Chapter 1

1629 Words
PALABAS na si Akira Ann sa supermarket at papunta na siya sa parking lot nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Agad niya iyong sinagot nang malaman niyang ang kapatid niyang si Alexa ang tumatawag sa kanya. “Hello?” “Hello, ate? Nasa supermarket ka pa ba? Pakibili naman ako ng facial wash, o! Ubos na kasi `yung facial wash ko, eh.” “Kalalabas ko lang,” napakamot siya sa ulo nang matingnan niya ang mga bitbit niyang groceries. Hindi na siya halos maka-hagulapay sa bitbit niya at sa tingin niya ay hindi na niya kaya pang bumalik sa loob. “Bakit hindi nalang ikaw ang bumili?” “Masakit ang puson ko, ate,” ungot nito. “Speaking of masakit ang puson, bilihan mo na rin pala ako ng gamot, please!” Napabuntong-hininga nalang siya. Sanay na siya sa ganoong bigla-biglang utos ng nakababata niyang kapatid na si Alexa tuwing nasa grocery store siya. Ang akala niya ay nabili niya na ang lahat ng “emergency” needs nito para sa linggong iyon subalit nagkamali siya. Nakalimutan niyang ngayong linggo nga pala ang buwanang dalaw ng kapatid niya kaya kailangan niya nanamang bumalik sa loob. “Oo na. Sige na. Papatayin ko na `tong tawag. Ang dami kong bitbit, eh.” “Thank you, ate! Mwa!” Napailing nalang siya. Hindi niya alam kung anong drama ng kapatid niyang iyon sa buhay. Isang taon pagkatapos nitong magtapos ng kolehiyo ay bigla nalang nitong naisipan na magkulong sa bahay nila. Her sister became a horror novelist for a local publication at magmula nang simulan nito ang propesyon nitong iyon ay naging tila alagad na ito ng dilim na takot masinagan ng araw. Nasa kolehiyo palang ito ay nagsusulat na ito ng mga nobela ngunit ang sinusulat nito noon ay romance novel. Nasobrahan yata ito sa panunuod ng mga horror movies na kinahuhumalingan nito kaya naman isang araw ay naisipan nalang nitong maging horror novelist at apat na taon na nitong sinasapuso ang pagiging alagad ng dilim. Hindi niya na nga alam ang gagawin niya sa kapatid niyang iyon. Gusto niya na itong ipagtulakang mag-boyfriend dahil baka iyon lang ang tanging rason para muling magbalik-loob sa liwanag pero hindi naman ito naglalalabas ng bahay. Paano ito magkaka-boyfriend?  Mula sa malalim na pag-iisip ay nabalik siya sa kasalukuyan nang maramdaman niya ang paggaan ng buhat niyang grocery bag. Nang balingan niya ang grocery bags niya ay napasinghap siya nang makita niyang gumugulong na palayo sa kanya ang mga delata, prutas at gulay na binili niya. Nabutas ang grocery bags niya! Dali-dali niyang hinabol ang mga lagalag niyang grocery items. Badtrip! Ito ang ayaw niya sa paper bags. Kahit kasi eco-friendly ang mga ito ay madali namang mabutas. Ngayon tuloy ang kailangan niya pang habulin ang mga pinamili niya. Naabutan niya na ang halos lahat ng mga nalaglag maliban sa tatlong orange na ayaw paawat sa paggulong. “Badtrip!” asar na sambit niya habang sinusundan pa rin ang mga lintek na prutas na iyon. Nasa mga prutas ang atensyon niya kaya hindi niya napansin na may sasakyang parating. Daig niya pa ang tinuklaw ng ahas nang makita niyang ilang sandali nalang ay mababanga na siya ng kotse. Gusto niyang umalis mula sa kinatatayuan pero tila nanigas ang katawan niya at kahit anong utos ang gawin ng utak niyang umalis na siya doon ay hindi niya magawa. Sa bandang huli ay ipinikit niya nalang ang mga mata niya at inihanda ang sarili niya sa nalalapit niyang katapusan subalit ilang sandali na siyang nakapikit ay wala pa rin siyang nararamdamang tumama sa kanya. Tanging ang sagitsit lang ng gulong ang narinig niya at ang malakas na pagsara ng pinto ng kotse. Nang imulat niya ang mga mata niya ay ang galit na galit na driver ang nabungaran niya. The man was literally towering above her.  Ang tanging nagawa niya lang ay ang tumingala. Kung hindi lang nakakatakot ang ekspresyon ng mukha nito, malamang ay natulala na siya dito dahil napakagwapo nito. “Ano ba? Magpapakamatay ka ba? Kung gusto mo ng mamatay, `wag kang mandamay!” galit na bulyaw nito sa kanya. “Pasalamat ka at malakas ang preno ng kotse ko. If not, you’ll be dead by now.” Awtomatikong napakunot ang noo niya. Abat! Muntik na siyang madisgrasya pero sermon ang una nitong ibinungad sa kanya. “Hindi mo man lang ba tatanungin muna kung ayos lang ako?” “You’re still talking to me. So I assume that you’re okay,” masungit na sagot nito. Asar na umayos siya ng tayo at nakipagtitigan sa lalaki. Handa na sana siyang bulyawan ito nang may isa pang naka-shades na lalaki ang lumabas sa kotse at lumapit sa kanila. He was wearing a bull cap kaya hindi niya masyadong mabistahan ang mukha nito. Handa na siyang makipag-away kung sesermunan lang rin siya nito subalit taliwas sa panenermon sa kanya ang mga sinabi nito. “Hey, Spade. Give the girl a break. She almost died,” saway nito sa lalaking tinawag nitong “Spade” saka siya binalingan. “Are you okay, Miss? Pasensya ka na sa kapatid ko, ha? Medyo mainit lang ang ulo niya kasi may pinapaayos pa ang kliyente niya sa website na dine-develop niya. Don’t mind him. May masakit ba sa `yo? I can take you to the hospital if you want.” Mula kay Spade ay ibinaling niya ang tingin niya sa nagsalita. Mabuti naman at may natitira pang busilak ang puso sa pamilya nito. “I’m fine. Thank you sa…” Nabitin sa lalamunan niya ang lahat ng plano niyang sabihin nang hubarin ng lalaki ang suot nitong bull cap at dark shades. Nagtama ang mata nila ng lalaking nagtataggol sa kanya mula sa halimaw na si Spade. She felt her heart skip a beat. Those hazel green eyes were awfully familiar to her. Hindi niya masyadong mabistahan ang mukha ng lalaki dahil nakasuot ito ng bull cap. Magkaganoon man, hindi siya maaaring magkamali. Isang tao lang ang kilala niyang nagtataglay ng ganoong pares ng mata. And he was someone she never even thought that she would see ever again. Hindi niya alam kung gaano na sila katagal nagtititigan ng lalaki. Wala na rin siyang pakialam sa paligid niya kahit na nagpapalipat-lipat na ang tingin ni Spade sa kanilang dalawa. All that mattered to her that very moment was him alone. Natatakot kasi siya na kapag kumurap siya ay bigla nalang maglalaho ang lalaking nasa harap niya. Oh, how she missed his hazel green eyes, arrogant nose, chiseled jaw, pinkish sensual lips and wavy jet black hair! Abot-langit ang pagpipigil niyang haplusin ang mukha nito. She just couldn’t do it anymore. “Akira Ann,” sambit nito sa pangalan niya. Dinampot nito ang tatlong orange na nakalimutan niya ng nag-e-exist pa at inilahad nito iyon sa harap niya. “These are yours, right?” Wala sa sariling tumango siya at walang imik na tinanggap niya ang mga orange na inaabot nito sa kanya. “T-thanks.” “You’re welcome,” nanatili pa rin itong nakatitig lang sa kanya. “Are you sure you’re okay?” Tila landslide na dumagsa sa alaala niya ang mga eksena mula sa nakaraan. She was overwhelmed by those memories and she just found herself running away from the two guys. Narinig niya pa ang pagtawag ng lalaki sa kanya pero imbes na lingunin ito ay dire-diretso lang siya papunta sa kinapa-park-an ng kotse niya at mabilis na sumakay doon. Malakas pa rin ang t***k ng puso niya subalit hindi niya na iyon alintana. Huminga lang siya ng malalim saka pinaandar ang kotse niya paalis sa mall na iyon. She knew that man. He was Ace Sean Villaderez, her ex-fiance. Halos apat na taon rin silang naging magkasintahan ng lalaki noon at niyaya siya nitong magpakasal. Bago ang araw ng engagement party ay may nagpabago sa desisyon niyang magpakasal dito. She ended up running away on their engagement day without saying anything. After that event, Ace looked for her everywhere. Pero pinagtataguan niya ito dahil alam niyang oras na makausap niya ito at marinig niya mismo sa bibig nito na mahal siya nito at ituloy nila ang kasal nila, alam niyang hindi niya na ito kayang tikisin pa. She loved him so much. So much that if she needed to let him go for his own sake, she would. Para sa kabutihan nito ang ginawa niya kaya kahit labis din siyang nasaktan noon ay hindi niya man lang tinangkang bumalik pa uli sa piling nito. It had been tough for her but fortunately, she survived. Sooner or later, alam niyang makakaharap niya uli ang lalaki. Ngunit hindi sa ganitong pagkakataon! Hindi pa siya handa! Alam niya ang mga sasabihin niya dito oras na magkita silang dalawa pero ngayong nakaharap niya na ang lalaki ay nilipad na ang lahat ng iyon ng hangin. All she wanted to do right now was to hug him tight. Pero hindi pwede. Bakit ba kasi pinangungunahan siya ng tadhana? Panira talaga ito palagi ng diskarte niya. Nakakainis! Kung tao lang talaga ang tadhanang iyon, malamang ay matagal niya na iyong nasakal dahil lagi nalang itong wrong timing pagdating sa kanya. Napabuntong-hininga lang siya saka itinuon ang pansin niya sa daang tinatahak niya. Running away from him was a foolish act. Alam niya iyon. Ngunit nang magkaharap sila ng lalaki ay natakot siya sa mga damdaming lumukob sa puso niya. Alam niyang kung hindi siya umalis sa harap nito agad-agad, gugustuhin niya nanamang bumalik sa buhay nito. Hindi na iyon kailanman mangyayari dahil imposibleng gustuhin pa ni Ace na maging bahagi siya muli ng buhay nito pagkatapos ng ginawa niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD