Chapter 9

1325 Words
“HI, Akira,” narinig ni Akira na bati sa kanya ng isa sa mga regular customer na naging kaibigan niya na rin, si Louis. “Hi, Louis,” nakangiting bati niya rito. “Long time no see, ah.” “Ah, nag-leave kasi si kuya Liui sa Spiral Events at ako ang kinuha niyang proxy sa posisyon niya kaya naburo na rin ako sa opisina. Second honeymoon kasi nila ni ate Bloom,” pumalatak ito. “Ilang honeymoons ba ang kailangan nila para matahimik ang mga kaluluwa nila?” Hindi niya mapigilan ang sarili niyang matawa sa sinabi nito. Tinapik niya ito sa balikat. “Huwag kang kill joy. Kapag nagka-asawa ka na, maiintindihan mo rin sila.” “I’m too young to get married.” “You’re twenty four.” “Still, I’m too young.” “Hay, oo na. Oo na,” pagpapahinuhod niya. Alam niya kasing hindi siya mananalo dito sa mga gano’ng diskusyon. Ang Spiral Events na tinutukoy nito ay ang events organizing company na pag-aari ng kapatid nitong si Liui. May sariling negosyo si Louis ngunit sa tuwing nagkakaroon ng aberya sa kompanya ng kapatid nito at wala si Liui ay ito ang sumasalo niyon. Halos tatlong taon na rin silang magkakilala ni Louis at masasabi niyang isa ito sa mga pinakamabait at pinakagwapong customer na meron siya. And he seemed to be interested in her sister, Alexa. Minsan na kasi nitong nakita ang kapatid niya sa anniversary celebration ng Akira’s Cuisine at simula niyon ay nagpapalipad-hangin na ito kay Alexa. Iyon nga lang ay dedma ang kagwapuhan nito sa kapatid niya. Ito ang number one sa mga prospect niyang ibugaw kay Alexa para naman magkaroon ng love life ang kapatid niya kahit papaano at hindi magaya sa kanya na magte-treinta na ilang buwan mula ngayon pero wala pa ring love life. Biglang pumasok sa isip niya si Ace. It had been two weeks since she last saw him. Nang huling magkita nito ay sinabi nitong simpleng kakilala lang ang papel niya sa buhay nito kaya hanggang ngayon ay medyo nagse-senti pa rin siya. She hated the idea of being just a simple acquaintance to him.  Alam niya kasi sa sarili niyang gusto niya ng mas higit pa doon. Subalit alam niyang hindi pwede ang gusto niyang mangyari lalo pa at may girlfriend na si Ace. Napabuntong-hininga nalang siya. “O, anong nangyari sa `yo? Isang buwan pa lang tayong hindi nagkikita, haggard ka na agad. Ano bang pinaggagagawa mo nitong mga nakaraang linggo?” nakakunot-noong tanong nito. Umiling siya. “Marami lang trabaho dito sa restaurant. Atsaka may catering service na kailangan rin akong asikasuhin ngayong buwan.” “Sa tingin ko, hindi work related ang problema mo,” nakangiting sambit nito. “Its love related. Pustahan pa tayo.” “Paano mo naman nasabi `yan?” nakakunot ang noong tanong niya. “Ganyang-ganyan kasi `yung itsura ni kuya noong mga panahong hindi niya pa alam kung paano niya mapapasagot si ate Bloom,” he leaned on the counter and eyed her intently. “Tama ako, hindi ba?” Napabuntong-hininga nalang siya at natagpuan niya nalang ang sarili niyang naglalabas ng mga sama ng loob kay Louis. As of now, si Louis ang pinakamaituturing niyang best friend sa lahat ng mga kakilala niya. Ito palagi ang sinasabihan niya ng mga problema niya at alam na nito ang takbo ng utak niya. Kaya nga madali nitong nalaman na hindi talaga tungkol sa trabaho ang pinoproblema niya kundi tungkol sa usaping pampuso. Nang matapos niyang sabihin dito ang mga nangyari sa pagitan nila ni Ace ay tumango-tango ito. “So you’re saying na mahal mo pa rin ang lalaking iyon hanggang ngayon pero noong magkita kayo uli, gusto niyang umakto nalang kayo na parang hindi kayo magkakilala? Eh, gago pala siya, eh.” “Para rin naman sa `kin kung bakit niya ginawa `yon,” nangalumbaba siya sa counter. Wala namang masyadong customer nang mga oras na iyon kaya okay lang na mag-petiks siya at makipag-tsismisan. “Ayaw niya kasing mailang ako dahil baka paulanan daw ako ng tanong ng mga kaibigan niya tungkol sa nakaraan naming dalawa. Ayaw niya akong malagay sa alanganing sitwasyon kaya napagkasunduan naming umakto na parang ngayon lang kami nagkakilala.” “Ah,” pumalatak ito. “Kung mahal mo pa siya, dapat hindi ka nalang pumayag sa gusto niyang mangyari. Or better yet, hindi mo na sana tinanggap ang pagiging maid-of-honor mo at ang catering. Kasi kahit pagbali-baliktarin pa natin ang sitwasyon mo, ikaw pa rin ang lugi sa bandang huli. No matter how hard you resist, you’ll just end up falling for him all over again. He seemed like a nice person to me, considering na inaalala niya pa rin ang kapakanan mo hanggang ngayon. Pero Akira, dapat mo ring maintindihan na wala siyang mai-o-offer sa `yo kundi friendship kaya hindi mo dapat hinahayaan na mas lumalim pa ang nararamdaman mo para sa kanya. I don’t want to see you get hurt. Kaya hanggat kaya mo pa, rendahan mo ng paulit-ulit `yang puso mo kung ayaw mong maging luhaan pagkatapos ng kasal na iyon.” “Ugh. I know,” napa-face palm nalang siya. “Nakakainis! Bakit kasi nagkita pa kami uli kung ganito lang rin ang kahahantungan ng lahat. Nagugulo nanaman tuloy ang puso, isip at buhay ko.” “Wala kang magagawa kung ito ang nakatadhana,” nginitian siya nito at tinapik ang kanyang ulo saka ginulo nito ang buhok niya. “Ang magagawa mo lang ay i-minimize ang magiging epekto ng pangyayaring ito sa buhay mo. Kung kailangan mo ng tulong ko, `wag kang mag-alinlangan na lumapit sa `kin. You know I’ll always be here for you.” “Thanks, Louis.” “No problem.” Nasa kasarapan sila ng pagkukwentuhan nang may tumikhim sa likod ni Louis. Sabay silang napalingon ni Louis. Muntik na siyang mapanganga kung hindi lang tinapik ni Louis ang baba niya nang makita niya si Ace. As usual, gwapong-gwapo nanaman ito sa suot nitong casual clothes. Kahit seryosong-seryoso ang mukha nito at mukhang badtrip ito ay tila mas gumwapo pa ito sa paningin niya. God, when would she be tired of admiring him?    “Ace!” “Sorry to interrupt you,” sambit nito. Saka siya binalingan. Inilapag nito sa counter ang kulay asul na sobre. May naka-emboss doon na pangalan nina Rayleigh at Shan. Mukhang iyon ang invitation para sa kasal ng dalawa. “Napag-utusan lang ako ni Shan na idaan sa `yo itong invitation para sa kasal nila. Pinapaalala niya din na may wedding rehearsal next week. Susunduin nalang kita dito dahil hindi mo alam `yung simbahan na paggaganapan ng kasal,” saglit siya nitong tinitigan na tila ba may gusto pa itong sabihin pero mukhang ipinasya nitong huwag ng magsalita. Sa halip ay tumalikod na ito at walang imik na lumabas ng restaurant. Nakakunot-noong binalingan niya si Louis. “What’s wrong with him?” “I think he’s fine,” magaang kinurot nito ang pisngi niya. “Tingin ko hindi mo dapat sukuan ang lalaking `yon. Sooner or later, he’ll speak up. Kailangan mo lang maging matiyaga at hintayin ang pagkakataong iyon. Okay?” Kahit hindi niya masyadong gets ang pinagsasasabi ni Louis ay napatango nalang siya. Tatanungin niya pa sana ito pero may kausap na ito sa cellphone at naglalakad na palabas ng restaurant niya. Anong ibig sabihin ni Louis?  Na may nararamdaman din sa kanya si Ace at kailangan niya lang maghintay kung kailan nito mare-realize iyon? Agad na na-excite ang puso niya subalit dagli niya rin iyong pinigilan. Hindi siya pwedeng masyadong umasa. Assuming was fatal for her heart. “Aaaah! Mababaliw na yata ako!” impit na tili niya habang sinasabunutan niya ang sarili niya. “I can’t understand myself anymore!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD