Chapter 6
NAALIMPUNGATAN SI Knight. Masakit kasi ang braso niya. He opened his eyes. Kaya naman pala! Ginawa na kasing unan ni Aisha ang braso niya. Naka kapit pa ito sa dibdib niya. Napangiti naman si Knight. Para kasi silang tunay na mag-asawa. Nasapo niya ang kanyang noo sa naisip. KALOKOHAN! Sabi ng kanyang konsiyensiya.
"f*****g conscience."
Dahan-dahan niyang iniangat ang braso ni Aisha na na-kakapit sa dibdib niya pero lalo lamang itong kumapit sa kanya at ngayon ay sa leeg na niya. Bahagya pa itong tumingala sa kanya, napayuko naman si Knight kaya mag-katapat na ang mukha nila. Napalunok si Knight! Masyado kasing malapit ang mukha ni Aisha tapos nakapulupot pa ang braso nito sa kanya. Hindi siya sanay! Kapag ganoon ang eksena ay iba ang kinahihinatnan! Paano na ngayon ang gagawin nya?! It's too intimate! Napalunok na naman siya, naubos na ata ang laway niya kakalunok. Kusa namang naglakbay ang isa niyang kamay sa pisngi ni Aisha. Napangiti pa nga ito habang natutulog, unti-unti ay lumalapit pa nang husto ang mukha ni Knight dito nang bigla ay tuloy-tuloy na gumulong ang dalaga sa kabilang direksyon at tuluyang nahulog sa kama!
BLAG!!!!
Napa buntong-hininga si Knight! “Tsk! Mabuti nalang!”
Sinilip niya si Aisha at napailing nalang siya nang makitang tulog pa rin ito.
"Tsk! Grabe, mantika matulog." Bulong niya sa sarili. Tulog pa rin kasi si Aisha sa lapag kahit nahulog na ito. Balot na balot pa ng kumot gawa ng pag gulong nito sa kama. Mukha tuloy siyang lumpia.
Bumangon na si Knight bago pa magising si Aisha. Nagtimpla lamang siya ng kape at napagdesisyonan niyang lumabas muna. Naupo siya sa isang upuan na may lamesa sa labas ng cabin nila. Na-katapat iyon sa dagat, mabuti na lamang at may magasin roon kahit pa luma na.
...
Nagising si Aisha. Umaga na pala. Nagulat pa siya nang mapansin na nasa sahig na pala siya. Agad siyang bumangon at sumilip sa kama..
"Nasaan si Coco?" Gegewang-gewang na tinungo niya ang sliding door sa tapat ng kama. Iniligid niya ang paningin.
Natanaw niya si Knight na nagbabasa ng magazine. Pinanood pa niya iyon habang nakapalumbaba.
"Ang gwapo naman ni Coco?"
>...