Hindi naman mapigilan ni Clark Herson ang mapabuntong-hininga habang nakatitig sa asawa niyang napakaganda.
Nang mga oras na iyon, nasa Tagaytay na sila, ngunit hindi niya magawang gisingin ang mahal niyang asawa dahil gustong-gusto niya pa itong titigan.
Napakaamo ng mukha nito na malayo sa pag-uugali nito. Lihim siyang napangiti dahil sa kaniyang naisip. Ngunit bigla rin siyang nalungkot ng maalala ang pagka disgusto ng asawa niya sa kaniya.
Well, inasahan niya naman iyon, lalo na't napakaganda nitong dalaga. High School pa lang kasi, crush niya na ang dalaga hanggang sa lumalim ang nararandaman niya para dito.
Maaring hindi siya kilala ng dalaga dahil simpleng teenager lang siya noon at hindi pansinin ng mga kababaihan dahil sa pagiging mataba niya.
He's a multi-billionaire. Sa edad niyang 29 years old, napapalago niya lalo ng lihim ang mga negosyo ng daddy niya. He's a CEO in their company. Ngunit kinikilala sa labas na ang daddy niya pa rin ang CEO kahit na hindi.
Nag - request kasi siya sa daddy niya na ilihim ang tunay niyang katayuan sa buhay. Tutal, alam niyang ang dalaga, hindi mag-aaksayang alamin ang totoong siya.
Gusto ko kasing mahalin ako ng dalaga kahit simpleng manager lang ang alam nito sa akin at kahit ganoon ang itsura ko. Hindi ko maintindihan kung bakit naisip ko ang mga bagay na iyon.
Basta ang alam ko, mahal na mahal ko ang dalaga at handa ko itong pagsilbihan at alagaan. First love ko ito, at sinisigurado kong gagawin ko ang lahat maging first and last love ko ang dalaga na ngayon nga ay asawa ko na.
Bigla akong napa-upo ng tuwid ng gumalaw ang asawa ko. Hanggang sa dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata.
Hindi ko naiwasan ang mapalunok dahil sa bilis na naman ng pagtibok ng puso ko lalo na ng magtama ang mga mata namin sa isa't - isa.
God knows how much I want to kiss her..
Ngunit nagulat na lamang ako ng magsalita ito ng may kalakasan.
"What are you staring?" malditang tanong nito na siyang ikinataranta ko.
Takot na kung takot. Wala eh, mahal ko ang babaing ito.
"S-sorry. I just want to wake you up. K-kaya lang baka magalit ka.." mahinang wika ko rito. "Were here." Nang hindi ito umimik at umirap lang ito na halatang naiinis na naman.
Bumaba ako ng sasakyan upang pagbuksan ito ng pinto. Mabilis itong bumaba at walang lingon na nauna nang maglakad.
Hindi ko naiwasan ang sundan ito ng tingin.
I can't blame myself why I love you so much. Lakad mo pa lang nakakainlove na. Gaano pa kaya ang kagandahan mo at kasexyhan mo mahal kong asawa.
Bigla akong napangiti dahil sa kabila ng pagkadisgusto sa akin ng dalaga, hindi pa rin maitatangging asawa ko na ito ngayon.
Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang din ako.
Sa isang bahay bakasyunan kami tumuloy kung saan pagmamay-ari pa namin. Ngunit hindi ito alam ng dalaga.
Bumati sa akin ang mga kasambahay at ang mayordoma namin na nangangalaga ng bahay bakasyunan.
Bago pa man kami pumunta rito, ipinaalam ko na sa mga ito na hindi maaaring malaman ng dalaga na sila ang may-ari noon.
"Dumiritso na siya hijo, sa itaas," nakangiting wika sa akin ng mayordoma.
Tumango lang ako rito at ngumiti pagkatapos. Napatigil ako sa mismong pintuan ng sumalubong sa akin ang mukha ng asawa kong nakabusangot habang nakapamewang.
"We need to talk," wika nito.
Isinara ko ang pinto at dahan-dahang lumapit dito. Gusto ko pang batukan ang sarili ko, dahil kalalaki kong tao nagmumukha akong duwag kapag nakikita ang dalaga.
Ganito siguro kapag inlove. Bigla na lang naninerbyos.
"A-anong pag-uusapan natin m-mahal ko-" Bigla akong napatigil sa pagsasalita dahil sa binitiwan kong endearment.
Noon pa man kasi, palagi ko na itong tinatawag na mahal ko kahit sa litrato lang nito ang mayroon ako noon.
Natahimik ako bigla ng tumawa ito ng malakas. Tawang nakakainsulto at hindi makapaniwala. Nasasaktan man ako sa ginagawa ng dalaga ngunit hindi ko rin ito masisisi.
Noon pa man, alam ko na kung anong mga tipong lalaki ang gusto nito. Walang - wala man lang sa katangian ko.
"What did you just say?" natatawang wika pa nito.
Nang hindi ako umimik. Tumigil ito sa pagtawa at napalitan ng seryosong mukha. Tumikhim muna ito bago nagsalita.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gusto ko lang malaman kung talagang gusto mo na ako noon pa man?" tanong nito.
Bigla naman akong napatango ng mabilis sa dalaga.
"Kung ganoon.." Pagpuputol nito sa sasabihin at dahan-dahang lumapit sa akin na siyang nakapagbigay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.
Hanggang sa tumapat ang napakagandang mukha nito sa mukha ko. Hindi ko rin napigilan ang mapalunok ng idampi nito ang isang hintuturo nito sa mukha ko habang dinadaan sa paghaplos.
"Gagawin mo ang gusto ko dahil mahal ko, I am right?" malambing na wika nito na siyang ikinararamdam ko ng kakaiba.
"O-of course mahal ko, gagawin ko ang lahat para sa iyo," wika ko sa asawa.
Hindi ko rin mapigilan na tawagin ito sa endearment na gusto ko para dito. Bumilis lalo ang pintig ng puso ko ng ngumiti ito ng matamis na siyang lalong nagpainlove sa akin.
"Really? Kaya mo bang mangako ngayon para sa akin?" matamis na tanong nito.
At dahil mahal na mahal ko ang asawang si Yssa Isabel kaya mabilis ako nitong napapasunod.
Well, matalino akong Billionaire. Pero tama nga sila, nakakabobo siguro ang pag-ibig. Tipong mapapasunod ka sa gusto ng mahal mo.
"I promise, mahal ko. Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong iiwan at m-mahalin mo lang din ako," nautal pa ako sa huling sinabi ko.
Bigla naman inilayo nito ang mukha sa akin. At dumistansya ng kaunti. Unti - Unti na ring naglalaho ang ngiti sa labi nito at napalitan ng seryosong mukha.
"Sure, I won't leave you. Hmm, maaaring mahalin din kita pero may tatlo akong kondisyon," wika nito.
Akmang magtatanong ako ng unahan na ako nito.
"Una, walang mangyayari sa atin kahit na mag-asawa na tayo, dahil alam mo naman na hindi kita mahal at pilit lang ang kasal na namagitan sa atin. Pangalawa, huwag mo akong papakialaman sa mga gagawin ko katulad ng mga ginagawa ko noong hindi pa tayo kasal. At kung gusto mong malaman ang mga ginagawa ko noon, you can ask my parent's. At ang pangatlo, bawal tayong magtabi sa iisang kuwarto," wika nito na siyang ikinagulat ko ng labis.
Labis na tumututol ang kalooban ko sa sinabi nito lalo na't asawa ko na ito ngayon. Napansin siguro nito ang pagtutol sa mukha ko kaya nagsalita ito.
"Remember, nangako ka na. At ayoko sa lalaking walang isang salita. Prove it to me na mahal mo nga ako. And don't worry, kapag ginawa mo ang mga bagay na iyon, malay mo, mahalin din kita. At hindi rin kita iiwan, unless na matutupad mo ang tatlong kondisyon ko, " wika pa nito sa akin.
Naiwan naman akong nakatanga sa kawalan. Hindi ko maitatanggi ang namumuong kirot sa puso ko.