Chapter 18 MIKE Habang nakaupo kami ni Jasmine sa restaurant ay nainis ako sa waiter na kakilala niya at nagkuwento pa ito tungkol sa ex-boyfriend niya. Gusto ko ibuhos sa lalaki ang sabaw na nilapag niya sa mesa namin. Kung hindi pa siya umalis ay baka nagawa ko pang suntukin ang pagmumukha no'n. Ayaw ko marinig ang mga lalaking dumaan sa buhay ng asawa ko. Hindi ko alam kung bakit? Ayaw na ayaw ko rin na may kausap siyang ibang lalaki. Lalo na kahapon nang makita ko siya na swimsuit lang ang suot niya habang nakalutang sa tubig. Lalo na may mga lalaki na nag-uumpukan para panoorin siya. Ewan ko ba pero hindi maalis sa isip ko na isa siyang mababang uri ng babae na paiba-iba ang lalaki na umaangkin sa katawan niya. Lalo lang ako naiinis kapag naiisip ko iyon. Kaya, nang hinalikan niya

