Vin's cellphone vibrated insistently against his hip. Again. Alam kasi ni Vin na mga kasamahan lang niya yon, nangungumusta kung buhay pa ba siya. Thank God at nakarating na rin sila sa isang isla na hindi siya pinababa ng babae sa speed boat. Otherwise, pinagpipyestahan na siguro siya ngayon ng mga pating.
Pero talagang na iintriga siya kay Kelly Homer. Kung bakit kaya ito nag-iisa. Wala ba itong kasamang boyfriend? Hindi kasi ipagkaila na maganda ito at mayaman. At kung hugis naman ng katawan ang pag-uusapan nito ay hanep sa kurba.
Samantalang nagugulohan naman si Vin kung bakit alam ng mga kalaban ang pagkikita nila ni Zaratoga. How in hell had they found about it?
Hindi niya nagugustohan ang misyong ito, para kasing may sablay. Pero kahit na, sa ayaw at sa gusto man niya, he was the best man for the job. Damn, the only man for the job.
"Kailangan ko munang patuyuin ang bag ko." he announced.
Sumagot naman ang babae. "Inside the cabin. May storage room diyan sa ibaba ng sofa cushions." She turned away to look at the propellers, and he took the opportunity to unplug the microphone from the boat's radio. Ipinasok naman niya ang hand-held radio sa bulsa at pumasok na siya sa loob ng cabin.
Matapos niyang linisin ang kanyang sugat at lagyan ng bendahe, kinuha niya ang kanyang cellphone. Kailangan niya kasing matawagan ang walang kwenta niyang mga kaibigan upang ipaalam sa kanila na humihinga pa siya at nandito ngayon siya sa parang bahay ng kwago, since the speed boat's cabin was low and compact.
"Ashton pogi, here. How may I help you?" si Ash ang nasa kabilang linya.
Sumagot naman si Vin. "Asong ulol ka talaga, Ash. May pa 'how may I help you' ka pang nalalaman."
"Hey bro, it's good to hear your voice."
Vin snorted. "Yeah, it's good to be alive and kicking. Kahit pa muntikan na talaga kanina."
"Nasaan ka ba ngayon?"
"Ako? nakaupo sa isang barko habang pinagmamasdan ang napakagandang sunset na hindi mo pa nakikita sa tanang buhay mo. Salamat at sinabi niyo sakin ang plan C. Needless to say, I'm not gonna make the rendezvous at twenty hundred hours."
"Bakit anong nangyari?"
"Maaga kasi akong nag check out sa hotel at napansin ko nalang na may mga lalaking bumubuntot sakin. Sinubukan ko silang iligaw ng landas pero nasundan pa rin nila ako. Nang makarating ako sa pier don kami nagbarilan. Natamaan ako sa braso kaya kinailangan kong makaalis agad sa lugar na yon gamit ang speed boat ni Congressman Honoridez."
"So natakasan mo nga sila?"
"Hindi naging madali ang pagtakas ko sa kanila. Nagnakaw rin kasi sila ng speed boat at hinabol kami."
"Kami?" ulit na tanong ni Ash.
"Uhh, yeah. May maliit na komplikasyon lang ang plan C. Nang matagpuan ko kasi ang speed boat, nakasakay na ron ang anak na babae ni congressman Honoridez. Kaya minandoan ko nalang siya na patakbuhin ang barko kundi patay kaming dalawa. Actually, siya nga ang nagligtas sa buhay ko."
"Then what?" Ashton asked grimly.
"Nakipaghabulan sila samin at nagpalitan kami ng paputok sa laot."
"Kumusta naman ang anak ni congressman?"
"Ayos lang naman siya, nenerbyos ng konti. Pero bro, she's a hell of a sexy driver."
"Wag kang mag-alala bro, sasabihin ko yan kay congressman. So, ano naman ang status ng mga humahabol sa inyo?"
"One boat down. Probably they're dead but not confirmed. Pero may isang barko pa na humahabol samin ang nakaligtas."
"May ideya ka ba kung sino ang mga yon?"
"Parang may isa akong namumukhaan sa kanila. Parang siya yong notorious na assassin na si Gamarillo."
"Ganon? may nasagap kasi akong info na nagtatrabaho siya kay retired Gen. Rodil Romano."
Nabigla naman si Vin sa pahayag ng kaibigan. "Gen. Romano was a peace-loving man. Ang hirap yatang paniwalaan yan, Ash."
Napatawa lang si Ash. "Mayor na siya ngayon sa kanilang bayan Vin, at alam naman natin kung ano ang kaya niyang gawin."
Panandaliang namayani ang katahimikan sa magkabilang linya, hanggang sa unang bumasag si Ash sa katahimikan. "May ideya ka ba kung sino ang nag-utos kay Gamarillo na patayin ka? Maari kasing free lancer din ang hitler na iyon."
Napaisip naman si Vin. Posible kasing mangyari ang sinabi ni Ash. Kung babayaran lang talaga ito ng mahal, why not?
"Eh pano niya nalaman na katagpo mo sa hotel na yon si Zaratoga?"
Napabuntong-hininga siya. "Pano mo nalaman na si Zaratoga ang katagpo ko, Ash? Kilala mo ba siya?"
Namayani ulit ang katahimikan. Hanggang sa nagsalita si Ash. "Hindi ko siya personal na kilala. Pero ang alam ko bigating tao siya sa Cambodia."
Tama. Zaratoga was the Deputy Prime Minister of Cambodia and widely expected to be the next President.
Nang marinig ni Vin ang kalabog, bigla siyang huminto sa pakikipag-usap sa kaibigan. Nakikinig kaya ang babae sa kanya? Hindi siya sigurado kaya tuloy naalala niya ang babae. "Bro, mabuti pang sabihin mo nalang sakin ang nalalaman mo tungkol sa anak ni congressman."
Walang pag-aalinlangang sagot ng kaibigan. "May pinagdadaanan ngayon si Miss Homer, bro. Hindi siya sinipot ng mapapangasawa sa araw ng kanilang kasal. Naku! Ang hina mo talaga, Vin. Hindi ka updated sa showbiz happening. Alam mo bang yan ang pinagpipyestahan ng tabloid last week."
Hindi nga siya updated sa mga ganyang balita. No wonder kay Ash dahil may pagka tsismoso ito.
Nagpatuloy naman si Ash. "At dahil binombahan at binatikos ng taga media ang ex nito, nagpalabas ito ng mga explicit photo ni Miss Homer sa internet para lang ma divert ang atensyon ng taga media sa anak ng congressman."
Ouch. Sobra naman ang ginawa ng ex. Even spoiled rich girls didn't deserve that.
"Sa tingin ko, sa beach house ni congressman nagtatago ang anak nito."
Naisip naman ni Vin na wala namang kinalaman sa trabaho niya ang anak ng congressman kaya hindi niya dapat ito pagtuonan ng pansin. His job was to make contact with Zaratoga at protektahan ang susunod na presidente ng Cambodia na narito ngayon sa bansa, at ngayong gabi uuwi na ito pabalik sa Cambodia kasama sana siya, Pero pano niya makukuha ang mga papeles na kailangan niya para sa pag-alis sa bansa kung nandito siya sa isang isla? Nah, siya pa naman ang renikomenda ng superior nila na maging personal na bodyguard ni Zaratoga pansamantala. Napag-alaman kasi nila na pinoy assassin ang nagtangka sa buhay nito.
"Can you guys contact Zaratoga and set up an alternate meeting with him in Cambodia?"
"What about you, bro? Hindi ka ba makakapunta ng Cambodia?"
"Sabihin mo nalang sa kanya na hindi ako makakasama sa pag-alis niya ngayong gabi. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag, magaling ka diyan eh. Sabihin mo rin sa kanya na don nalang kami magkikita sa Cambodia."
Dumaan ang babae sa harapan niya, kaya napapaisip tuloy siya na pwede niya itong gamitin as his advantage para makasunod agad siya ni Zaratoga sa Cambodia.
"May ideya na ako bro, kung pano ako makakasunod agad sa Cambodia. Maari mo ba akong arkilahan ng barko papunta roon?"
"I'll see what I can do. So ilegal ka na pupunta sa bansang Cambodia? Tama ba ako?"
He glanced out the porthole. "Tama. Wala na kasi akong panahon na kumuha ng VISA, bro."
"Okay, sasabihin ko ito sa team para matiwasay ang pag-alis mo at para na rin matulongan nila akong maghanap ng barko na masasakyan mo papuntang Cambodia."
"Basta huwag lang yong pink na barko ha."
Napatawa naman si Ash. "Roger that."
Ibinaba na ni Vin ang kanyang cellphone at ipinasok niya ito muli sa bulsa. Lumabas na siya sa cabin at dumungaw sa dagat.
Bigla namang nagsalita si Kelly sa likuran niya. "Conditions are good to see the Green Flash tonight."
"The Green Flash?"
"Kung tuloyan ng lumubog ang araw, there's an instant when its light refracts through the maximum thickness of the Earth's atmosphere, may posibilidad na makikita natin ngayon dito ang iba't ibang kulay ng bahag-hari. Minsan makikita mo ang flash of green. At sabi ng alamat, swerte raw ang makakakita non."
Her enthusiasm was contagious. And he'd take any luck he could get right about now. Sa ilang minuto nakatitig lang sila sa ulap, nang lumitaw nga ang bahag-hari, its final rays turned to a brilliant emerald green. Kaya napalundag silang dalawa na parang mga bata sa tuwa ng makita iyon. "Nakita ko na! Nakita ko na!"
Napangiti naman sa kanya ang babae. "I guess that means you're gonna have a good luck."
Deym, may dimples pala ang spoiled brat na prinsesa. Nakadagdag ito sa kanyang karisma bukod sa pagiging bombshell nito. Deym talaga, ayaw pa naman niya sa mga babaeng socialite. Ayaw rin niya sa mga babaeng umaapaw ang kaseksihan at ganda. At kailanman hindi siya mahuhumaling sa mga babaeng katulad ni Kelly Homer.
Thankfully, naiwaksi niya ng tuloyan sa isip ang mga isipin tungkol sa babae. Time to talk to her into helping him. Kailangang maipakita niya sa babae na mapagkatiwaalan siya, friendly at harmless. "Isa ako sa alagad ng batas. Though, I can't go into a lot of details."
"May badge ka ba?"
Kinuha niya ang kanyang pitaka at pinakita niya sa babae ang kanyang firearms agent ID card na nagngangalang Almavin Alcaraz.
She examined it carefully, at inilipat-lipat naman nito ang tingin sa kanya at sa ID. At don pa lamang nito binalik, nang mapagsawaan na nitong tingnan ang kanyang larawan sa ID.
"Nice picture. Photogenic ka pala." Eh malamang mas gwapo naman yata siya sa personal. Pero hindi niya maiwasan na lihim na mapangiti dahil sa komento ng babae. Kaya tuloy bigla siyang natameme.
"Bakit ka napadpad don sa beach house ni dad?" biglang tanong ng babae. "Alam kong dayo ka lang din sa lugar na yon."
"Dahil sa perlas." alibi niya.
Napakurap-kurap ito.
"Narinig ko kasi na mayaman sa perlas ang lugar na yon. May kakilala rin kasi akong gustong mag export ng mga perlas na galing dito sa ating bansa."
Parang wala namang kabulohan itong pinag-usapan nila, pano ba siya napunta sa perlas? Aminin, hindi mo lang kayang makipag-usap ng ibang bagay sa kaharap mong socialite, Vin. "Salamat ulit sa pagligtas mo sa buhay ko." Nasabi rin niya sa wakas.
"No problem."
"Seryoso talaga ako. Salamat."
"Anytime," she mumbled, turning away to stare down at the navigation instruments.
Pinagmasdan niya ulit ang kabuuan ng babae, whoah! Wala talaga siyang masabi sa perpektong hubog ng katawan nito. Ang sarap lang yakapin kung hindi lang siya nito makakatikim ng mag-asawang sampal.
Pero ano naman ba itong iniisip niya? May mga bagay pa siyang dapat gawin. Kailangan pa niyang protektahan ang future Cambodian president. At hindi ang isang spoiled brat na prinsesa ang gugulo lang sa isip niya. Unang hakbang sa plano, kailangan pa niya ang magandang prinsesa upang makapunta siya sa Cambodia. Pangalawang hakbang niya is to get rid of her.
*****