Chapter 4 (Yssa Isabel POV)

1865 Words
Pagkalabas ko galing ng banyo, hindi ko na nadatnan ang binata. Nakahinga naman ako ng maluwang. Mas mabuti na iyon lalo na't sinabi ko na rin dito na ayokong makatabi ito sa higaan. Mabilis kong dinampot ang cellphone ng makitang tumatawag ang kaibigan. "Yes," wika ko. "Matutuloy ka pa ba rito? O baka naman nahipnotismo ka na ng asawa mo," nang-aasar na wika ni Jane sa akin. "Shut up Jane. Hindi pa ako tanga. Papunta na ako." Sabay putol ng linya at baka mainis pa ako sa asar nito. Naghihintay kasi ang tatlong kaibigan ko sa labas. Tinext ko talaga ang mga ito kanina upang makipagkita sa akin. Pagbaba ko ay siyang pagsalubong sa akin ng asawa kong si Clark. Matamis itong nakangiti sa akin na siyang hindi ko naman sinuklian. "M-mahal ko, nakahanda na ang hapunan natin. Kumain na tayo, ako ang nagluto para matikman mo," nakangiting wika nito. Kumibot naman ang labi ko para sagutin ito. "I'm sorry Clark. But I'm going out with my friends," wika ko na siyang ikinabigla nito. Hindi yata nito inaasahan na ang honeymoon na mangyayari ay ganito lang pala ang kahahantungan. Pansin ko pa ang paglunok nito at pagkataranta. Hmm, guwapo naman sana. 'Di ko lang talaga type ang pagiging mataba nito. Wika ng bahagi ng isipan ko. "P-puwede mo naman silang yayain na lang dit--" Kaagad kong pinutol ang anumang sasabihin pa nito. "Tsk, wala sa bukabularyo namin ang kumain sa loob ng bahay. We're always eating in the restaurant or somewhere but not in the house. I'm leaving." dire-diretsong wika ko. Hindi ko na ito hinayaan pang makapagsalita at 'agad ko itong nilagpasan. Ngunit bigla akong natigilan ng hawakan nito ang braso ko. Bigla naman itong napabitaw ng makita sigurong rumihistro sa mukha ko ang pagka-disgusto ko sa ginawa nito. "I'm sorry. Ihahatid na lang kita," wika nito. Akmang tatanggi ako, nang may maisip akong kalukuhan. "Sure," nakangiting wika ko sa lalaki. Pansin ko naman na ngumiti ito at kaagad akong inalalayan. Hmm, gentleman ha.. Mabilis akong lumabas ng sasakyan nito ng makita ko ang mga kaibigan ko sa 'di kalayuan. Kumaway pa ako sa mga ito kasama ang ilang kalalakihan. Sinadya ko talaga na ipakita ang mga kaharutan ng mga kaibigan ko sa asawa kong si Clark. Well, noon pa man, plinano ko talagang makikipaghiwalay din ito sa akin, dahil tiyak kong hindi nito magugustuhan ang mga ginagawa ko at gagawin ko. Mabilis akong bumaling kay Clark na hindi ko inaasahan na malalim ang mga titig nito na siyang ikinatigil ko sandali. Ngunit pilit ko itong binalewala. Maaaring 'di nito nagugustuhan na may mga kasamang lalaki ang mga kaibigan ko. "Thank you sa paghatid." Akmang tatalikod na ako ng bigla itong magsalita. "Puwede ba akong sumama sa 'yo, mahal ko?" tanong nito. Hindi ko maintindihan na sa tuwing tatawagin ako nitong 'mahal' ay parang may humahalukay sa loob ng tiyan ko. Sa ibang lalaki naman kasi na binobola ko, wala akong nararamdaman ng ganito. "No." Iyon lang ang naisip kong isagot dito. "Hintayin na lang kita dito," hirit pa nito. At may bigla na naman akong naisip na kalukuhan. "Okay," tipid na sagot ko. Hindi nakaligtas sa akin ang simpleng ngiti nito. Mabilis ko itong tinalikuran at nilapitan ang mga kaibigan. Napangisi naman ako ng kasama nila ang isang lalaking palaban sa pagiging bolera ko. "Hi, babe!" wika ng lalaking si Dev. "Hi," ngising wika ko rito. Nagulat ako ng mabilis ako nitong halikan sa pisngi at yakapin. Akmang magpoprotesta ako ng bigla itong magsalita. "Para mapabilis ang pakikipaghiwalay sa iyo ng chubby mong asawa," wika nito sa akin. Rinig ko ring nagtawanan ang mga kaibigan ko pati ang nobyo ng mga ito. 'Di na rin ako magtataka kung binanggit ng mga kaibigan ko sa mga ito ang nangyari sa kasal ko. Tinaasan ko lang ito ng kilay. Kusa na rin nitong inalis ang pagkakayakap sa akin. Kumindat pa ito sa akin na siyang sinuklian ko lang ng ngisi. Mabilis kong niyaya ang mga ito papasok sa loob ng bar. Ngunit sinulyapan ko pa si Clark, ang asawa ko kung nakatingin sa amin. At ayon nga, nakatayo pa rin ito habang nakatitig sa direksyon ko. Binalewala ko lang ito dahil ito naman ang plano ko. Ang hayaan itong masaktan at makita nito ang mga pinaggagawa ko. Tingnan ko lang kung tatagal ito sa akin. "Bes, kumusta naman ang kasal?" wika ni Jessica. Nagsisimula ng mang-asar ang mga kaibigan kong ito. "Sus! Tinatanong pa ba iyan, normal nasusuka ang bestfriend natin at napunta lang siya sa matabang binata," wika naman ni Jenny. Nagtawanan ang mga ito na ikinaikot ko lang ng mga mata. At heto na naman ang lalaking si Dev, umakbay sa akin habang nilalapit ang mukha sa akin. Alam naman nito ang ayaw ko, kaya huwag lang siyang magkakamali. "Gusto mo ba babe, mapadali ang pakikipaghiwalay sa iyo ng matabang lalaking 'yon? Well, puwede naman natin siyang pagselusin eh," wika nito sa punong tainga ko. Amoy ko ang amoy alak nitong hininga ngunit wala man lang akong kiliting naramdaman. Akmang itutulak ko ito dahil naiirita ako, ngunit bigla na lang akong napabaling sa isang upuan at naroroon mag-isang nakaupo ang asawa kong si Clark. Tutok na tutok ang mga titig nito sa akin na akala mo eh, binabantayan ang bawat kilos ko. 'Di ko rin alam kung nagkakamali ba ako ng tingin sa mga mata nito. Malungkot ito at mukhang nasasaktan. Well, hindi naman nakakapagtaka dahil nga sa mahal ako nito. At dahil laki akong bolera at mapaglaro, kaya naman hinayaan ko lang na nakaakbay sa akin si Dev at kunwari nakikipagharutan ako rito upang mainis ang asawa kong si Clark . Naroon iyong nagtatawan kami ng mga kaibigan ko, napapansin ko pa ang mga kamay ni Dev na humihimas-himas sa likuran ko na hinahayaan ko lang upang makita ang reaksyon ng asawa ko. Hindi nga nagtagal, napansin ko na lang na wala na ang asawa ko sa inuupuan nito. Lihim na lang akong napangisi at mabilis na nilagok ang alak na nasa baso ko. Hanggang sa nagkayayaan kaming pumunta sa gitna upang sumayaw. Wala akong ginawa kun'di, magpakasaya tulad ng ginagawa ko noon. Nandoon iyong sinasayawan ko si Dev na ikinahihiyaw ng mga kalalakihan na naroroon. Ang mga paghanga sa mga mata ng mga ito, lalo na si Dev na halos lumuwa ang mga mata. Akmang hahalikan ako nito ng bigla kong hawakan ang leeg nito. "Know your limits," mahina ngunit mariin kong bigkas dito. Napakamot naman ito sa batok. "I'm sorry, I just can't help. You're so beautiful babe," wika nito. Nginisihan ko lamang ito at mabilis umalis sa dance floor. Ilang oras kaming namalagi roon ng mga kaibigan ko bago ko napagpasyahan na lumabas para umuwi. Nauna ako sa mga ito. Ngunit hindi ko inaasahan na susundan ako ng lalaking si Dev. Hinawakan nito ang kamay ko. "Babe, hatid na kita," presinta nito sa akin. Akmang magsasalita ako ng marinig ko ang boses ng asawa ko. Akalain mo, naririto pa pala ito. "Ako na ang maghahatid sa asawa ko," rinig kong wika nito. Ramdam ko na rin ang pagkahilo ko dahil sa alak. Nagulat pa ako ng bigla na lang tumawa si Dev sa asawa ko. "Woah pare! Asawa ka pala ng babe ko. O mas tamang asawa ka lang niya dahil napilitan siya? Sa tingin mo ba, magugustuhan ka ng babe ko sa itsura mong 'yan? Wake up pare! 'Di ganiyang mga tipo ng lalaki ang gusto ng babe ko. Nakikita mo naman siguro ako right? " mapagyabang na sambit ni Dev sa asawa kong si Clark. Wala akong ginawa, kun'di ang hintayin din ang sagot nito. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko, binu-bully ko ang sariling asawa ko. Well, asawa lang naman sa papel. Pansin ko ang pagtiim-bagang nito kay Dev. "Wala ka ng pakialam doon. Asawa ko siya, at wala kang magagawa sa bagay na iyon," seryosong sagot nito. Pansin ko ang matalim na titigan ng dalawang lalaki na siyang ikinangisi ko na lang. Nang may biglang dumaan na taxi, mabilis ko itong pinara sabay baling sa dalawang lalaki. "Maiwan ko na kayo. Balitaan ko na lang bukas, kung sino ang dinala sa hospital," mapang-asar ko sa mga ito. Hindi ko na tiningnan pa ang mga ito at mabilis sumakay ng taxi para makauwi. SAMANTALANG si Clark, mabilis tinalikuran ang lalaki at sinundan ang sinasakyan ng asawa. Ngunit bago pa man siya makasakay, narinig niya pa ang lalaking nagsalita sa kaniya. "Let's see kung hanggang saan ang tatag mo, na manatili sa tabi ng babe ko. Alam mong sa una pa lang, hinding-hindi ka niya mamahalin. Nagsasayang ka lang ng oras," nakakainsultong wika nito. Ngunit hindi ko na ito pinatulan pa at mas inisip ang asawa. Masakit man para sa akin na makita kung paano makipagharutan ang asawa ko, ngunit titiisin ko, mahalin lang ako nito. Wala itong kaalam-alam kanina, na nanatili lang ako sa isang madilim na table upang masubaybayan ito sa mga kilos nito. At kitang-kita ko kung paano ito sumayaw, gumiling sa harapan ng tarantadong lalaking iyon. Kulang na lang sugurin ko ito dahil sa selos at galit. Ngunit nagawa kong magtimpi dahil ayokong magalit sa akin ang asawa ko, lalo na't 'di pa naman ako nito type para maging asawa. Pagkarating ng bahay bakasyunan, kaagad ko itong tiningnan sa kuwarto namin kung naroroon na ba ito. Ngunit walang bakas na dumating na ito. Kaagad kong hinanap ang mayordoma at itinanong kung dumating na ba ang asawa ko. "Manang, napansin niyo bang dumating ang asawa ko?" "Oo hijo, umakyat na iyon eh," wika nito. Kaagad naman akong umakyat uli at tiningnan ito sa Cr or sa Closet area, ngunit wala talaga ang asawa ko. Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang sinabi nitong ayaw ako nitong makatabi kami sa pagtulog. Kaagad kong inisa-isa ang guest room at natagpuan ko nga itong natutulog roon. Hindi pa man lang ito nakakapagpalit ng damit. Dahan-dahan ko itong nilapitan at mahimbing na itong natutulog. Hindi ko napigilan ang haplusin ang makinis nitong mukha. Sunod-sunod din akong napalunok ng mapadako ang mga mata ko sa mga labi nitong mamula-mula. At dahil lalaki rin ako at mahal na mahal ko ang asawa kaya hindi ko napigilan ang hagkan ang mga labi nito. Dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa labi nito. Ramdam ko ang biglang pag-init ng katawan ko ng lumapat ang labi ko sa labi nito. Laking gulat ko ng mag-response ito sa halik ko na ikinainit lalo ng katawan ko. Napapasigaw pa ako sa sariling isip habang hinahalikan ito ng pailalim. Pinilit kong tingnan ang mga mata nito kung gising ba ang dalaga, ngunit nakapikit ito habang humahalik din sa akin. Akmang hahalikan ko pa ito ng pailalim ng bigla na lamang itong tumigil. Napamulat ako at hindi ko napigilan ang mapangiti ng tulog na tulog na ito. Mukhang hindi kinaya ang kaantukan. Maingat ko itong kinarga papunta sa kuwarto namin. Tinawag ko rin si manang upang ito mismo ang magpalit ng damit ng asawa ko. Napilitan na lamang akong matulog sa guest room, alang-alang sa kagustuhan ng mahal kong asawa. Umaasa akong sa gagawin kong pagpapakita ng pagmamahal dito ay matututunan din niya akong mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD