Chapter 8

1475 Words
Nang tumango siya ay niyaya siya nito papunta sa isang silid na hiwalay sa tinatambayan nila Ace. Hindi niya mapigilang mamangha nang tumambad sa kanya ang iba’t-ibang kulay at disenyo ng mga gowns. Masyadong sosyal ang mga iyon at ni sa hinagap niya ay hindi niya man lang naisip na makakapagsuot siya ng ganoon kagandang damit. Nasanay kasi siya sa mga simple at casual lang. Ngayong magkakaroon siya ng pagkakataong makapagsuot ng gown, hindi niya mapigilang ma-excite. “Since different shades of blue and motif ng kasal, I think this suits you best,” kinuha nito ang isang coral blue na gown at itinapat sa kanya. Nakangiting tumango-tango ito. “Ah, see? It’s perfect for your skin tone! At ang sexy mo, girl! Siguradong pagkakaguluhang ka ng mga gwapings sa village namin na dadalo sa kasal. Ay, that is, kung wala ka pang boyfriend. Pero kung may relasyon kayo ni Ace, sabihin mo lang. Takot lang ng mga iyon kay Ace.” “Wala kaming relasyon ni Ace,” mahinang sambit niya. “Wala?” nakakunot-noong tanong nito. “That’s weird. Ngayon ko lang kasi nakita si Ace na kung tumingin sa babae, eh, para bang wala ng ibang taong nag-e-exist sa paligid niya. And the expression on his face when he looks at you, naku! Wagi! Sigurado ka bang wala kayong relasyon?” “Wala,” tipid ang ngiting sagot niya. “At baka imahinasyon mo lang `yon. Bakit naman siya magkakagusto sa isang tulad ko lang kung araw-araw, eh, napapalibutan siya ng mga naggagandahang babae?” Tinulungan siya nitong isukat ang gown na napili nito para sa kanya. “Girl, sa pag-ibig, there’s no such thing as social status and physical attributes. When you fall in love, you just fall. Kahit sino pa `yan o kamukha pa siya ng pinaka-less fortunate na tao sa mundo when it comes to looks department, walang kaso iyon sa taong nagmamahal sa `yo. Ika nga ng kasabihan, love is not blind. It sees but it doesn’t mind. Pero `wag kang mag-alala. Maganda ka, sexy at mukhang mabait. Medyo insecure lang pagdating kay Ace. Ay, gets mo ba? Parang ang gulo ng sinabi ko. Ah, look! You’re so pretty!” Maging siya ay hindi mapigilan ang sarili niyang hangaan ang itsura niya. Dahil lang sa gown na isinuot niya ay nag-level up ng bonggang-bongga ang itsura niya. Itinaas ni Jajing ang buhok niya para mas ma-emphasize ang leeg niya dahil ayon dito ay sexy daw iyong tingnan at hinayaan lang nitong nakaalpas ang ilang hibla ng buhok niya sa mukha. Malawak ang ngiti nito habang pinagmamasdan siya. “Gosh, ang ganda mo talaga, girl! Bagay na bagay sa `yo ang coral blue. Ang sweet kasi ng features ng mukha mo kaya kahit wala ka masyadong make-up ang ganda-ganda mo pa rin!” hinila siya nito palabas ng silid. “Guys, look, oh! Ang ganda niya, diba? Mas lalo pa siyang gumanda dahil sa napakaganda kong creation.” Sabay-sabay na napalingon sa kinatatayuan nila ang mga tao sa labas. She felt her cheeks burn when she saw admiration in their eyes. Lalo na nang mabaling ang atensyon niya kay Ace. He was looking at her as if she was the most beautiful girl in the world. Nagtama ang mga mata nila. For a moment, she forgot that there were not alone in the boutique. Nang mga oras kasing iyon ay tanging si Ace lang ang nakikita niya. The way he looks at her made her feel nostalgic. Her heart was beating wildly as she stared back at his magnificent hazel green eyes. “What do you think, Ace?” nauliningan niyang tanong ni Jajing kay Ace. “She’s beautiful,” hindi nagbabawi ng tingin na sagot ni Ace. Nakatitig pa rin ito sa kanya. “Your gown suits her.” “Ah, I’m so great talaga!” nakangiting ininspeksyon ni Jajing ang itsura niya. “Siguradong mas gaganda ka kapag sa kasal na mismo. Hay, nakaka-excite na makita ang gowns ko na suot niyo. Feeling ko, magkakaroon na rin ako ng sarili kong fashion show. Ikaw, Haru? What do you think of her?” “She’s fine,” inaantok na sagot nito at saka sumandal sa headrest ng sofa at pumikit. “Diba, Wind?” “I agree,” sagot ni Wind. “Anong zodiac sign mo?” tanong ni Shin. “Cancer.” “Really? Compatible tayo. Ayon sa horoscope, nagko-compliment ang mga personalities natin at makakatulong ka para swertehin ako ngayong taon. Are you single? If you’re free, maybe I can take you to lunch?” “Ah…” “`Wag mo siyang kulitin, Shin,” singit ni Ace bago pa siya makasagot. “Hindi siya naniniwala sa horoscope. At ayaw niya sa mga taong sa horoscope binabase ang magiging takbo ng buhay nila.” “I’m talking to Akira,” seryosong sambit ni Shin. “Ang sagot niya lang ang pakikinggan ko. You’re opinion doesn’t matter to me. Pwera nalang kung girlfriend mo siya. Pero since, hindi naman kayo, I have all the freedom to ask her out.” “She’s not interested in weirdos like you.” “I’m still not talking to you.” “Hep! Awat na,” pamamagitan sa mga ito ni Jajing. “Bawal mag-away sa loob ng boutique ko. Malas `yon sa negosyo.” Tumahimik na ang dalawa. Siya naman ay hindi alam ang sasabihin kaya nanatili lang rin siyang nakatayo doon habang hinihintay kung ano ang mga susunod na mangyayari. Pumalakpak ng malakas si Shan. “O, tapos na tayo dito?” binalingan siya nito. “Magpalit ka na ng damit, Akira. Baka naiinitan ka na. You look beautiful, by the way. I can’t wait to see you on our wedding.” Tipid lang siyang tumango at ngumiti. Pumasok na uli siya sa silid para magpalit ng damit. Pagakasara niya ng pinto ay napahawak siya sa dibdib niya. Her heart was still beating erratically. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman sa inakto ni Ace kay Shin. Kung siya ang mag-i-interpret, sa tingin niya ay pinagdadamot siya nito kay Shin. Pero siyempre, hindi niya pa rin dapat pagkatiwalaan ang interpretation niya dahil aminado siyang bias iyon. Deep in her, she still wanted to have Ace back. Kaya maaapektuhan ng emosyon niya ang mga interpretasyon niya sa mga bagay-bagay. She couldn’t trust her verdict whenever Ace was involved. Napabuntong-hininga nalang siya. Pagkatapos niyang magbihis ay akmang lalabas na siya nang pagbukas niya ng pinto ay mauliningan niya ang usapan ng mga tao sa labas. Narinig niya ang pangalan niya kaya na-curious siya kung ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito. Alam niyang masama ang makinig sa usapan ng iba pero mas masama na pag-usapan ang mga taong wala. She leaned on the door and listened to their conversation. “What’s wrong with you, Ace? Bakit ka nagagalit kung yayain man ni Shin mag-date si Akira? It’s not as if you’re together, right?” tanong ni Ree dito. Nagkibit-balikat lang si Ace kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Ree. “Magtapat ka nga, Ace. May gusto ka ba kay Akira?” “Oo nga,” segunda ni Jajing. “Akala mo hindi ko napapansin `yung mga pasimple mong tingin sa kanya? Buking ka na, dude.” “May nililihim ba kayong dalawa sa amin?” tanong naman ni Carmela. “A past, perhaps?” “Wala kaming relasyon ni Akira,” sa wakas ay sagot ni Ace. “She’s just someone I used to know. Concerned lang ako sa kanya dahil alam ko ang ugali nitong si Shin. I don’t want her to be treated as if she does not exist. Alam kong babalewalain lang siya ni Shin oras na maging girlfriend niya si Akira. With his work and hang ups in life, he’s not capable of taking a good care of her.” “Bakit ba ganyan ka nalang ka-concerned kay Akira?” si Spade ang nagtanong. “Hindi mo dapat siya pinapangunahan. What if gusto niya palang makipag-date kay Shin? Nakiki-epal ka pa sa kanilang dalawa.” “Kung may nararamdaman ka sa kanya, sabihin mo lang,” si Ella. “Hindi ka naman namin masyadong tutuksuin. Slight lang.” “`Wag kayong mag-imbento,” balewalang sagot ni Ace sa mga ito. “Walang malisya ang concern ko kay Akira. I’m currently in a relationship with someone right now. Hindi ako two-timer. Akira is just someone I used to know. `Wag niyo kaming gawan ng issue.” Ouch. She was just someone he used to know. Ang sakit sa heart!   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD