Chapter 7

2202 Words
CHAPTER 7   Hindi na namalayan ni Knight na umaga na pala. Masyadong napako ang mga mata niya sa natutulog na si Aisha. Gusto niyang saktan ang sarili niya sa nagawa niya sa dalaga kahit pa hindi iyon natuloy ay natakot niya ito. Hindi na rin siya nakatulog sa pagbabantay dito. Patuloy kasi si Aisha sa pag-iyak kagabi kahit tulog ito ay iyak parin siya nang iyak. Nanaginip siguro. Laking pasalamat ni Knight nang tuluyan itong mahimbing. .. Pabalik-balik kay Aisha ang mga anino ng nakaraan. Mga pangyayaring ayaw na niyang balikan pero ngayon ay minumulto siya maging sa pagtulog. Maganda ang panahon noong araw na iyon. Tahimik lamang na naglalaro ang walong taon na si Aisha sa dalampasigan. Gumagawa siya ng sand castle gamit ang puti at pinong buhangin. Wala noon ang ama niya dahil may inaasikaso ito kaya naman ang yaya lang niya ang naiwan sa kanya, ang Yaya niya na si Ate Gia. "Yesha!..." Tawag nito sa kanya. "Bakit po ate Gia?!" Sagot ng batang si Aisha. "Yesha... magbihis ka na. Darating na ang Daddy mo, mapapagalitan ako nun kapag nadatnan ka niyang marungis." "Wala pa naman siya ate Gia, wala pa rin naman ang mga bisita!" Pangungulit ni Aisha. "Oh sige, 'wag kang lalayo ha at kukunin ko lang ang towel mo para mamaya." Nakangiting saad nito.  "Sige ate, ang ganda mo talaga ate!" Ngiting-ngiting sagot dito ni Aisha.   "Sus, ang Yesha ko nambola pa." Lumapit ito kay Aisha at niyakap siya. Maganda naman talaga si Gia, sadyang mahirap lang talaga sila kaya tinutulungan siya ng ama ni Aisha sa pag-a-aral. Bilang ganti ay namasukan ito sa kanila bilang yaya ni Aisha. Matapat na tauhan kasi ni Aston ang ama ni Gia na namayapa na.   "Totoo naman po yun ate!"   "Sige aalis na ang ate, sandali lang ako ha? Huwag kang lalayo!"   Ngumiti rito si Aisha at tumango.   Ilang minuto na ang nagdaan pero wala pa rin ang Yaya ni Aisha kaya naman naisipan niya itong sundan sa cottage. Malayo palang siya ay naririnig na niya ang kanyang yaya.   "'Wag! 'Wag! Maawa ka sa'kin!" Bakas ang pagmamakaawa sa boses ng yaya niya kaya nagtatatakbo si Aisha palapit sa cottage.   "Ate!!!" Gulat na tawag niya rito. "Ano'ng ginagawa niyo kay Ate Gia! Bitawan niyo siya!" Sigaw niya sa dalawang lalaki na naroon. Kitang-kita niya ang yaya niya na nakahiga sa sahig at halos wala nang saplot sa katawan. Nakapaibabaw dito ang isang lalaki na nakilala ni Aisha. Isa iyon sa mga tauhan ng Daddy niya.   "Yesha, takbo!" Sigaw ng yaya niya. Pero matapang na sinugod ni Aisha ang isa pang lalaki na naroon na nakahawak naman sa dalawang kamay ng yaya niya at kinagat iyon sa balikat. Napatayo ang lalaki kaya naman nabuwal si Aisha.   "Loko kang bata ka ah!" Kumuha 'yung lalaki ng baril at itinutok iyon kay Aisha.   "Gusto mo rin bang makipaglaro ha, naglalaro lang naman kami ng yaya mo gusto mo ba sumali?" Nakakatakot ang tingin nung lalaki kaya napaatras si Aisha habang lumalapit ito sa kanya.   "'Wag si Yesha! Ako nalang! Maawa kayo sa bata!" Hagulgol na sigaw ni Gia.   "Ate..." Tanging nasabi ni Aisha na patuloy pa rin sa pag-iyak. Hinawakan ng lalaki ang magkabilang balikat ni Aisha, takot na takot siya dito.   "Narining mo ang sabi ni Ate hindi ba kaya 'wag kang maingay... Sssshhhhhhhh." Sinenyasan pa niya si Aisha na 'wag maingay.   "Yesha..." Tawa ni Gia sa bata, pinilit nitong ngumiti sa alaga. "Clo-close your eyes. Wag na wag kang didilat." Utos niya dito kasabay ng pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.   Sinunod ni Aisha ang yaya niya, nanatili siyang mariing nakapikit. Pilit din niyang tinatakpan ang magkabila niyang tenga habang umiiyak pero rinig na rinig niya ang mga daing ng yaya niya. Nasasaktan ito sa ginagawa ng mga lalaki sa kanya. Ilang sandali ang lumipas ay nagulat siya sa isang putok ng baril.   BANG!   "ATE!!!" Sigaw nya kasabay ang pagdilat ng musmos niyang mga mata. Tumambad sa kanya ang duguang yaya na nakabalot pa ng kumot ang katawan. Ang daming dugo!   "ATE!!!" Wala siyang tigil sa kaiiyak. Pilit niyang ginigising ang yaya niya na itinuring na niyang nanay at ate.   "Tapos ka na bang umiyak? Magandang regalo rin ito sa ama mo." Sabi ng isang lalaki tapos ay tinutukan ng baril si Aisha.   "Pare bilisan mo na riyan baka may dumating pa..." sabi naman ng isa pa.   "Bad kayo! Binaril niyo si Ate!" Tili ni Aisha na hinahampas pa 'yung isang lalaki. Itinulak siya nito kaya naman napahiga siya sa sahig at tuluyang nawalan ng malay.   ...   "Ate.... ate....." Aisha mumbled on her sleep. Napalapit si Knight sa natutulog na si Aisha. Bahagya niya itong niyugyog...   "Aisha... gising... Aisha..." ...mugto ang mga matang dumilat si Aisha. Nagulat pa si Knight nang biglang yumakap sa kanya ito. Kagabi lang ay natatakot ito sa kanya pero ngayon ay yumayakap ito sa kanya!   "Si ate!" Patuloy sa pag-iyak si Aisha.   "Nananaginip ka lang Aisha." Pilit niyang pinapakalma ang asawa. Lumayo sa kanya si Aisha at nakita ni Knight ang paglikot ng mga mata nito. Tila balisa.   "Hindi! Totoo 'yun Knight! Kitang kita ko sila. Sinasaktan nila si ate Gia..." Parang mababaliw na si Aisha habang nagsasalita, nakatingin siya sa kawalan habang lumuluha.   "... tapos... tapos narinig ko yung baril! Pinatay nila si Ate!" Humihikbing saad nito.   "Aisha! Anong sinasabi mo?! Tumingin ka nga sakin!" Bakas ang pagkataranta at pag-aalala sa mukha ni Knight. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Aisha. Tumingin naman sa kanya ang dalaga.   "Si a-ate G-Gia! Yung yaya ko, binaril siya.. sa beach house namin noon." Halo-halo ang emosyon na mababasa sa mukha ni Aisha. Tila isang bata pa rin, tila si Aisha na walong taong gulang pa lamang.   Hindi makapaniwala si Knight. Nalilito siya sa mga sinasabi ni Aisha. 'Ate? Yaya niya na binaril sa beach house na pag-aari nila Aisha.' Napaisip pa si Knight. Inangat niya ang mukha ni Aisha na bahagya nang nakayuko, nagtama ang mga mata nila. Pinagmasdan mabuti ni Knight ang mga mata ni Aisha. Hindi niya namalayan na kusa na palang bumuka ang mga labi nya at sumambit ng isang pangalan.   "Yesha..."   ...   Hindi alintana ni Jin ang lakas ng ulan sa Lucille Port. Naroon lamang siya at naghahanap ng yate na maaring maglayag papunta sa Isla ni George. Hanggang sa makita niya ang isang sasakyan na may Speed boat na hila-hila. Agad niya iyong nilapitan.   "Hi, Sir! Do you own that boat?" Tanong niya sa isang Amerikano na akmang pa sakay na sa sasakyan.   "Oh, you mean my go-fast boat? Yeah it's mine, why do you asked?" Nakakunot noong tanong ng Kano.   "I wonder if I could buy that one. I'm sure that it can travel with this kind of weather right.”   Natawa ang Kano at tila hindi makapaniwala sa sinasabi ni Jin.   "Are you serious? Yeah It can travel at this weather but It will slow you down to 47km/h with it's original speed of 150km/h, but I doubt that you can afford it... that baby cost like a million." Mayabang na ngumisi pa ito.   Binaliwala naman iyon ni Jin. Bagkus ay kinuha niya ang backpack niya na nasa kanyang likuran at binuksan iyon sabay sabing; "Is 2million pesos enough?" Ipinakita pa niya ang laman ng bag na puro pera. As in cash!   Sinilip iyon ng Kano. He smirked and said, "Sorry man, but I don't need your money." Akmang tatalikod na yung kano nang muli ay magsalita si Jin.   "I will also give you my bigbike Sir! I just need that boat, please!" Malumanay pero may diin na pahayag niya. Nilingon naman siya ng Kano pagkatapos ay sumilip sa bigbike niya.   "You look desperate kid, why do you need that boat so much? You can travel using other boats when the weather is better."   "Because I need to get my girl as fast as I can before it's too late." he answered without blinking. Iyon naman talaga ang dahilan hindi ba?   Bahagyang nag-isip ang kano at marahang pinagmasdan ang reaksyon ni Jin. Marahil ay binabasa kung nagsasabi ba ito ng totoo.   "Oh s**t! Crazy things you do for love! Go ahead! You can take it!" Naiiling pang sabi ng kano.   …  … Sa isang Beach House ang lokasyon ng meeting ng Black Kings na pinamumunuan ng ama ni Knight. Isa iyong samahan ng malalakas na tao. Mga makapangyarihan, karaniwan ay pulitiko at negosyante pero sa pagkakataong ito ay kasama ng bawat miyembro ang pamilya nila upang magkakila-kilala raw ang mga ito. Ginamit ng pamilya Estude ang pribadong yate nila. Nakarating na sila sa venue pero nagpauna nang bumaba at namasyal sa paligid ang magkapatid na sina Knight at Kingson. Sixteen years old si Knight noon at si Kingson naman ay twelve. They settled theirselves on a big rock. Nahiga sila roon at sinasamyo ang sariwang hangin nang maulinagan nila ang tila putok ng isang baril.   "What is that?" Napabangon si Kingson.   "A gun shot. Hurry Kingson! Call mom and Dad while I check it!" Mabilis na sinunod iyon ng batang Kingson. Si Knight naman ay nagmadaling sinundan ang pinanggalingan noon.   Sinundan ni Knight ang malakas na iyak ng isang bata, alam niyang nasa panganib ito! Nagmadali siyang lumapit sa cottage nang bigla ay tila tumigil yung bata sa pagiyak! Kinabahan si Knight kaya hindi na siya nag-isip at tinadyakan na niya ang pinto! Nanlumo siya sa nakita, isang dalagang duguan na nababalot sa kumot ang kalahati ng katawan na tila walang saplot at isang bata na walang malay ang nasa sahig. Sa gilid ng bata ay isang lalaking may hawak pa na baril at pasugod naman sa kanya ang isa pang lalaki na may baril din.   Pinaputukan siya nito pero nakaiwas si Knight! He slide his leg under the bad guy kaya naman nabuwal iyon at naagaw niya ang baril mula rito. Itinutok niya iyon sa lalaking nakatayo sa gilid ng bata, ang baril nito ay nakatutok din kay Knight! Tinapakan naman ni Knight ang batok ng nakadapang lalaki na na agawan niya ng baril para hindi iyon makabangon.   "Sino ka bata?!" Sabi ng lalaki habang nakatutok ang baril nito sa binatilyong si Knight.   "Importante pa ba 'yun tanda?" Nang sabihin iyon ni Knight ay pinaputukan niya ang lalaki sa tuhod kaya napadapa ito sa sahig.   Unti-unti ay nagkaroon ng malay ang batang si Aisha. Napansin iyon ni Knight kaya nagmamadali niyang sinipa ang baril na nahulog ng natumbang lalaki at kinuha niya ang bata na noon ay tila natakot sa kanya!   "Bitawan mo 'ko! Bad ka! Bad ka!" sabi nang batang si Aisha.   Pero nahawakan ng isa pang lalaki ang paa ni Knight kaya nabuwal sila ni Aisha.   "TAKBO NA!" Sigaw niya sa bata na agad ay tumakbo palabas ng pinto ngunit habang tumatakbo siya ay naalala niya ang lalaking naiwan, naisip niya na baka mabaril din ito ng mga lalaking nandoon kaya naman pumulot siya ng ilang bato at binalikan ito. Umiiyak man siya ay kitang kita niya kung paano talunin ng binata ang dalawang lalaki. Mas malaki ang mga kalaban nito pero napatumba niya ang mga iyon.   Nanggigigil si Knight sa mga kalaban niya, noon lang siya nakipaglaban ng totoo. Kadalasan kasi ay sa martial arts class lang nila iyon ginagawa pero eto, totoo na 'to. Naisip niya ang babaeng duguan kaya naman nang mahawakan niya muli ang baril ay agad niyang tinutukan ang dalawa! Handa na syang paputukan ang dalawa, sa murang edad ay mababahiran na ng dugo ang mga kamay nya, pero balewala iyon sa ginawa ng mga ito sa dalagang duguan sa sahig! Handa na siya nang bigla ay may humawak sa kamay niyang may hawak na baril.   "Let me do it." It's his Dad. "Huwag mong dungisan ang kamay mo anak."   "Dad?" Tila nagda-dalawang isip si Knight.   "Pinuno!" Mukhang natakot ang dalawang lalaki roon.   "Get out of here, parating na ang ama ni Yesha, ilabas mo siya rito." Utos ng ama niya patukoy sa bata na umiiyak pa rin. Sinunod niya ang ama at iniwan ito doon kasama ang ibang tauhan. Inakay niya ang batang umiiyak palayo sa cottage. Sa di kalayuan ay nakita nila ang ilang mga tao na tumatakbo patungo sa cottage.   "Daddy!" Sigaw ng bata na Yesha ang pangalan, pero tila hindi siya narinig ng ama nito dahil dire-diretyo parin ang nakatalikod na ama ng bata patungo sa cottage. Binuhat ni Knight si Yesha papunta sa yate na pag-aari nila sa kabila ng pagpupumiglas nito.   ...   Hindi makapaniwala si Knight na si Aisha iyon. Siya si Yesha! Ang batang iniligtas niya noon.   "Yesha?" Gusto makasigurado ni Knight.   Natigilan si Aisha, namilog ang mugto niyang mga mata. Nagtatanong ang mga iyon.   "Ako si..." Hindi masabi ni Knight kung sino siya. Napabuntong hininga siya. Naalala niya ang ibinansag sa kanya ng batang si Yesha.   "Ako si... MASK... RIDER... BLACK!" Sinabi iyon ni Knight with action! Wahahahahahaha!   Natulala si Aisha, hindi siya makapaniwala. Lalo siyang napahagulgol ng iyak at muli ay yumakap kay Knight!   "Waaaah PRINCE!" Prince kasi ang isa pang tawag niya rito dahil madalas sa Fairytales na napapanood niya noon, 'yung prinsipe ang nagliligtas sa mga prinsesa at naniniwala siya na isa siyang prinsesa noon. Sabi kasi ng daddy niya, siya daw ang pinakamagandang prinsesa!   "Tss! Bakit ba hindi nalang Prince ang sinabi ko?" Natatawang hinahagod ni Knight ang likod ni Aisha habang yakap ito.   "Hush... tama na Yesha, you're safe with me." Nang sabihin ni Knight iyon ay marahan siyang tinitigan ni Aisha. Malalim ang titigan nila na tila mga mata lang nila ang nag-uusap. Unti-unting inilapit ni Knight ang labi niya sa noo ni Aisha, dinampian niya iyon ng halik. Aisha felt so safe with him this time. Then she said with those innocent round teary eyes...   "...pwede ka bang maging si Coco ulit?"   (___,______!)7 -Knight  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD