Chapter 5

2479 Words
Nasiyahan si Kelly dahil madilim na, at least hindi na siya masyadong maaninag ng lalaki. But everything about the night was magnified by the man's brooding presence beside her. The black sky and blacker sea transformed into a beast that could swallow them whole. Normally, she loved this magnificent solitude. Pero ngayong gabi parang nanginginig ang buong kalamnan niya, marahil ay distracted lamang siya sa lalaking kasama niya. "Bilis-bilisan mo ng konti ang pagpapatakbo mo, para ng sa ganon makadaong na tayo sa pinakamalapit na isla rito." Heto na naman ang damuhong na ito, eh kung makautos sa kanya ay wagas. "Sa tingin ko malapit na tayo sa isang isla, dahil may nakikita na akong parola." "Siguradohin mo lang na maayos ang pagkakatago mo nitong speed boat pag makadaong na tayo. Alam mo naman na mahirap itong itago dahil sa kulay nitong pink. Alam mo nakukuryoso lang talaga ako, bakit ba mahilig sa kulay pink ang daddy mo?" Kelly rolled her eyes. "Sa tingin ko, may babaeng pagbibigyan si daddy nitong speed boat, nabuking lang namin siya ng kapatid ko." "Come again?" "Duda kasi namin na may bagong kinagigiliwan si daddy na isang bente-singko anyos na modelo na siyang pagbibigyan nitong speed boat." "Kaya ba ayaw mo don sa babae dahil ka edad mo lang siya?" "Yeah. How creepy is that, right? Eh singkwenta anyos na kasi si daddy. But hey, hindi basta-basta itong modelo na to, naging cover siya sa vouge magazine three times, and take note maganda siya. Pumapatol lang nga siya sa matanda." Mukhang bitter naman ang naging komento ng lalaki. "Kaya nga hindi ako tumitingin sa magandang itsura." Hmp! The nerve itong lalaki na ito. Hindi naman pala ito maka appreciate ng maganda. Kaya iniba na lamang niya ang paksa. "Kung gusto mong itago natin itong speed boat, kailangang maitago natin ito sa isang may bubong. At mas mabuti kung sa isang pribadong lote." Panandalian namang nag-isip si Kelly kung saang lugar pwede niyang itago ang speed boat. "Alam ko na. Sa nabiling property ng kapatid ko." A cynical look passed across his features. Ano bang problema ng taong ito? Mas mabuti nga ang suhestisyon niya dahil may sigurado silang mapupuntahan. Hindi rin naman kalayuan ang pribadong isla na yon. "Kaya lang walang nakatira doon." komento pa niya. "Hindi kaya magagalit ang kapatid mo pag tatahak tayo doon." "No. Ipapaliwag ko lang ng mabuti sa kanya. Siguro naman maintindihan niya." "Pano ka naman nakakasiguro?" "Pupunta lang kasi siya doon tuwing summer." "Ganon ba." She glanced over at him. "Anyway marami rin naman akong kakilala na may mga beach house..Pero look, mabait talaga ang half-sister ko. I'm sure hindi niya ako mahihindian." "Iba talaga ang laki sa yaman. Nagiging spoiled brat. Gagawin talaga kung anong gusto nila." Hininto naman ni Kelly ang barko at hinarap ang lalaki. "Tinawag mo ba akong spoiled brat?" "Kung yan sa tingin mo?" "Pwes, hindi ako ganon. Sadyang marangya lang talaga ang kinalakihan kong pamilya." Akala pa naman niya naiiba ang lalaki. Gaya rin pala ito sa mga tao na ang tingin sa kanya ay spoiled brat. Kaya wala siya sa mood na makipag-usap sa lalaki hanggang sa dumaong sila sa islang pagmamay-ari ng kanyang kapatid. Unang bumaba sa speed boat si Vin at itinali niya ito sa isang kahoy. Madilim ang isla na yon at sobrang tahimik, idagdag pa ang malamig na simoy ng hangin. "Ano ba ang trabaho mo?" biglang tanong sa kanya ng lalaki. "I graduated from Harvard University with a Master's Degree of English Communication, and I'm currently working at my dad's law firm." Napapailing naman sa kanya ang lalaki. "Not a challenging job, lalo na't sa iyong daddy ka lang nagtatrabaho. Walang makakasibak sayo roon kung inefficient ka man sa iyong trabaho." Bigla naman siyang nakaramdam ng pagkairita sa lalaki. "Sinabi ko lang ang nasa isip ko." Nag dahilan pa ang mokong. Naiiritang pinatutsadahan niya ito, "How many charity balls for thousand of guests have you organized from scratch? How many millions of pesos have you raised for worthy causes and given away? How many scholarships have you interviewed a hundred of people and then granted? How many press conferences have you endured? How many political campaigns have you spent a year working on around the clock, road tripping and stumping and getting two or three hours of sleep at night?" Iwinasiwas naman ng lalaki ang mga kamay sa ere as if in surrender. "All right, all right. Mabuti naman kung ganon at least hindi ka palaging nagpupunta rito para lang magpa tan sa iyong balat." Pero sa sinabi nito mukhang hindi pa rin ito kumbinsido. Eh paki niya ba kung hindi man naniniwala ang lalaki sa kanya. Naiirita lang talaga siya sa tuwing may magsasabi sa kanya na rich spoiled brat. Si Charles nga hindi siya sinasabihan ng ganon. Hay naku! Naisip tuloy niya ang walang hiyang nang iwan sa kanya sa altar. Ang matindi pa ay umamin ito na inlove ito sa kanyang bestfriend bago pa ito nag runaway groom kasama ang bestfriend niya na maid of honor. Kung may machine gun lang siyang tulad ng kay Vin, hayan mababaril niya ang mga ito. She'd have blown off both their heads with it. Pero naku makukulong naman siya pag ganon ang nangyari. Hindi siguro, tatakotin lang niya ang mga ito, at least man lang makakaganti siya sa malaking danyos na nagawa ng mga ito. Pero hindi naman siya bayolenteng tao eh. Martir nga siya pagdating sa pag-ibig. Nahalata na kasi niya bago pa ang kasal na may something sa bestfriend niya at kay Charles, pero inignora pa rin niya ang mga senyales na yon dahil nga nagpapakamartir siya sa lalaking iyon. Matapos itali ni Vin ang speed boat, nahalata niyang nakatingin lang ang lalaki sa kanya kahit madilim pa sa lugar na yon. "Now what?" she grumbled. "Mabuti nalang at may signal dito, may tatawagan kasi ako." She watched as he pulled out his cellphone. "Hello, ako to." saad pa ng lalaki. "Nasa isang pribadong isla. Ano na ang balita diyan?" A short pause while he listened to whomever he was talking with. Tas nahalata na naman niyang tumingin ito sa gawi niya. "Sinabi ko na sayo, she can do it. She's perfect for it." A short pause. "Oo, alam kong mapanganib. At oo, sigurado akong makakaya niya." Base sa narinig ni Kelly, parang kinukumbinsi ng lalaki ang kausap nito sa cellphone. "Okay. Tawagan mo nalang ako." Anito at ibinaba na ang cellphone. Nang hindi pa rin siya kinakausap ng lalaki matapos nitong ibaba ang cellphone, minabuti niyang siya na lamang ang kumausap nito. "Ano na?" "Dito muna tayo hangga't hindi pa dumadating ang barkong sasakyan natin papuntang.." "Papuntang saan?" Hindi agad ito nakasagot. In fact, mukhang nag aatubili ang lalaki sa gusto nitong sabihin sa kanya. Hindi kaya niya magugustohan ang sasabihin nito? "Gusto mo bang makaranas ng adventure sa isang lugar?" tanong nito. "Like saan? sa Africa?" she blurted, surprised. "It's awfully hot there at this time of year. But I suppose I'm up for a safari adventure. As long as walang barilan doon. Sayang lang wala tayong dala na camera." "Hindi sa Africa ang pupuntahan natin." turan pa nito. "Then where?" "Cambodia." sagot nito na may pag-aalinlangan. "Saan sa Cambodia? Sa Phnom Penh ba?" "Tama. We'll be there for a few days. Hahanapin natin don ang leader ng mga humahabol satin kanina. Ang pangalan niya ay Gamarillo, isa siyang notoryos na assassin at isang pinoy." "Ayoko nga! Kailangan nating lumayo sa kanya kung ganon. Baka naman sa pangalawang pagkakataon na makasagupa natin siya ay matitigok na tayo." "Kaya nga kailangan natin siyang maunahan. Sabi ng mga kasamahan ko sa Operatives, it would be safer to go on offensive and not sit back and wait for him to come us." Natameme siya sa sinabi nito. Kaya pala sinabi niyang adventure kasi killer ang hahantingin nila sa lugar na yon. "That's the dumbest idea I've ever heard of." di mapigilang bulalas niya. Napatawa lang sa kanya ang lalaki. "Wala kanang pagpipilian pa. Bihag kita, kaya sundin mo nalang ang ipag-uutos ko sayo." "Pano kung hindi ko kaya ang mga ipagagawa mo sakin?" "Madali lang naman ang ipagagawa ko sayo, magmaneho ka lang ng barko. Siguro naman marunong kang magmaneho ng sailboat." "Well, yes." Napakunot-noo siya. "Pano mo nahulaan na marunong nga ako?" "Magaling ka kasing magmaneho ng speed boat, at napansin ko na mahilig ka sa barko at dagat." "I happen to prefer motorboats." aniya pa, at tama nga ang lalaki na mahilig siya sa barko at dagat. "Pupunta tayo sa Cambodia sakay ang sailboat." "Hindi kaya mapanganib itong gagawin natin?" "Mas mapanganib kung mauunahan at resbakan tayo sa mga taong humahabol satin kanina. At least kung madakip man tayo roon at makulong dahil sa illegal nating pagpunta roon. Makakalabas rin naman tayo agad dahil sa koneksyon ng ama mo." "Ayoko ngang magpakulong roon, not in my dreams." "Kahit ako rin. Kaya nga makinig ka sa lahat ng sasabihin ko sayo." "Ayoko!" pagmamatigas niya. "Susunod ka sakin sa ayaw at gusto mo dahil wala na akong sapat na oras. Naiintidihan mo, Miss Homer? Sasamahan mo akong hanapin si Garamillo. Kailangan ko kasi ang kakayahan mong magmaneho." "Eh pano kung hindi mo na kailangan ang kakayahan kung magmaneho? E itsapwera mo nalang ba ako doon?" "Hindi ako ganong klaseng tao, Miss Homer." pagtatama nito. She merely narrowed her eyes and glared at him. Fine. Mabuti kung ganon, at least magkaliwanagan muna sila. Inisip rin niya kung pano kaya sila makakarating sa Cambodia sakay ang sailboat. Ngunit biglang umagaw sa kanyang isip ang katanungan niya sa lalaki simula pa nong una. "Pano ka ba natunton sa sinasabi mong si Gamarillo?" Pero tinitigan lang siya ng masama ng lalaki. Ayaw rin naman niyang tumahimik lang, mapapanis lang ang laway niya. Besides, mas kilala yata siya nito dahil sa kilalang tao sa lipunan ang kanyang ama. Napaka unfair naman kung wala man siyang kahit konting alam sa pagkatao nito. Alam niyang napangiti sa kanya ang lalaki. Nakikita niya kasi ang puting mga ngipin nito kahit sa dilim. "Have you ever heard of a don't ask, don't tell policy?" Wala siyang pakialam sa polisiya na yan. Basta magtatanong siya hangga't gusto niyang magtanong. Sasagot man sa kanya ang lalaki o hindi. "Gaano pa tayo katagal na umupo dito? Maghihintay nalang ba tayo hanggang sa may tumawag sayo?" Napakibit-balikat si Vin. "Maaring buong magdamag." All night? Hay naku! Kung hindi lang talaga ito mukhang harmless, hinding-hindi talaga siya papayag na makasama buong magdamag ang damuhong na ito. "Gusto sana kitang makilala pa, kaya lang mas nangingibaw ang pagkagutom ko, kaya nawalan ako sa mood na magtanong tungkol sayo." "Anong gusto mong kainin, jollibee, Mcdo, Kfc? Magpadeliver tayo." biro pa nito. She glared at him, tas mataray niyang sinagot ito. "Hindi na kailangan, may pagkain ako doon sa speed boat." Pumunta siya sa cabin ng speed boat at doon niya kinuha ang naka stocked na pagkain. Binuksan niya ang dalawang lata ng tuna at inilagay niya ito sa microwave. Matapos niya itong initin ay inilagay niya ito sa tig-iisang plato. "May makakain na tayo dito." Tawag niya. "Wala bang spaghetti?" sabi pa ng lalaki. "Wag ka ngang maghanap ng wala. Buti nga pinakain kita diyan." naiiritang sagot niya. "Pwede naman nating gibain ang lock ng bahay ng kapatid mo, baka may marami pa tayong makakain sa loob." mungkahi pa nito. "Ayoko nga." mabilis niyang pagtanggi. "Malilintikan pa ako ng kapatid ko." Kakatapos lang nilang maghapunan nang tumunog ang cellphone ni Vin. Agad din naman itong sinagot ng lalaki. Tas napapatingin na naman ito sa kanya habang may kausap ito sa cellphone. Whoever was on the other end of the conversation was talking about her, she was sure of it. "Titingnan ko kung ano ang magagawa ko." Anito sa kausap, tas ibinababa na nito ang cellphone at hinarap siya. "May konting problema tayo. Ayaw ng ama mo na masangkot ka sa operasyong ito. Malalagay ka lang daw sa panganib. Naiintindihan ko naman siya bilang ama mo." "In other words, naisip lang niya na mahina ako." bulalas niya. "Akin na yang cellphone mo." she held out her open palm expectantly. Ibinigay rin naman ni Vin ang cellphone niya. Dinayal niya ang numero ng kanyang ama at kaagad din itong sumagot. "Hello?" "Hi dad, ang walang kwenta mo itong anak." "Honey, are you allright? Sinabi na sakin ng NBI na nasama ka sa operasyon sa isa sa kanilang agent." "I'm fine, dad." sagot niya sa kanyang ama. "Dad, may hiningi po kasing pabor itong agent na kasama ko. Niligtas niya po kanina ang buhay ko, kaya naisip kong tulongan siya sa kanyang misyon bilang kabayaran. Alam kong nag-aalala ka sakin dad, kaya nga tumawag ako para sabihin sayong okay lang ako. Kailangan ko siyang samahan, dad. I trust this man implicitly to keep me safe." Nanlaki naman ang mga mata ni Vin pagkarinig niya sa sinabi ng babae sa kanyang ama. "Kelly, kilala mo ba kung sino iyang si Vin Alcaraz? I had my staff run a profile on him, and you can't believe some of the things he's done. He's an assassin honey. He's a covert operator and runs around blowing things up and assassinating people for a living. Ayaw kong sumama ka sa taong tulad niya." "Tutulongan ko pa rin siya sa misyon niya, dad." "No." "Hindi ako tumawag para humingi sayo ng permisyon, dad. Sinabi ko lang ito sayo dahil karapatan mong malaman kung nasaan ngayon ako." "Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan, bata ka." singhal ng kanyang ama sa kabilang linya. "I control your trust fund. Kaya wag na wag mo akong suwayin." "I'm sorry if you feel that way, dad. But I am going to do it." "I'll cut your allowances off. No money. No credit cards and no bank account. Simula ngayon." Ganyan naman talaga ang kanyang ama pag galit ito sa kanya. Mawawala rin naman ang galit nito pag lalambingin na niya ito. Pumayag na kasi siya kay Vin kaya panindigan na lamang niya ito. "Gawin niyo po, dad. Pero hindi na po magbabago ang desisyon ko. Good night." she disconnected the line, at ibinalik na niya kay Vin ang cellphone. "Anong sabi sayo ng ama mo?" Vin asked quietly. "He's cutting me off financially." "Totally?" Gulat na tanong ni Vin. "Yup." "That sucks. Wag kang mag-alala pa swe-sweldohan nalang kita sa gagawin mong ito." She grinned ruefully. "Thanks, pero hindi lang naman si daddy ang inaasahan ko. My mother is loaded, too. Besides, I can always threaten to go public with my father's doing to me and he'll back off. Negative publicity is very bad for a man in his position. Lalo na't tatakbo siya ngayong eleksyon." Napapailing naman si Vin. "Ouch. Anak ng bablackmail sa ama? Ibang level ka rin ah. Pero hinahangaan ko yang pagkatigasin mo." She grinned back, reassured she'd made the right decision. Ipapakita kasi niya sa Alcaraz na ito kung anong kayang gawin ng isang babaeng katulad niya. If she spent a few days with him, siguro mas makilala niya ito. Goodness, itong adventure na to ang kailangan niya ngayon. Sawa na kasi siyang magmukmok at magtago ng dahil lang sa ginawa ng ex niya. In fact, the more she thought the adventure, the more she like the idea. If she could shed her socialite image and become a strong independent woman...well, sisimulan na niya ngayon. Kahit ilang panganib pa ang susuongin nilang dalawa. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD