Chapter 6

1109 Words
Napatingin si Vin sa nag-iisang sofa bed na nasa cabin ng speed boat. Naisip niya kasi na dalawa sila tapos isa lang ang kama na kanilang mahihigaan. He winced mentally. Pero wala namang problema sa kanya yon, may pagka gentledog yata siya, este gentleman pala kaya kahit saan man siya patulogin ng babae ay ayos lang sa kanya. Napakahirap lang sa parte niya dahil ilang gabi ng wala siyang maayos na tulog. Gusto pa naman sana niyang magpahinga sa isang kumportableng higaan. Dammit, they were both adults. Pwede naman siguro silang magtabi sa pagtulog na walang mangyayari sa pagitan nila. Hindi rin naman siya mapagsamantala na tao. Harmless siya kumbaga. Napalingon naman siya kay Kelly na ngayon ay napapahikab na. He said lightly, "Matulog na tayo. Wala kasing sinasabing ensaktong oras ang mga kasamahan ko kung kailan nila tayo masusundo rito. Operations rule number one: sleep when you can." She nodded without protest, unlocked the sofa, and pulled it out into a bed. With her working at one end and him at the other, nabuo rin ang kama. "Ikaw, saan ka matutulog?" "Dito rin." Nanlaki ang mga mata nito. She looked down at the inviting bed and back up at him. "Oh." Napakibit-balikat lang siya. "Wala akong alam tungkol sayo. Wala ka ring alam tungkol sa pagkatao ko, pero wala na tayong pagpipilian pa. At hindi rin natin alam kung ano ang mangyayari bukas. Tomorrow maybe rougher than today." Pero ano naman ang ikinaputok ng butse mo Vin, kung hindi ka nga papayagan ng babae na tumabi sa kanya? Gusto lang kasi niyang ipadama sa babae na hindi siya prinsesa dito. Na tao lang din ito. Katulad niya. Dammit, hindi nga ito katulad niya. Marangya itong namumuhay sa kanila, na makukuha ang lahat ng gusto nito. Magkaiba nga sila katulad ng gabi at araw. Dapat niyang tandaan iyan. Gagamitin lang niya ito para makapunta siya sa Cambodia, para mapatay ang notoryos na assassin na si Gamarillo bago pa siya maunahan nito. At para na rin makapamuhay na sila ng normal. Babalik na siya sa pagiging regular agent niya, at ito sa lifestyle na nakasanayan nito. "Kung gusto mo, tumagilid ka lang sa paghiga." aniya pa. "Hindi naman ako malikot matulog." "Sa tingin mo ba matutunton tayo ni Gamarillo dito?" "Sa palagay ko hindi. Hindi niya ako hahanapin sa mga lugar na gaya nito." Iyan din ang rason kung bakit kailangan niyang isama ang babae papunta sa Cambodia. Wala naman sigurong maghahanap sa isang couple na magbabakasyon lang sa Cambodia. Isang tao lang kasi ang hinahanap nila at kapag kasama niya ang babae, mukha na silang nagbabakasyon na turista na dalawa. Unang umakyat sa kama si Kelly at sumiksik ito sa pinakadulo ng kama. Pinatay na niya ang flashlight at umakyat na rin siya sa kama. Nagtalukbong siya ng kumot habang inilagay niya ang baril sa ilalim ng kanyang unan. Naramdaman naman niya na napapausog palayo sa kanya ang babae. "Wag kang mag-alala, hindi ako mangangagat." sabi niya. "Hindi ako sigurado diyan." sagot pa nito. He grinned into the dark. Kung alam lang nito. Posible ngang mangangagat siya, so he'd have her begging him for more in under five minutes. Putragis, may minuto pa siyang nalalaman. "Sweet dreams, Vin." Tama. Wala ng ikatatamis pa sa panaginip niya. "Ikaw rin." He stretched out on possibly the most comfortable mattress he'd ever experienced. Ang sarap talaga matulog sa malambot na kama. Kung ganito lang sana kalambot ang mahihigaan niya tuwing may misyon siya. Here he was in the perfect bed, idagdag pa na bombshell itong katabi niya - at ang tanging gagawin lamang niya ay ang mahiga, at magdasal na makakagising pa sana siya bukas. Nakarinig na siya ng mahinang paghilik at hindi niya inaasahan na ganon lang kadali makakatulog si Kelly. Baka pagod lang talaga ito. Naisip rin niya na ang pagkatulog agad nito ay nangangahulogan na pinagkatiwalaan nga siya nito. Base na rin sa narinig niyang sinabi nito sa kanyang ama na ipinagkatiwala nito sa kanya ang kanyang buhay. Ahh, kung alam lang nito kung sino talaga siya. Kung alam lang nito kung ano ngayon ang naglalaro sa isip niya, baka makasigaw lang ito ng wala sa oras. Not that he meant anything by it. Ang isiping hubad ito sa ilalim ng kumot ay ang magpapadistract lamang sa kanyang insomia. Wala naman talaga siyang gagawin na masama sa babae. Nasa misyon siya ngayon at hindi kasama roon ang pambabae. As soon as she got him into Cambodia, ipapadala niya agad ito sa Pilipinas at kung pwede nga papaeskortan niya ito ng mga bodyguard. Kailangan talaga niya kahit konting pahinga lang. Pero sa halip ay nakiramdam lamang siya sa paligid. At ang tanging naririnig lang niya ay ang tunog ng palaka. Maganda sana ang ambiance para matulog, para kasing dinuyan sila sa maliliit na alon. Pero sa palagay niya hindi pa rin siya makatulog kahit ipikit pa niya ang mga mata. Napadilat na lamang siya nang biglang umungol si Kelly. Sa tingin niya binabangungot ito. Aww, crap. Umiiyak ito, ayaw pa naman niyang makakita ng babaeng umiyak. Kailangan niya itong e comfort sa pamamagitan ng pagyakap nito. Yong hindi naman mahigpit na yakap. Katamtaman lang. Ayaw niya kasing matukso sa mga babaeng katulad ni Kelly. Women like her were poison. She jerked and her breathing was fast and hard. She half sat up, then collapsed back against her pillow. Sayang lang dahil hindi na niya ito mayakap. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. "Ang sama ng panaginip ko." "Huhulaan ko. Nanaginip ka na hinabol ka ng mga bad guys, ano?" "Parang ganon nga." "Kalimotan mo na yon. Ang isang bangungot ay repleksyon lamang sa iyong pag-iisip tungkol don sa traumatic event na iyong dinanas. Wala namang ibang kahulugan yon." "Tama." anito tas saglit itong natahimik. "Thanks for the comforting advice. Hindi na ako matatakot kung bangungotin man ako ulit." "Look. Pasensya na kung naging insensitive man ako sayo. Hindi ko man lang naisip kanina ang nararamdaman mo nong nakipagbakbakan ako sa mga taong humahabol satin. I'm a bastard. Minsan talaga wala akong pakiramdam, at ma realize mo rin yan pag magkasama tayo." Nanahimik lang ang babae at hindi niya matantiya kung anuman ang saloobin nito. Nang hindi pa rin ito nagsasalita, akala niya nakatulog ulit ito. "Then bakit kailangan mong igiit ang pagpoprotekta sakin laban kay Gamarillo? Eh hindi naman niya ako kilala, napasama lang nga ako sa misyon mo." "Dahil iyan ang dapat kong gawin." turan niya. "A real bastard wouldn't care enough about someone else to do the right thing. Oo, antipatiko ka. But not a bastard." "Salamat..kung ganon." sagot niya. "Walang anuman." sagot rin nito. "Matulog ka na." "Yes sir, I mean Mr. Antipatiko." Sumilay naman ang ngiti sa mga labi niya. Pano ba nito nagawang pangitiin siya? Uh-uh..hindi ito magandang sinyales. Lalo na't ilang araw pa sila na magkakasama. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD