Chapter 3

1352 Words
NAKATUNGANGA lang si Akira sa counter ng restaurant niya habang hinihintay niya ang pagdating ni Ralyleigh at ng fiancée nito. It was a typical busy day for her. Kasalukuyan siyang nasa Ortigas branch ng Akira’s Cuisine, ang restaurant na pag-aari niya. Walong taon na ang nakakalipas magmula nang maging operational ang Akira’s. Sa ngayon ay mayroon na siyang tatlong branches sa Maynila, isa sa Ortigas, isa sa Quezon City at isa sa Pasay. Nasa college palang siya ay pangarap niya ng magkaroon ng sarili niyang restaurant. She had always loved cooking in general. Gusto niyang gumawa ng cakes, magluto ng mga delicacies at kung ano-ano pa. Nang magtapos siya sa kolehiyo sa kursong Hotel and Restaurant Management ay nag-aral uli siya ng Culinary Arts sa Italy para mas mahasa pa ang talent niya sa pagluluto. That was the time when she suddenly disapper after backing out in their engagement. At nang matapos niya ang short term course niyang iyon ay nagtayo siya ng sarili niyang restaurant. Ang pamana niya galing sa Lolo at Lola niya ang ginamit niya para simulan ang Akira’s. So far, ayos naman ang takbo ng negosyo niya at proud siya sa mga na-accomplish niya sa buhay. “Hay! Nakakainis!” narinig niyang reklamo ng waitress niyang si Janine nang makalapit ito sa counter. Inilapag nito ang maliit na notebook na listahan ng mga orders ng customers sa counter saka ito sumubsob. “O? Anong problema mo?” tanong niya dito. Apat na taon ng nagtatrabaho sa kanya ang babae kaya parang magkakaibigan lang ang turingan nila sa restaurant niya. Kahit kailan ay hindi niya pinaramdam sa mga ito na alipin lang ang turing niya sa mga ito. They were her second family, after all. “Bakit nage-emote ka nanaman diyan?” “Eh, kasi naman, Ma’am Akira, `yung date ko kagabi palpak nanaman. Hay, nako! Gusto ko na talagang magka-boyfriend!” “Alam mo, Ja, isa lang ang solusyon diyan, eh.” “Ano?” Nakangising inginuso niya ang direksyon kung saan nakatayo ang waiter niyang si Xyrus. “Sagutin mo si Xyrus. Sinisigurado ko sa `yo, hindi ka magdadalawang-salita.” Nilingon din ni Janine si Xyrus at umakto na tila kinikilabutan ito sa sinasabi niya. “Ma’am naman! Alam niyo naman pong hindi ko type `yang si Xyrus. Ang mga tipo ko, `yung pwedeng pang modelo… at tao.” Mukhang naramdaman ni Xyrus na pinag-uusapan nila ito kaya lumingon ito sa gawi nila. Nang makita nitong nakatingin dito si Janine ay kinindatan nito ang huli. Napa-face palm nalang si Janine bago muling humarap sa kanya. “Ano bang ayaw mo kay Xyrus?” nakangiting tanong niya. Sa totoo lang kasi ay bagay na bagay ang mga ito. “Gwapo rin naman si Xyrus, ah! Hindi nga lang pang model material dahil wala siyang abs. Mabait naman siya at masipag. Palabiro pa kaya hindi ka mabo-bore sa company niya.” “Ay, talagang hindi ako mabo-bore, Ma’am! Makita ko palang kasi ang mukha niya, kumukulo na agad ang dugo ko. Gustong-gusto ko siyang sakalin!” “Bakit ba asar na asar ka sa kanya?” curious na tanong niya. “Kasi pinunit niya `yung picture naming dalawa ng crush ko!” namumula na ang mukha ni Janine sa sobrang inis. “Ayaw niya daw na may ibang lalaki ang umaagaw ng atesyon ko sa kanya kaya ang gago, pinunit ang picture naming dalawa ni Misha,” naiiyak na sambit nito. Ang tinutukoy nitong Misha ay ang sikat na vocalist ng bandang matunog ang pangalan ngayon sa bansa. “Alam mo ba Ma’am kung gaano kalaking sakripisyo ang ginawa ko para lang magkaroon kami ng picture ni Misha? Bumili ako ng tatlong karton ng alak na ine-endorse niya kahit hindi naman ako umiinom para lang magkaroon ako ng maraming raffle entries para sa Meet and Greet niya! Take note, tatlong kahon! Pikit mata kong binayaran ang lahat ng `yon, all for the love of Misha. Nakilala ko nga si Misha at nakapagpa-picture ako. Pero anong ginawa ng ulupong na `yan? Gosh! I want to kill him right now! Ang sarap niyang pasagasaan sa ten wheeler truck at ihagis sa bangin!” Hindi niya mapigilang matawa kahit na alam niyang badtrip na badtrip na si Janine. May karapatan naman pala talaga itong magalit ng ganoon kay Xyrus. Kung siya ang nasa posisyon nito, malamang ay matagal niya ng ibinitay ang lalaki. “Cool ka lang, Janine. Ang make-up mo, nahuhulas na.” Agad na kinuha nito ang reliable compact powder nito sa bulsa at tiningnan ang mukha. “Gosh! My face is so oily na! I need to retouch! Wait lang, Ma’am Akira, ha?” “Hala, sige! Layas!” taboy niya dito. Speaking of that guy Misha, ang balita niya ay pumunta ito sa Quezon City branch ng Akira’s six months ago. Tumugtog ang banda nito nang doon napiling mag-celebrate ng birthday ni Rayleigh kasama ang dati ay nililigawan palang nitong fiancée. Composer ng banda ni Misha si Rayleigh kaya naman nagawa nitong mapakanta ang the Scourge sa restaurant niya. Sayang nga lang at hindi niya nakilala ang mga ito. Nagkataon kasi na may nangyaring aberya sa Pasay branch niya noong mga panahong iyon kaya napilitan siyang umalis. Iinggitin niya sana ang kapatid niyang si Alexa dahil ayon dito ay ultimate fan din ito ng banda. Nang bumalik na sa trabaho si Janine ay naiwan nanaman siyang nakatunganga sa counter. Kahit gusto niyang kausapin nalang ng kausapin si Janine ay hindi pwede. Marami kasing costumer nang mga oras na iyon at hindi nila mapagsisilbihan ng maayos ang mga ito kung hindi tutulong si Janine. Wala tuloy siyang ibang choice kundi ang tumunganga nalang uli. Wala namang masama sa pagtunganga dahil sanay na siya doon. Ang kaso, sa tuwing tumutunganga siya ay naaalala niya si Ace at ang muli nilang pagkikita sa parking lot ng mall noong isang araw. Sa tuwing wala siyang gagawin, she always end up thinking about Ace. Again and again. Gusto niyang makita ang lalaki subalit alam niyang imposible iyon. She didn’t even know where she could find him. Nakontento nalang siya sa pagtingin ng mga pictures nito sa magazine at sa internet. Ace was one of the most sought-after male models not only in the Philippines but also in other foreign countries. Hindi naman kataka-taka iyon. Ace was the epitome of a man overflowing with gorgeousness. Ito na yata ang pinakaperpektong modelo sa generasyong ngayon. No wonder, marami ang naloloka dito. At isa na siya sa mga lokang iyon. Ang advantage niya lang sa mga ito ay naging bahagi siya ng buhay ni Ace noon. If only she didn’t let go of him, marahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso nito at malamang ay may mga anak na sila. Ipinilig niya ang ulo niya. Hindi niya pinagsisihan ang ginawa niyang pag-iwan kay Ace noon. Ang hindi niya lang gusto sa ginawa niyang iyon ay ang kaalamang nasaktan niya ng sobra si Ace. Alam niya sa sarili niyang tama ang ginawa niya at para iyon sa ikabubuti ni Ace. If she could turn back the time, she knew that she would still choose to let go of him. Kahit na labis din siyang nasaktan sa ginawa niya. Ang pakonswelo niya nalang, para kay Ace ang ginawa niya. And looking at him now, alam niyang hindi nasayang ang ginawa niyang sakripisyo noon para dito. She heaved a deep sigh. Hanggang ngayon, aminado siya na mahal na mahal niya pa rin ang lalaki. And if God would give her another chance to be with him again, she would willingly grab it. Gayunpaman, alam niyang imposible nang naisin pa ni Ace na balikan siya pagkatapos ng ginawa niyang pang-iiwan dito eight years ago. Sino namang sira-ulo ang babalikan ang taong nang-iwan sa kanya ng wala man lang pasabi? He didn’t even smile at you the last time you met. He must have hated you to the core for hurting him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD