Chapter 19 JASMINE Nang pinilit ako ni Mike na tumayo ay tumanggi ako. ''Ano ba? Ayaw ko! Dito lang ako matutulog,'' wika ko na lupaypay ang ulo dahil nahihilo na ako at gusto ko mahiga. Ipinatong ko ang aking ulo sa mesa dahil sa kalasingan. Ang iba niyang tauhan ay nagpaalam na sa kaniya na umuwi. Si Stephen at Leny naman ay sabay na umuwi. Naiwan naman sina Mang Dany, Tiya Cora, Tiyo Pedreng at si Jeorge. "Eh, Sir. Lasing na ho yata si Jasmine,'' sabi ni Mang Dany kay Mike. ''Mang Dany, hindi pa ako lashing. Sino ba rito ang hindi uminom ng lambanog, ha?'' tanong ko kay Mang Dany. ''Eh, si Sir Mike, ho?" sagot naman ng matanda. ''Oh, e 'di 'yang Sir niyo ang lashing! Eh, siya naman 'tong hindi nakainom siya pa itong lashing, hikkk!'' wika ko at sabay angat ng ulo. Si Stevan naman

