Chapter 10

965 Words
ABALA si Akira sa pagbibigay ng instructions sa mga tauhan niya sa cellphone. Iyon ang araw ng kasal nila Rayleigh at Shan kaya hindi niya pwedeng personal na asikasuhin ang catering dahil nasa simbahan na siya ng mga oras na iyon. Kasalukuyan niyang tsine-check kung ano pa ba ang mga kailangang gawin ng mga tauhan niya nang may marinig siyang tumikhim. Nang mag-angat siya ng tingin ay ang gwapong mukha ni Ace ang nabungaran niya. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa hamba ng pinto.             “O, Ace,” aniya. Sa loob ng halos isa at kalahating buwan na paghahanda nila Shan at Rayleigh para sa kasal ng mga ito ay maraming beses niya ring nakasama si Ace. Sa panahong iyon ay medyo nasanay na siya na pakiharapan ang lalaki nang hindi na siya natataranta. Her heart was still beating madly whenever he was near but she could tolerate it now. Civil na rin ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Nasaktan siya nang sabihin nito noon na isa lamang siyang kakilala nito subalit nang maglaon ay na-realize niya na hindi dapat siya nagda-drama. Totoo lang naman kasi ang sinabi nito. Wala silang relasyon at tanging pagiging simpleng magkakilala lang ang relasyon nilang dalawa. Plus, he had a girlfriend. Ayaw niyang makasakit ng kahit na sino para lamang pagbigyan ang kapritso ng pasaway niyang puso. Nakapagdesisyon na siya. Hahayaan nalang niya ang sariling mahalin si Ace ng palihim ngunit sinigurado niyang malinaw sa kanyang wala siyang dapat na asahan. Kontento na siyang maging kaibigan lang ni Ace. Ayos na iyon sa kanya basta magkaroon pa rin siya ng pagkakataong makita ito. “Busy?” tanong nito. Tumango siya. “Don’t stress yourself too much. Maayos naman na ang lahat at kaya na ng mga tauhan mo ang trabaho sa reception.” Napahawak siya sa ulo nang maramdaman niya ang pagpitik ng kanyang sentido. Sumandal siya sa kinauupuan niyang sofa at ipinikit ang mga mata niya. “Gusto ko lang na maging maayos ang lahat. Ayokong may masabing masama ang kahit sino sa serbisyo ng restaurant ko.” “Wala silang masasabing masama sa restaurant mo. Your crews are reliable enough.” Nang magmulat siya ng mata ay nakita niyang naglakad ito palapit sa kanya at nakiupo sa sofa. Hindi siya nakapalag nang iangat ni Ace ang mga kamay nito at sinimulan nitong hilutin ang ulo niya. Napapikit nalang siya nang makaramdam siya ng ginhawa dahil sa ginawa nito. Ah, she really missed times like this. Tuwing hindi kasi maganda ang pakiramdam niya noong sila pa ni Ace ay lagi siya nitong inaalagaan. Lagi nitong sinisiguro na kumportable siya. Damn. She missed Ace. “Nasaan nga pala ang boyfriend mo? Bakit hindi ka niya sinamahan dito? Hindi ka pa niya tinulungan kahit alam niyang mahihirapan ka sa catering na `to?” nakakunot ang noong tanong nito sa kanya. “Anong klaseng boyfriend siya? Hindi ka niya dapat hinahayaang nahihirapan.” Bahagya niyang iminulat ang mga mata niya. “Boyfriend?” nakakunot ang noong tanong niya. “Sinong boyfriend?” “That guy,” halos pabulong na sambit nito. “`Yung lalaking kausap mo sa restaurant mo noong ihatid ko `yung invitation.” Saglit siyang nag-isip para alalahanin kung sino ang tinutukoy nito. Napapitik siya sa hangin nang maalala niya kung sino ang tinutukoy nito. “Ah, si Louis? Hindi ko siya boyfriend. Magkaibigan lang kami. Plus, halos anim na taon ang tanda ko sa kanya. Ayokong makasuhang pedophile kapag pinatulan ko siya.” “You’re not together?” naguguluhang tanong nito. “Then, bakit ang sweet-sweet niyong dalawa nang abutan ko kayo?” “Ganoon lang talaga kami mag-usap ni Louis. Normal lang naman `yon sa mga magkakaibigan, diba?” “Hindi `yon normal!” mataas ang boses na sambit nito. Gulat na napatitig siya rito dahil sa naging reaksyon nito sa sinabi niya. Mukhang nahalata rin nito ang pagkagulat niya nang magtama ang mga mata nila.  Saglit itong nag-iwas ng tingin sa kanya at tumikhim. “Sorry. Ang ibig kong sabihin, hindi normal ang ganoon sa magkakaibigan. You we’re acting as if you really liked each other back then, you know. You shouldn’t act that way. He might misunderstand.” “Misunderstand what?” naguguluhan na talaga siya sa mga sinasabi ni Ace. “Teka, naguguluhan na ako. Ano ba talaga ang pinupunto mo? Anong mami-misunderstand ni Louis kapag patuloy ko pa rin siyang ituring na kaibigan?” “He…” Ace said frustratedly and looked straight in her eyes. “He might fall in love with you. And since you’re treating him that good, he might think that you’re in love with him, too.” Natigilan siya nang mapagmasdan niya ang mga mata nito.  He looked so desparate to make her get his point. Hindi lang iyon. There was something in his eyes that told her there was something more than his eargerness to make her understand him. Was it jealousy and possessiveness? Napailing nalang siya. Imposible iyon. “Alam ni Louis na kaibigan lang ang turing ko sa kanya.” Napakamot ito ng batok. “Ayoko lang na-i-take advantage ka niya.” “Hindi `yon gagawin ni Louis,” pagtatanggol niya sa lalaki. “Hindi siya gano’ng klaseng tao.” Nakipaglaban ito ng titigan sa kanya. Ilang sandali silang nagsukatan ng tingin. Sa durasyon ng munting titigan nilang iyon, hindi maiwasang magparamdam ng makulit niyang puso. Hindi nanaman kasi magkamayaw ang puso niya sa pagtibok. Gosh, his stares were drowning her heart and soul. Ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil ilang sandali pa ay nagbawi na rin ito ng tingin at tumalikod sa kanya. “We should go ahead,” mahinahong sambit nito. “Magsisimula na ang kasal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD