Sayawan dito, tawanan dito, inuman dito. Iyon ang ginawa ko sa mga nakalipas na araw simula ng umalis si Clark. Araw-araw akong lumalabas kasama ang mga kaibigan ko. Party dito, party doon. Kaliwa't kanan kung mag-shopping. Gastos dito, gastos doon. Walang araw na 'di ko inabala ang sarili ko. Gusto ko, kapag umuwi ako ay matutulog na lang. Walang iisipin. B. A. R Halos mabingi ako sa lakas ng tugtog. Sinamahan pa ng hiyawan ng mga taong nagsisisayaw, kasama na kami roon. Ang mga tawanan namin na wala na yatang katapusan. Nang makaramdam ako ng pagod. Umalis ako sa dance floor at tinungo ang table namin. Natatawa pa ako habang nakikita kung paano akitin ni Jessica ang bagong kalaro nito. Hindi nagtagal lumapit ang mga ito sa 'kin. "Ang daya mo naman, bes. Nang-iwan lang sa er

