CHAPTER 8 Umiiyak na akay ni Knight ang batang si Yesha papunta sa yate nila. Tila naging panatag na ang loob ng bata sa kanya matapos na masaksihan nito ang pagliligtas dito. "Sino siya kuya?" tanong ng 12 years old na si Jin Kingson. "Siya si Yesha. Anak siya ng kaibigan ni Daddy." Iyon nalang ang sinabi ni Knight sa kapatid niya kahit pa alam niyang maraming katanungan ito patungkol sa mga naganap sa cottage, sa narinig nilang putok ng baril at sa pag-iyak ng kasama niyang bata. "Si ate Gia... *hik*... iligtas mo siya... marami siyang dugo... nakita ko..." Umiiyak na sabi ni Yesha kay Knight. Lumuhod naman si Knight sa harapan ni Yesha para mapantayan niya ito. "Marami nang magliligtas sa ate mo, 'wag ka nang umiyak." Kahit pa alam na ni Knight na halos wala nang buhay ang ate Gi

