha.   Sa waka ay dumilat din ito. Puro luha na ang mukha ni Aisha na pinahid ni Knight sa pamamagitan ng kamay niya.   "It's just a Dream. Hush..." Bulong ni Knight na bahagyang yumuko para masilip ang mukha ni Aisha.   Biglang yumakap si Aisha kay Knight. "Waaah Coco!" humihikbi pang iyak nito..   Siguro hanggang ngayon ay iniisip pa rin ni Aisha na si Knight ay si Coco. Yumakap nalang din ang lalaki kay Aisha tapos ay hinagod-hagod ang likuran nito.   "Tama na... sige na matulog ka na." Sabi ni Knight.   "Ayoko matulog baka bumalik yung mga ninja na kumuha kay Coco!"   "Mga ninja?" Kunot noong tanong ni Knight. Kahit sa panaginip ay ang weird pala ni Aisha.   "Oo! Kinuha nila si Coco sa panaginip ko..." Parang bata na sumbong nito. Nag-pout pa nga siya.   Naisip ni Knight, may ganito palang side ang basagulerang babaeng 'to? Napaka-weird talaga!   "f**k THOSE NINJAS! I'll kill them in your dreams don't worry!" Naiinis na sabi ni Knight. Bakit ba kasi ganun pa ang napanaginipan ni Aisha? Nabitin tuloy yung tulog niya. Kasalukuyan niya kasing napapanaginipan yung mga Brazilian girls sa stag party niya nang magising siya!   "TALAGA?!" Namimilog pa yung mga mata ni Aisha.   Napatitig lang si Knight sa kanya. Ang cute rin pala niya! Nangiti tuloy si Knight. Ano ba itong naiisip niya?   Ngumiti rin nang kay tamis si Aisha, pagkatapos ay hinawakan pa ni Aisha yung magkabilang pisngi ni Knight sabay sabing. "GOODNIGHT COCO! Mmuuwaaah!"   Hinalikan siya ni Aisha!   Then she passed out! Natameme si Knight, ngayon lang nangyari 'yun. Si Aisha mismo ang humalik sa kanya tapos kanina sa bathroom ay hinawakan nito ang kanyang *toooot*.   "THIS FREAK IS GIVING ME A HARD TIME! Literally hard!" He cusses on his own thoughts.   Sa palagay ni Knight, sila na ata ni Aisha ang pinaka-weirdong ikinasal. They met in a wrong place and in a wrong way, napagkamalan nilang kalaban ang isa't-isa. Isang araw nalaman nilang kailangan nilang magpakasal, at heto sila ngayon trapped on an Island. He got a beautiful wife that he can't touch. They were only married for the sake of his father and in due time they have to file an annulment. They will be separated. His father said that it is the only way para ma-protektahan si Aisha, but why would he want to protect her? Why would he ask his son to marry her at her age? And his brother like this girl. Pino-protektahan ba ng ama nila ang babaeng ito para sa kapatid niya? This girl is supposed to be Kingson's wife o baka naman gusto lang i-trap ng ama nila ang kapatid niya upang masunod ang mga gusto nito at ang kapalit ay si Aisha. Isa lang ang alam ni Knight. "HE'S DAD IS EVIL TO MANIPULATE THEIR LIVES."   Napatingin pa si Knight kay Aisha na natutulog na. He stroke her hair with his hand. "Sleep tight"   That's how they spent a day on that SECRET ISLAND.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD