Prologo
Unang Tala
Nagkaroon ng Barangay at Sk election na kung saan tumakbo ako bilang Sk Chairman at ang babaeng mahal ko bilang Sk Kagawad. At kapag sinuswerte ka nga naman, parehas kaming nanalo. Hindi ko alam na doon pala magsisimula ang aming kwento. Ang nasa isip ko lamang noong mga panahong iyon ay ang maglingkod sa barangay at hindi ang umibig. Pero hindi ko alam kung bakit nagbago ang ihip ng hangin. Marahil ay dahil sa simula pa lang matunog na ang kaniyang pangalan dahil sa kahali-halina nitong mukha, o siguro dahil talagang pinagtagpo kami ng tadhana.
-
Huling Tala
Maligayang anibersaryo mahal ko!
Nais kong sabihin sa iyo na napakasaya ko dahil dumating ang nag iisang ikaw sa buhay ko. Marami mang pagsubok, pero hindi tayo natibag at kailanma’y hindi tayo nito matitibag. Ang higpit kaya nang pagkakakapit ko sa'yo kaya ang hiling ko lang, na sana'y mahigpit ka ring kumapit sa mga kamay ko. Huwag na huwag kang bibitaw mahal.
Ikaw ang kauna-unahan kong pag-ibig. Sa'yo ko natutunan kung ano ang salitang pagmamahal. Kaya sana ikaw na riin hanggang dulo dahil hinding hindi na ako maghahangad ng iba dahil ikaw lang, kuntento at sapat na. Kagabi ko pa iniisip kung ibibigay ko ba sayo itong librong ito, o mas pipiliin kong itago ito dahil ito ang magsisilbing alaala nating dalawa. Pero napagtanto ko na hinding hindi naman mawawala sa isip ko ang lahat-lahat ng tungkol sayo, kaya mas mabuti pang iregalo ko ito sa’yo sa araw nang una nating anibersaryo.Para naman malaman mo kung gaano ako kabaliw sayo, nawa'y ilarawan mo sa iyong diwa kung gaano ako nagmimistulang abnoy habang nagsusulat sa kuwadernong ito. Yung tipong mapapangiti at matatawa ng malakas dahil sa mga ala-alang pinababaon mo sa akin.
Hayst mahal, hindi kayang ilarawan ng mga kataga ang pagmamahal ko sa’yo. Hindi rin sasapat ang mga numero, kung ilang beses man akong mag I love you. Hindi nito kayang pantayan ang pagmamahal ko sayo. Nais ko lang iparating sa’yo na mahal kita at ikaw ang nanaiisin kong makasama hanggang sa huli kong hininga.
-
AKNDD
ms.engineering