A/N: Sorry po, I've been MIA. Kala ko kasi walang magbabasa nito. Lol. Anyways, updated na po siya. Naka-schedule na rin ang updates till last chapter kaya kahit makalimutan ko uli bumisita rito, mako-complete pa rin yung story. Enjoy! And thanks for supporting this story kahit MIA ako. Updates will be every Saturday and Sunday. Thank you so much!
----
HABANG nagkakasiyahan ang lahat sa clubhouse kung saan ginaganap ang reception ng kasal nina Rayleigh at Shan ay tahimik lang na nakaupo si Akira sa isang gilid. Nang masiguro niyang wala ng magiging aberya sa reception ay nagawa niya na ringmag-relax kahit papaano. These past few days had been really tiring for her. Iniisip niya nga na magbakasyon muna ng isang linggo dahil gusto niyang ipahinga muna ang katawan at isip niya.
Idagdag pa ang makulit niyang puso na sa tuwing nagkakaroon ito ng pagkakataon na isipin si Ace ay hinding-hindi nagpapahuli sa paggugulo sa kanya. May mga pagkakataong pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng ulo dahil sa kakaisip kay Ace. What ifs were haunting her and it made her really miserable. Sa ginagawa niya kasing pag-iisip, mas lalo lang niyang nare-realize kung gaano niya kagustong muling ibalik ang nakaraan at muling maging bahagi ng buhay niya si Ace.
Alam niyang kalabisan na ang hinihiling niya. She was being too greedy but she couldn’t help herself but feel that way. Bakit ba kasi sa haba ng walong taong nagkahiwalay sila ni Ace ay hindi niya man lang nagawang mag-move on? Sana ngayon ay hindi na siya namomroblema ng ganito. She wanted Ace back. Badly. Subalit ayaw niya ng guluhing muli ang buhay ng binata. She already messed with him once. At isa pa, may girlfriend na ito. Ayaw niyang masabihan ng mangaagaw. Hindi iyon kaya ng konsensya niya.
She heaved a deep sigh. Pakiramdam niya ay malapit na talaga siyang mabaliw. Mula sa tinititigan niyang wine ay umangat ang tingin niya nang may marinig siyang tumikhim. Nakatayo sa harap niya ang inaantok na si Haru. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito. Mukhang nahalata nito ang pagtataka niya dahil agad itong nagsalita.
“Hi,” bati nito sa kanya. Tuumango lang siya bilang ganti sa pagbati nito. “Pwede ba akong maki-share ng table? Itong pwesto lang kasi na ito ang medyo tahimik. I hate parties and I’m a bit sleepy. Pwede ba akong matulog dito?”
“Yeah, sure.”
“Thanks.”
Umupo ito sa kaibayo niyang upuan at agad na isinubsob ang mukha sa pagitan ng mga bisig nito. Wala tuloy siyang ibang nagawa maliban sa ang tingnan ito. Ayaw ba nitong makisaya sa mga kaibigan nito? At marami namang bakanteng mesa sa ibang bahagi ng clubhouse na hindi masyadong maingay. Bakit dito pa nito napiling makiupo sa kanya? Nagumon na siya ng kung ano-anong tanong ang pumapasok sa isip niya kaya nagulat pa siya nang marinig niyang muling magsalita ang lalaki.
“Staring is rude,” anito at patamad na ibinaling ang mukha sa kanya. “Lalo na kung ang taong tinititigan mo ay gustong matulog. It’s distracting me.”
Nagtama ang mga mata nila. She couldn’t help but notice that he was also handsome. In fact, wala nga yatang pangit sa mga kaibigan ni Ace. All of them had their own unique charms. Kagaya nitong si Haru. Kahit parang laging inaantok, mahahalata naman na matalino ito at sa ilang beses niya rin itong nakasama ay nararamdaman niya na kahit palagi itong umaakto na wala itong pakialam sa mga nangyayari sa paligid nito, marami itong nalalaman. Minsan lang rin itong ngumiti at hindi niya iyon matatawag na ngiti kundi ngisi.
Tumikhim siya. “Sorry. Nagtataka lang ako kung bakit sa dami ng bakanteng table ay sa akin mo pa napiling maki-share.”
“Ah, that?” umayos na ito ng upo saka nangalumbaba sa lamesa. Hindi niya mapigilang ma-conscious sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Parang tumatagos kasi iyon sa pagkatao niya. “Hindi ako pwedeng basta-basta nalang matulog ng mag-isa kung saan. Baka mapikot ako ng wala sa oras.”
“Sino naman ang pipikot sa `yo?” nakakunot-noong tanong niya.
Nagkibit-balikat lang ito. “I don’t know. Basta hindi pwede sa mga gwapong katulad ko ang matulog kung saan-saan dahil maraming magkakainteres sa akin. At sa lahat ng nandito, ikaw ang pinaka-safe na option.”
“Ano bang pinagsasasabi mo?” Conceited. “Paki-exaplain.”
“Ang ibig kong sabihin, ikaw lang ang babaeng nag-iisa dito na alam kong hindi magkakainteres sa akin kaya ikaw ang nilapitan ko.”
“Paano mo naman nasigurong hindi kita pag-iinteresan?” nakataas ang kilay na tanong niya saka matamis na ngumiti. “Marunong rin akong mag-appreciate ng guwapo, akala mo?”
“Nah, you already have Ace. Kaya alam kong hindi ka magkakainteres sa `kin,” kampanteng sagot nito. “Why waste your time chasing me when you have a model extraordinaire chasing you?”
“Ace is not chasing me,” tanggi niya. “Magkaibigan lang kami.”
“Palagi lang akong inaantok pero hindi ako tanga at lalong hindi ako bulag,” he smirked. “You think hindi ko nakikita ang mga pasimpleng sulyap niyo ni Ace sa isa’t isa kapag walang nakatingin? You can fool everyone but not me. I’ve been with that guy for six years at alam ko kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng mga kilos niya. That guy obviously likes you. At sa tingin ko, gusto mo rin siya.”
“Please don’t jump into conclusions.”
“I’m not jumping into conclusions. I’m stating facts,” sumandal ito sa upuan nito. “You know, pareho niyo lang pinapahirapan ang sarili niyong dalawa. If he likes you and you like him, ano pang hinihintay niyo? Go ahead and make my day. Para hindi na umaakto ang lalaking iyon na nasasapian at nang hindi niya na pag-initan ang bahay niya.”
“What?”
Napahawak ito sa sentido nito. “You don’t look dumb to me. Learn to read between the lines. At sinabi ko na rin sa `yong may gusto sa `yo si Ace. You like each other. What’s stoping you from being together?”
“He has a girlfriend.”
“He does?” saglit itong natigilan pero agad din itong nakabawi. “Oh, yeah. Sinabi niya ngang may girlfriend siya. So?”
“Anong ‘so’ ang sinasabi mo? Anong gusto mong gawin ko? Agawin siya sa girlfriend niya?” nababaghang tiningnan niya ito na tila ba nasisiraan na ito ng bait. “I can’t do that!”
“Why not?” inosenteng tanong nito.
Napa-face palm nalang siya dahil hindi niya na alam ang gagawin niya sa lalaking kaharap niya. Bakit ba hindi nito maintindihan ang mga sinasabi niya? At bakit pinagpipilitan ba nito pinagpipilitang may gusto sa kanya si Ace? Nagsisimula nanaman tuloy umasa ang pasaway niyang puso kahit hindi naman dapat. Napabuntong-hininga nalang siya.
“Tapatin mo nga ako, nagda-drugs ka ba?” nakakunot-noong tanong niya dito.
Nagulat siya nang bigla nalang humalakhak ang lalaki. Hala! Mukhang maluwag na talaga ang turnilyo ng utak nito. Hindi kaya psycho ito na nagpapaggap lang na matino? Gosh! Nasa mabuti pa ba siyang kalagayan? Nang magsawa ito sa kakatawa ay sa wakas, natahimik na rin ito. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya na tila ba aliw na aliw ito sa kanya.
“I like you,” maya-maya ay sabi nito. “Hindi ko alam kung anong nangyari sa pagitan niyo ni Ace dati at nagpipigil kayo ngayon. Ang alam ko lang, you look perfect for each other. Huwag niyo sanang sayangin ang panahon sa drama niyong dalawa. Pinapasakit niyo ang ulo ko.”
Hihirit pa sana siya kaso nabaling ang atensyon nila sa nagsalitang emcee. “Ladies! Get off your seats! Ihahagis na ng bride ang bouquet niya. Pakibilis, please! `Wag ng mag-inarte! Bawal ang kill joy dito.”
“They’re calling you,” narinig niyang sambit ni Haru. “You should join.”
“I’m not interested.”
“Bawal ang kill joy dito. Ang mga kill joy, pinapahalikan kay Ace.”
Nginisihan niya lang ito. “Ha-ha! Very funny.”
“Hindi ako nagbibiro,” may kinawayan itong kung sino sa likod niya. “Ace! Come here, pare! May kill joy dito. Pakihalikan nga.”