bc

My Husband's Secret [TAGALOG R18]

book_age18+
11.2K
FOLLOW
76.1K
READ
arranged marriage
badgirl
CEO
drama
sweet
bxg
city
chubby
wife
like
intro-logo
Blurb

Sa kabila ng pagpapakita ni Yssa Isabel La Costa ng pagkadisgusto sa lalaking ipinilit ipa-asawa sa kaniya, nanatili pa rin ito sa tabi niya.

Ngunit isang araw ng ito mismo ang humiwalay sa kanilang tirahan. At nakiusap sa kaniyang bigyan siya ng isang buwan upang makalimutan siya nito.

Ngunit habang lumilipas ang mga araw, nagkakaroon si Yssa ng takot na tuluyang mawala ang lalaking asawa niya. Habang lumilipas ang mga linggo, unti-unti niyang namimiss ang pag-aalaga nito sa kaniya at pagpapakita kung gaano siya nito kamahal.

Hanggang sa mapagdesisyunan niyang pumunta sa kompanya kung saan ito nagtatrabaho. Ngunit napag-alaman niyang lumipad ito patungong ibang bansa.

Buwan ang hinintay niya sa muling pagbabalik nito, at ganoon na lang ang pagkagimbal niya ng muli niyang makita ang asawa niya?!

Ang laki ng pinagbago nito na halos hindi niya makilala!

May pagkakataon pa kayang maitama ang maling mga nagawa niya sa asawa?

May asawa pa kaya siyang babalikan sa lahat ng ginawa niya?

Sa loob ng ilang buwan, tuluyan na ba siya nitong kinalimutan? Huli na ba para ipaalam niya ritong mahal na rin niya ito noon pa man?!

chap-preview
Free preview
Chapter I (Yssa Isabel POV)
"What?!" Bigla akong napabangon sa pagkakaupo ng marinig ko ang sinabi ni daddy. Nasa hapag-kainan kami ng mga oras na iyon. "Isabel, makinig ka na muna-" Pinutol ko ang anumang sasabihin pa sana ni daddy. Nawalan na rin akong ganang kumain at nakatayo lang ako sa harap ng mga ito na hindi maipinta ang mukha. Hindi ko na rin mapigilan ang namumuong inis o galit. "But dad, kahit anong sabihin ninyo, I won't marry! Lalo na sa taong hindi ko man lang kilala!" iritableng wika ko rito. Ang mommy ko lang ang tahimik na nakikinig sa usapan ng naming mag-ama. "My decision is final Yssa Isabel. Sa ayaw at gusto mo, papayag ka sa gusto namin!" galit na wika ni daddy. Umiling ako ng mariin at tumitig ng palaban sa daddy ko. Well, ganito naman talaga ako, matigas ang ulo, lahat ng gusto ko ay dapat nasusunod. Kaya hindi maaaring mangyari ang gusto nito. HINDI AKO MAGPAPAKASAL! "Buhay ko ito daddy! Ako lang dapat ang magpapasya sa sarili ko, kung sino ang gusto kong mapangasawa at hindi ho kayo. Dahil hindi naman kayo ang makikisama kung sakali--" Bigla akong napatigil ng biglang tumayo ang daddy ko at galit na galit ang mukha nito. Hinampas pa nito ang lamesa. Mabuti na lang at napigilan pa ito ni mommy. "Kami ang higit na nakakaalam kung sino ang mas nararapat sa iyo! Anong gusto mo? Ang magpakalunod na lang sa pagpupunta mo ng bar? Pagpunta kung saan-saan? Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha?!" galit nitong wika sa 'kin. Hindi naman ako nakaimik dahil unang beses ko itong nakitang magalit ng ganito. Halos namumula ang mukha nito sa galit. Unang beses ko rin nasagot ng ganito ang daddy ko. Hindi lang kasi ako makapaniwala na pati personal na buhay ko ay papakialaman nito. Nasanay kasi akong lahat ng ginagawa ko, walang nagagawa ang mga ito para pigilan ako. Basta naisin ko, ginagawa ko. Sa edad kong 23 years old, wala akong inatupag kun'di ang pumunta sa mga bar, mag-shopping, mag-out of town kasama ng mga kaibigan ko. Ni minsan hindi ko naisip ang magtrabaho, o tumulong sa kompanya ng daddy ko. Isang araw nga, sinabihan ako ng mga itong pumasok sa kompanya upang mapag-aralan ko ang pagpapatakbo ng negosyo, ngunit mabilis ko itong tinanggihan. Sinabi ko lang naman na masyado pa akong bata para sa pagpapatakbo ng negosyo lalo na't hindi pa ako handa. Hindi naman sila nagpumilit sa naging desisyon ko. Ngunit hindi ko naman maitatangging kung minsan napapagalitan ako ng mga ito dahil sa madalas ngang wala ako sa bahay. Ngunit para akong binging ahas na ipinagsasawalang bahala lang ang mga sermon ng mga magulang ko. Dinadaan ko lamang ang mga ito sa lambing. Ngunit ngayon, isang surpresa pala ang bubungad sa akin dahil sa gusto nitong mangyari. "I can't do that what you want dad!" mariing wika ko pa rin dito. Matigas na kung matigas ang ulo ko, ngunit hindi ako maaaring magpakasal sa hindi ko man lang kilala lalo na't hindi ko mahal! "Ayaw mong magpakasal? Para ano? Malaya kang makipagharutan sa kung sino riyang mga lalaki! Akala mo hindi ko nalalaman ang mga pinaggagawa mo! Kaya naisip kong ipakasal ka na lang para matigil iyang paglalabas-labas mo!" galit na sigaw ng daddy ko. Pinapatahan naman ito ni mommy ngunit hindi nito pinapansin dahil na rin siguro sa galit sa akin. Bigla naman nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Oo nga, madalas pumupunta kami ng bar ng mga kaibigan ko, pero ni minsan wala pang nakakagalaw sa akin. Maaaring bolera akong babae, ngunit hanggang yakap lang at halik sa pisngi ang kaya lang nilang gawin sa akin. Mayroon man akong naririnig na masasama tungkol sa akin, pagdating sa mga lalaki raw ngunit hindi ko ito mga pinapatulan dahil hindi naman totoo. Hindi ko lang akalain na pati sa mga magulang ko ay makakarating ang fake news na ito. "It's not true dad!" giit ko rito. "That's enough!" dumagungdong ang boses nito sa dining area. "Weather you like it or not, my decision is final. Tama na ang mga panahong hinayaan ka namin sa mga pinaggagawa mo sa buhay mo. This time, kami naman ang masusunod!" Sabay alis nito sa hapag-kainan. Ngunit bago man ito tuluyang makalayo, sumagot pa rin ako. "Mas mabuting magtrabaho na lamang ako sa kompanya natin, kaysa ang ipakasal niyo ako! Okay fine! Magtatrabaho ako, iiwasan ko na rin ang pagpunta sa mga bar or paglabas-labas ko, but don't do this to me dad!" wika ko pa rin sa ama. Ngunit hindi na ito lumingon pa at tuloy-tuloy itong umalis. Napaupo naman akong nanglulupaypay. "Tapusin mo muna ang pagkain mo anak, may importante akong sasabihin sa iyo." Napatitig naman ako kay mommy. Kahit ito man ay seryoso rin ang mukha. Hindi na lang ako umimik, hanggang sa umalis na rin ito sa hapag-kainan. Hindi na rin ako kumain pa at nawalan na rin naman ako ng gana. Buong buhay ko, spoiled ako sa mga ito. Noong nag-aaral pa ako, walang sinumang nang-bully sa akin dahil sa taglay kong kamalditahan. Ni minsan, hindi ako nagkaroon ng karelasyon na matatawag. Hindi ko pa rin naranasan ang tinatawag nilang pag-ibig sa isang lalaki. Mahilig akong makipaglaro. Ngunit hindi ko hinahayaang mahawakan ng mga ito ang privacy ko. Yakap at halik sa pisngi lang ang kaya kong ibigay sa mga ito. Happy go lucky ang buhay ko. Ayaw ko kasing makaramdam ng kalungkutan. Ngunit ngayon, pakiramdam ko, gusto kong umiyak. Ni sa panaginip kasi, hindi ko naisip na mangyayari ito sa buhay ko. Ngunit pilit pa rin akong magmamatigas sa gusto ng daddy ko. Hinding-hindi ako maaaring maikasal sa taong hindi ko mahal. Wala sa bukabularyo ko ang salitang kasal sa edad ko ngayon. Commitment nga, ayaw ko. Kasal pa kaya! Just a big no! NAPATITIG ako sa kisame habang nakahiga sa malambot na kama. Iniisip ko pa rin ang sinabi ng aking ina. 'Di ko naiwasan ang mapapikit ng mariin habang bumibitaw ng mabigat na buntong-hininga. Hanggang sa marinig ko ang katok sa labas ng kuwarto ko. "Ma'am Yssa, bumaba na raw ho kayo at nandiyan na ho ang mga bisita," rinig kong wika ng kasambahay namin. Napabuga ako ng hangin bago tuluyang bumangon. Dahil wala naman akong kainte-interes sa mga bisitang pumunta kasama ang mapapangasawa ko raw, hindi ako nag-abalang mag-ayos sa sarili. Nakapajama lang ako at pantulog ang suot kong pang-itaas. Alas siyete na kasi ng gabi ng mga oras na iyon. Gusto pa nga nila daddy na sa labas daw magkita-kita ngunit nagkunwari akong medyo masama ang pakiramdam ko. At dahil excited daw na makita ako ng mga taong kakilala ni dad at mapapangasawa ko raw, kaya ito na raw mismo ang kusang pupunta sa bahay namin. Hindi rin excited ang mga ito 'di ba? Nabanggit din kasi sa akin ni mommy na matagal na raw akong gusto ng lalaking mapapangasawa ko raw. Kaya curios ako kung kilala ko ba ito. Patamad akong bumaba papuntang living area. Dahil nakatalikod sa akin ang mga bisita kaya bumungad sa akin ang mga mukha ng mga magulang ko na sumesenyas na bilisan ko ang paglapit. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapaikot ng mga mata. "Oh, heto na pala ang Unica hija namin," nakangiting wika ni daddy. Umupo ako sa tabi ni mommy habang magkatabi ang mga magulang ko. Kaharap naman namin ang mga bisita na hanggang ngayon wala akong balak tingnan ang mga ito sa mukha. "Ang ganda pala talaga ng anak ninyo," rinig kong wika ng isang ginang. "Anak," baling sa akin ni mommy. Tumingin ako rito at kita ko ang pagsenyas nito sa mukha na nagpapahiwatig na tumingin ako sa mga bisita. Gusto ko mang mapabuntong-hininga ngunit pinigilan ko. Kaagad akong tumingin sa mga ito. Bumungad sa akin ang isang ginang at mukhang asawa nito. May katabi silang binata, ngunit isang matabang binata?! Don't tell me, ito ang mapapangasawa ko. Oh no! Huwag naman sana.. "Hello po.." kiming pagbati ko sa mga ito. Hindi ko rin sinusulyapan ang lalaking mataba simula ng makita ko ang itsura nito. Well, guwapo sana. Ngunit mataba nga lang. At kahit kailan hindi ako pumatol sa matabang lalaki. Mapaglaro nga ako, ngunit tinitiyak ko namang mala-adonis ang mga katawan at kaguwapuhan ng mga ito. "Naku, ang ganda-ganda mo pala hija. Hindi nakakapagtaka kung bakit patay na patay sa iyo ang pamangkin namin," nakangiting wika pa rin ng ginang. Sa pagkakaalam ko, sila ang mag-asawang Delo Rogo. Nabanggit din sa akin ng mommy ko na pamangkin ng mga ito ang ipapakasal sa akin at wala naman ang mga itong anak. "Thank you ho. Hmm, nasaan na ho ba iyong pamangkin ninyo? Hindi ba siya makakarating dito?" tanong ko kaagad sa mga ito. Sa gilid ng mga mata ko, pansin ko ang titig ng matabang binata sa akin. Ngunit hindi ko ito pinag-aksayahang tingnan. Biglang bumaling ang mag-asawang Delo Rogo sa matabang binata na siyang nasundan ko ng tingin. Biglang kumunot ang noo ko.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook