Chapter 2

1410 Words
"Siya ang pamangkin namin hija, ang mapapangasawa mo," nakangiting wika naman ni Mr. Dela Rogo na siyang ikinabigla ko. Gulat na gulat akong napatingin sa lalaki. Ang layo ng inaasahan ko sa inaakala kong patay na patay daw sa akin. Pansin ko ang ngiting alanganin ng binata. Ramdam siguro nito na hindi ko siya type! Hindi ko napigilang matawa. Iniisip kong nagbibiro ang mga ito sa 'kin. Tumingin sila sa akin gayundin ang mga magulang ko dahil sa malakas kong pagtawa. Tawang nakakapang-insulto at hindi makapaniwala. "Yssa Isabel!" Pagsaway ng daddy ko sa akin. Kita ko rito ang pagtitimpi ng galit. Ganito 'to kapag nagagalit, tinatawag ang buo kong pangalan. Unti-unti namang naglaho ang tawa ko ngunit napalitan ng hilaw na ngiti. "Nagbibiro lang sila, right?" baling ko sa mga magulang ko. Mabilis namang umiling si daddy, samantalang si mommy ay may warning sa mga tingin nito sa akin. "Hindi sila nagbibiro, siya ang mapapangasawa mo," seryosong wika ni daddy. Biglang naglaho ng tuluyan ang hilaw na ngiti sa mga labi ko at napalitan ng inis. Napabaling ako sa binatang chubby na ngayon ay seryoso na rin ang mukha. Mukha yatang hindi nito inaasahan ang pang-iinsulto ko rito sa paraan ng pagtawa ko. Mariin akong umiling habang nakatingin sa lalaking mataba. Bigla akong tumayo, sabay baling sa daddy ko na ngayon ay nagbabanta ang mga mata na nakatingin sa akin. Mukhang alam na ng mga ito na hindi ko magugustuhan ang lalaki! "I don't like him dad. I'm sorry, pero hindi ko type ang ganiyang lalaki!" Kaagad akong tumalikod sa mga ito. Wala na akong pakialam kung bastos man ang paningin ng mga bisita sa pag-uugaling ipinapakita ko. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ng magsalita ang daddy ko. Dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad. "Baka nakakalimutan mo Yssa Isabel kung bakit kailangan mong magpakasal sa kaniya. Ito lang ang favor namin sa iyo ng mommy mo, at alam mo kung ano ang dahilan. Mabuti siyang tao, natitiyak naming magiging maayos ang buhay mo sa kaniya. Inamin rin naman niya sa amin kung gaano ka niya kagusto noon pa man," mahabang wika ni daddy. Hindi ko tuloy maiwasang matawa ng pagak habang paharap sa mga ito. "Seriously dad? Ipapakasal niyo ako sa matabang lalaki na iyan? Hindi niyo ba nakikita ang nag-iisang unica hija niyo? Napakaganda at sexy tapos sa isang matabang lalaki lang maipapakasal. Wala pa akong nagustuhang lalaki na ganiyan ang itsura," wika ko na siyang ikinapula ng mukha ng daddy ko. Para itong sinabuyan ng mainit na tubig sa tindi ng galit at pagkapahiya sa mga bisita? Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagsinghap ni Mrs. Rogo. Biglang bumaling ang daddy ko sa mga bisita na ngayon ay seryoso na ang mga mukha. Samantalang ang binatang lalaki, nakayuko na ito. "I'm really sorry for this Mrs. And Mr Dela Rogo, especially sa iyo hijo," rinig kong wika ni daddy. Tumalikod na ako ng tuluyan, ngunit narinig ko pa ang sinabi ng ginang. "It's okay. Mukhang nagulat siya. Kausapin niyo na lamang." Napapailing ako habang papasok ng kuwarto. Pabagsak akong humiga habang nakatitig sa kisame. Hindi ko naman talaga ugaling manlait ng kapwa ko. Hindi ko lang matanggap na sa lalaking mataba pa ako ikakasal. Well, hindi ko naman itatangging may kayabangan nga akong babae. Dahil totoo naman na maganda at sexy ako. Wala pang lalaking hindi maaaring hindi ako sundan ng tingin dahil sa taglay kong ka-sexihan. BLANGKO ang itsura ko habang nakatingin sa pareng nagsasalita sa harapan namin. Hanggang sa marinig ko ang tinatanong nito sa akin. "I do," walang kabuhay-buhay na sagot ko. Yeah, you heard it. Nasa simbahan kami ngayon. Ikinakasal ng labag sa loob ko, ngunit wala akong choice kun'di ang sumunod na lamang. Sino ba naman ang hindi mapapayag kung malalaman kong mawawala ang lahat ng negosyo ng mga magulang ko. At para maisalba ito, ito ang kapalit. Ang ipakasal sa chubb-ing binata na ito. Mariin sana akong tumanggi. Ngunit ng 'di sinasadyang makita ko ang mommy at daddy ko na nag-uusap sa library at makitang lumuluha ang daddy ko, doon ako natauhan. Hindi ko pala kakayanin ang makitang nahihirapan ang mga magulang ko dahil lang sa pansarili kong kagustuhan. Doon ko rin na-realize na, noong wala silang problema, hindi nila ako hinihigpitan. Pinapabayaan nila ako sa gusto ko, dahil malaki na raw ako at alam ko na ang tama at mali. Lahat ng gusto ko noon, nasusunod. Kaya 'di ko yata kakayanin na makitang nagkakaganito ang mahal ko sa buhay dahil lang sa pagmamatigas ko. Sa ngayon, ako naman ang kailangan nila. Kaya dapat ko silang tulungan alang-alang sa kompanya. Tutal naman, naisip ko na kahit mag-asawa na ako, hindi ko hahayaang hindi ko magawa ang ginagawa ko pa rin noon. SOBRANG saya ng mga magulang ko ng kinaumagahan sinabi ko sa mga ito na pumapayag na ako sa gusto nila. Hindi na rin naman sila nagtanong pa. Well, sabi nga nila, tinitiyak daw na magiging maayos ang buhay ko sa lalaki dahil kilala na nila ito at mga magulang ng binata. Nalaman ko rin na nasa ibang bansa naninirahan ang mga parent's nito. Ang tanong ko naman sa sarili ko. Magiging maayos nga ba akong asawa sa kaniya? Naisip ko pa ngang pahirapan ang lalaki, tutal, patay na patay naman daw ito sa akin, matagal na. Hindi ko na rin inalam pa kung paano ako nito nakilala. Wala rin naman kasi akong pakialam. Ang pagkakaalam ko lang, mayaman ang mga magulang ng lalaki. Ngunit nasa ibang bansa ang mga negosyo ng mga ito. Nagawa raw manatili at magtrabaho ang binata sa kompanya ng tita niya dahil sa akin. Isa raw itong manager doon. Hindi ko nga maiwasan ang mapaikot ang mga mata ng malaman iyon. Ganoon niya ako kagusto at nagawang mag-trabaho sa ibang kompanya at maging isang manager lang dahil lang sa akin? Hindi man lang nito naisip na palakarin ang sariling kompanya ng mga magulang. Well, hindi ko rin naman siya masisisi kung magkagusto siya sa akin. "Okay, you may kiss the bride," rinig kong wika ni father. Bigla kong tinaasan ng kilay ang lalaki na alanganing nakatitig sa 'kin. Namumula rin ang mukha nito. Gandang-ganda ka ba sa asawa mo ha.. You're so lucky.. Rinig na rinig ko pa ang sinisigaw ng mga bisita na kiss na raw. Hindi naman makakilos ang lalaki. Hindi ko tuloy maiwasan ang mayamot. Wala na nga sa itsura niya ang type ko sa isang lalaki, nagmumukha pa itong parang duwag. Lalo tuloy akong natu-turn off. "Pare, kiss muna! Ngayon ka pa ba naduwag!" rinig kong sigaw ng lalaki. Mukha yatang kaibigan nito. "You don't want to kiss me?" inis na tanong ko rito. Kita ko ang paglunok nito. "P-puwede ba?" tanong nito na ikinainis ko lalo. "Huwag mo akong tatanungin ng ganiyan kung ayaw mong iwan kita rito at mapahiya sa mga bisita mo," mahina, ngunit mariin na wika ko rito. "Wala akong choice, kundi tanggapin ang halik mo para naman hindi ka mapahiya," mapang-asar na dugtong ko pa rito. Ngunit bigla akong natahimik ng makita ko sa mukha nito ang kirot na dumaloy dito. Ngunit saglit lang iyon at kaagad nitong inilapit ang mukha sa akin. Masuyo ang halik nito, ngunit napakabilis lang. Ni hindi nga ako napapikit eh. Ewan ko ba, kung bakit parang may pumintig bigla sa puso ko ng maramdaman ko ang labi nito sa labi ko. Maraming bumati, ngunit parang wala ako sa sarili. Hindi ako enjoy. Lalo pa akong naiinis dahil sa pang-aasar ng mga kaibigan ko. Ikaw ba naman pagtawanan dahil napunta lang daw ako sa matabang lalaki. Kinarma raw ako dahil sa kayabangan ko, tapos bagsak ko lang daw sa matabang lalaki. Ang layo raw sa pangarap ko. At dahil kunwari may honeymoon kaya papunta kami ngayon sa Tagaytay. Suggest pa nga ng mga Dela Rogo, at mga magulang ko, sa ibang bansa raw para sulit ang honeymoon. Ngunit hindi iyon natuloy dahil lumabas na naman ang kamalditahan ko. Sinabi ko lang naman na, walang love na involve sa kasal, kaya no need ng magpaka especial na lugar. Especially, hindi ko naman hahayaang may mangyari sa amin no! I don't love him. Sinabi ko na noon pa sa sarili ko, ibibigay ko lang ang kabibe ko sa lalaking mahal ko at mahal ako. Sa madaling salita, pareho kaming nagmamahalan sa isa't-isa. Tahimik lang kami habang nasa sasakyan, papuntang Tagaytay. Siya ang nagmamaneho habang ako naman, pumikit upang makatulog. Hangga't maaari ayokong kausapin ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD