Chapter 2

1329 Words
Nang makarating si Akira sa bahay nila ay agad niyang ipinasok ang mga pinamili niya. Madilim na madilim ang bahay nila kahit alas sais palang ng gabi dahil ang magaling niyang kapatid, sinara nanaman lahat ng bintana at pinalitan ng kulay itim ang dating pastel colored nilang kurtina. Bukod pa doon ay pinatay din nito ang lahat ng ilaw sa bahay. Napakamot nalang siya ng ulo. Paano kaya nakakakita ang kapatid niya sa ganito kadilim na paligid? Binuksan niya ang ilaw at nagulat pa siya nang makita niyang nakapamaluktot si Alexa sa couch habang nakakumot ng itim. Gulo-gulo ang buhok nito at mukhang badtrip pa ito dahil binuksan niya ang ilaw. Nang makita siya nito ay bumangon ito. Hindi niya nalang pinansin ang itsura dito dahil medyo sanay na rin siya sa pagiging weird at bruha nito. “Nasaan na `yung gamot ko at facial wash, ate?” tanong nito. “Nakalimutan ko. Bukas nalang ako bibili. O kung gusto mo, lumabas ka mamayang gabi at pumunta ka doon sa drugstore sa kabilang kanto,” dumiretso siya sa kusina at inilapag ang groceries sa lamesa. Bumangon din si Alexa at nakiusisa sa mga pinamili niya. “Masakit pa ba ang puson mo? Maglagay ka nalang ng mainit na tubig sa bote ng mantika at balutan mo ng damit. Matatanggal `non ang sakit.” Anim na taon ang tanda niya kay Alexa. Alexa was twenty four years old while she was twenty nine. Medyo malayo ang agwat nila pero hindi iyon naginghadlang para maging sobrang close sila. After all, dalawa lang silang magkapatid. Sila lang ngayon ang magkasama sa bahay dahil nasa Amerika ang mga magulang nila. May business sila doon at ang mga magulang niya ang nag-aasikaso dahil walang may interes sa kanilang dalawa ni Alexa na manahin ang negosyo nila. Their business was into textile manufacturing. Fashion designer ang Mama niya kaya iyon ang naisip nitong maging negosyo. “Hindi na rin masyado, ate. Nagugutom lang ako,” sagot nito at kinuha nito ang supot ng Hi-Ro na paborito nitong gawing meryenda. Nang maisubo nito ang pagkain sa bibig nito ay mataman itong tumitig sa kanya. “Anong nangyari? Bakit mukha kang nanghihina na naiiyak na ewan?” “Wala, `wag mo akong pansinin.” “Bakit nga kasi?” umupo ito at sa tingin niya ay wala itong balak na tigilan siya hanggat hindi ito nakokontento. “Bihira lang kasi kitang makita na naiiyak kaya sa tingin ko may pinoproblema ka. Teka, kailan nga ba kita huling nakitang ganyan? Ahm,” diniin pa nito sa sentido nito ang isang daliri nito na tila ba may malalim itong iniisip. “Ah! Alam ko na! Nagkaganyan ka lang nung di mo sinipot `yung engagement niyo ni Kuya Ace! Oh, my God! Don’t tell me, may bago kang fafa ngayon? Wagi! Kaso from the looks of it, mukhang may problema sa pagitan niyo. What happened?” “Ang daldal mo, Frances Alexandria Martin. Kumain ka nalang diyan.” “Si ate naman, pa-showbiz pa, eh!” nakasimangot na sambit nito. “Share naman diyan! Parang others ka naman, eh!” “Wala akong bagong fafa.” “So, it’s still him?” nakangiting tanong nito. “Him, who?” nakakunot-noong tanong niya. “Kuya Ace,” nangalumbaba pa ito habang inaanalisa ang magiging reaksyon niya sa sinasabi nito. “You still love him, don’t you?” “Saan mo naman napulot `yan?” “Alagad ako ng sining, ate. I used to write romance novels. Alam na alam ko `yang mga ganyang drama. You’re still in love with kuya Ace.” “Matagal na `yon. Hindi mo na dapat pa inuungkat ang mga bagay na matagal ng tapos,” seryosong sagot niya. “`Yung relasyon niyo, ate, matagal ng tapos. Pero `yung feelings mo sa kanya, fresh na fresh pa din,” bumuntong-hininga ito. “Bakit hindi mo kaya subukang ligawan siya, ate? Para naman makita na uli kitang sumaya ng bongga. Hindi `yung puro bahay at restaurant nalang ang lagi mong inaatupag. If you still love kuya Ace, then go ahead and get him back. Malay mo? Mahal ka pa rin pala niya hanggang ngayon.” “Hindi niya na gugustuhin pang bumalik ako sa buhay niya.” “Paano mo nalaman? Sinabi niya ba mismo sa `yo?” Napakunot-noo siya. Bakit ba ang daldal at ang kulit nitong kapatid niya ngayon? Pati tuloy ang mga damdaming pilit niyang sinusuksok sa kagilid-gilidang bahagi ng puso niya ay unti-unti na ring kumakawala. Badtrip. “Matagal ng tapos `yon, Alexa. Move on din `pag may time!” “Hindi kaya ng konsensya kong mag-move on,” pumalatak ito. “True love na `yon ate Akira pero pinakawalan mo pa. Ewan ko ba naman sa `yong kung bakit---” “Hep! Awat na!” pigil niya sa kung ano pa mang sasabihin nito. “It’s all in the past and I don’t want to talk about it anymore. Bakit hindi ka nalang bumalik sa lungga mo at magpakalunod sa mga horror stories na sinusulat mo? Mas bagay ka kasing maging horror enthusiast kaysa maging showbiz reporter.” “Sungit,” binelatan lang siya nito bago siya nito iniwan sa kusina. Nakahinga siya ng malauwag nang sa wakas ay matapos na ang munting interogasyon ng kapatid niya. Napailing nalang siya at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga pinamili niya. Binabawi niya na pala ang kagustuhan niyang magka-love life ang bunsong kapatid niya. Kung ngayong horror stories pa ang kinahihiligan nito ay feel na feel na nitong maging love expert, paano pa kaya kapag nagka-love life na talaga ito? Baka araw-araw siya nitong bulabugin. Napabuntong hininga siya. There was no way that Ace would still want her back. She had her chance to be with him before but she wasted it and did what she thought was right for the both of them. Walo na taon na ang nakakaraan magmula nang hindi siya sumipot sa engagement nila kaya malabo pa sa tubig ng imburnal na gustuhin pa ni Ace na maging bahagi uli siya ng buhay nito. Natigil ang pag-iisip niya nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Ang regular customer niyang si Rayleigh ang tumatawag sa kanya. Nag-uumpisa palang ang Akira’s Cuisine, ang restaurant na pag-aari niya ay parokyano niya na talaga si Rayleigh at sa apat na taon na pagiging operational ng restaurant niya ay naging magkaibigan na rin sila nito. She pushed the answer button and answered the call. “Hello?” “Akira,” bati nito sa kanya sa kabilang linya. “Listen, we have to talk personally.  Balak ko kasing kunin ang serbisyo ng restaurant mo para sa isang wedding catering.” “Sinong ikakasal?” “Ako,” narinig niya ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya. “Can you believe it?” “Wow! Congratulations!” nakangiting bati niya rito. May pagkamasungit ang lalaki kaya madalas niya itong tinutukso noon na baka hindi na ito makapag-asawa dahil sa kasungitan nito. Pero tingan mo nga naman! “Kailan ang kasal?”  “Two months from now,” tumikhim ito. “Gusto naming ayusin na ang lahat ng mas maaga para hindi kami magahol sa oras. Pwede ba kaming ng pumunta ng fiancée ko sa makalawa para pag-usapan natin ang details?” “Of course! Magpapahanda na rin ako ng mga sample dishes para sa makapili ang fiancée mo ng mga gusto niyang putaheng ihanda sa kasal niya.” “Yeah, you do that, too. Isang putahe palang kasi ang natitikman niya at `yung chef niyo sa Quezon City branch ang nagluto. Gusto kong matikman niya `yung luto mo mismo kaya sa Ortigas branch kami pupunta.” Tumango-tango siya kahit hindi niya naman ito kaharap. “Okay. Ako ang bahala.” “Thanks, Akira.” “You’re welcome.” Napangiti siya nang putulin niya na ang tawag. Life was really full of pleasant surprises.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD