Naalimpungatan ako dahil sa tumatamang araw sa mukha ko. Dahan-dahan kong imunulat ang mga mata ko ngunit kaagad din akong napabalikwas ng bangon ng ma-realize kung nasaan ako.
Mabilis kong iniikot ang paningin ko. Kaagad kumunot ang noo ko ng mapansing hindi guest room ang tinutulugan ko ngayon. At lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ang suot-suot kong pangtulog.
Biglang bumuhos ang matinding galit sa didbib ko sa isiping pinagsamantalahan ako ng asawa ko habang natutulog. Akmang bababa ako ng kama ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.
"Magandang umaga, senorita," nakangiting wika ng matanda.
Ang pagkakaalam ko, mayordoma ito ng bahay bakasyunan na ito. Alam ko ring pag-aari ito ng Dela Rogo ang tito ng asawa kong si Clark.
"Magandang umaga ho," wika ko rito.
"Mabuti at gising ka na, senorita at pinapatawag ka na ng asawa mo," nakangiting wika pa rin nito.
Gusto kong mapa-taas ng kilay sa sinabi nitong asawa. Ngunit nagpigil ako.
"Manang, napansin niyo ba na ang a-asawa ko ang nagdala sa akin dito?" nautal pa ako sa salitang asawa.
"Ah hindi hija. Pero pinatawag niya ako rito kagabi upang mabihisan ka," wika nito na siyang ikinahinga ko ng maluwag.
"Sige manang. Bababa na lamang ako. Salamat ho," wika ko sa matanda.
Pagkalabas nito ay siyang pagbuntong hininga ko. Pinagmasdan ko pa ang sarili ko kung may pagbabago ba. Pero wala naman.
Pagkatapos kong maligo, kaagad akong bumaba para kumain. Ramdam ko ang pagkakalam ng sikmura ko, hindi nga pala ako nakakain kagabi dahil alak ang inatupag ko.
Pagkarating ko sa Dining ay siyang salubong sa akin ng mabangong mga pagkain. Bumagal din ang lakad ko ng mapansin ang lalaking nakatalikod sa akin habang abala ito sa kung ano man ang niluluto nito.
Nakaka-inlove sana ang lalaking marunong magluto. Ngunit kaagad din akong nainis at hindi napigilan ang mapabusangot ng makita ko na naman ang katawan nitong mataba.
Kung hindi lamang sa mabangong pagkain na naamoy ko baka umalis na lamang ako.
"Oh mahal ko, nandiyan ka na pala. Upo ka at ipaghahanda ko lang itong kakainin natin," wika ng asawa kong si Clark ng bigla itong lumingon sa 'kin.
Matamis ang ngiti nito. Para bang hindi man lang ito apektado sa ipinakita kong kaharutan kagabi at pang-iinsulto dito ng kasama kong lalaki na si Dev.
Hindi na lang ako kumibo at umupo ako sa upuang hinila nito para sa akin. Hindi ko naman maiwasan itong pagmasdan habang abala sa paghahanda ng makakain namin.
Masigla ito at mukhang ipinapakita nito na para bang isa akong prinsesa na dapat nitong pagsiblihan. Ganito ba niya talaga ako kamahal? Biglang sagi ng isipan ko.
Nawala lang ang pag-iisip ko ng umupo na rin ito sa katapat ko.
"Let's eat. Alam kong gutom ka na," nakangiting wika nito sa akin.
Nagulat pa ako ng pagsiblihan pa ako nito. Ito na mismo ang naglagay ng pagkain ko sa plato ko.
'Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Well, it's not my first time. Lahat naman ng binobola kong lalaki, they treat me like a princess. Pero, parang wala lang ang mga iyon sa akin.
Pero bakit iba yata ang pakiramdam ko sa ginagawa nito sa 'kin?
Bigla kong pinigilan ang kamay nito sa paglalagay ng pagkain sa plato ko. Kita ko ang pagtataka sa mukha nito.
"Stop doing that. May mga kamay ako, kaya kong kumuha ng sarili kong pagkain," masungit na wika ko rito.
Ewan ko ba at 'di ko gustong ipinapakita nito kung kaago ako nito kamahal. Pakiramdam ko, lalo akong natuturn-off na ewan.
Pansin ko ang biglaan nitong pagbawi ng tingin. Mukha rin itong napahiya. Ngunit pilit pa rin itong ngumiti sa akin.
"I'm sorry, mahal ko. Gusto lang naman kitang pagsiblihan," wika nito.
Akmang magsusungit ako rito ng may maisip na naman akong kalukuhan.
"Bakit nga ba gusto mo akong pagsilbihan?" tanong ko rito habang nagsisimula ng kumain.
I never feel na asawa ko ang kaharap ko. Itinuturing ko lang itong isang kakilala o isang kalaro ko, katulad ng mga ginagawa ko sa mga lalaking habol nang habol sa akin.
Tumikhim pa muna ito bago nagsalita.
"Because I love you and you are my wife," wika nito habang nakatitig sa mga mata ko.
Kita ko ang sincere sa mga mata nito. Tumango-tango lang ako sa sinabi nito.
"Okay, kung iyan ang gusto mo," wika ko na lang dito.
Pansin ko ang kislap sa mga mata nito. Ngunit lihim akong napangisi.
Habang kumakain kami, pansin ko ang panay sulyap nito. Hindi ko nga alam kung kumakain pa ba ito o ako na lang ang pinagmamasdan.
Nang bigla itong magsalita.
"Mamasyal tayo, mahal ko. Gusto sana kitang makasama mamasyal habang naririto tayo sa Tagaytay," wika nito.
"Sure," maikling sagot ko.
Kitang-kita ko ang kislap sa mga mata nito. Napanganga pa ito sa gulat. Hindi yata nito inaasahan ang pagpayag ko ng ganoon kabilis.
Ngunit wala itong kaalam-alam sa binabalak ko. Akmang magsasalita ito ng bigla na akong tumayo.
"I'm done. Magbibihis lang ako," wika ko rito.
Mabibilis ang hakbang kong umalis sa hapag-kainan. Ewan ko ba, minsan parang normal lang na nakikita ko ito. Ngunit minsan hindi ko talaga keri na kasama ito o nakikita.
Hindi ko lang siguro matanggap na matatawag ko itong asawa. Ni sa panaginip, hindi ko talaga inaasahan na makakapang-asawa ako ng hindi ko man lang ideal na lalaki.
Naiinis nga ako kapag inaasar ako ng mga kaibigan ko. Na siyang naibubuntong ko sa lalaki.
GUSTO kong matawa ng makita ang pag lungkot ng mukha ng asawa kong si Clark. Hindi nito inaasahan na kasama ko ang tatlong kaibigan ko na mamasyal. Kasama rin nito ang tatlong lalaki na kasintahan for the meantime.
"Let's go, guys!" masiglang wika ko sa mga ito.
"Let's go!" malakas na wika rin ni Jenneve ang isang kaibigan ko.
Nakasakay kami sa iisang sasakyan lang. Sa isang mamahaling Van na pagmamay-ari pa raw ng mga Dela Rogo. Dahil wala naman akong pakialam kaya hindi ako nag-uusisa ng mga bagay-bagay lalo na pagdating sa binata o sa mga Dela Rogo.
Sinadya ko talagang gawing driver ang asawa kong si Clark. Isa sa mga plano ko upang lalo itong masaktan.
Gusto ko kasing makita kung paano ito masaktan kapag ipinakita ko ang pambabalewala ko rito bilang isang asawa.
Masaya kaming nag-uusap-usap na magkakaibigan habang nagtatawanan. Katabi ko ang asawa sa harapan at ang tatlo kong kaibigan ay nasa likuran gayundin ang mga jowa ng mga ito.
Sinadya kong pag-usapan namin ang mga kalukuhan noon habang binabalewala ang asawa na para bang isa lang talaga itong Driver.
"At alam niyo ba mga beshy, naalala ko pa, kung paano panggigilan ang kaibigan nating itong si Yssa ni Dreck noon. Halos lapain na ang best friend natin eh!" natatawang wika ni Jenny.
Sumabay naman ako sa tawanan habang sumesenyas ang mga ito kung ano ba ang reaksyon ng katabi kong si Clark.
Kunwari bumaling ako sa likuran, ngunit tiningnan ko lang naman kung anong reaksyon ng mukha nito. Blangko iyon at walang mababa sa mukha nito na lalo kong ikinayayamot.
Mukha yatang hindi ito apektado.
"Hindi lang iyon, naalala ko pa kung paano gapangin-" Naputol ang pagsasalita ni Jessica ng bigla na lang tumigil ang sasakyan na halos ikasubsob ng mga mukha namin.
Napatili pa nga kami sa gulat.
"What the f*ck dude! Hindi ka ba marunong mag-drive?!" sigaw ng lalaking jowa ni Jenny.
Walang alam ang tatlong lalaki na asawa ko ang driver. Sinadya ko talagang hindi iyon ipaalam sa mga ito.
Nabaling rin ang tingin ko sa asawa kong si Clark. Seryoso ang mukha nito at para bang galit na ito.
Pinaandar ulit nito ang sasakyan ng wala man lang sagot mula sa pagsigaw sa kaniya ng jowa ni Jenny.
Ngunit ilang segundo lang tumingin ito sa akin ng may pag-aalala.
"Are you okay, mah-" Pinutol ko ang sasabihin nito.
"Bes, punta muna tayo sa taal volcano. Sarap mag-picture taking doon," kunwa'y masiglang wika ko sa mga kaibigan ko sa likuran.
"Sure bes. Maganda nga doon. D'on muna tayo pumunta," wika ng mga ito.
Pansin ko ang senyales ng mga mata nito sa akin na siyang ikinangisi ko.
Well, kitang-kita naman na nagalit ang magaling kong asawa dahil sa mga narinig nito mula sa mga kaibigan ko.
Napansin ko rin sa gilid ng mga mata ko ang kalungkutan nito ng minsang bumaling ako sa mga kaibigan ko sa likuran.
Hindi yata nito nagustuhan ang pambabalewala ko rito.
"Wow! Ang ganda talaga dito sa Taal!" bulalas ni Jenneve.
"Yeah, you're right!" wika naman ni Jenny.
"Let's take a picture na!" masiglang wika naman ni Jessica.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot ng hindi ko pa nasisilayan ang asawa kong si Clark na sumunod sa amin.
Sinadya ko kasi itong iwan kaagad pagkatigil lamang nito ng sasakyan. Mabilis kong niyaya ang mga kaibigan ko kasama ang mga jowa nito.
Ngunit nagulat na lamang ako sa sinabi ng jowa ni Jessica.
"Oh, gusto rin ni Mr. Chubby Driver makita ang Taal ah. Kahit hinihingal na sa katabaan niya maglakad papunta rito, pumunta pa talaga," wika nito.
Dahilan upang magtawanan ang tatlong lalaki kasama ang mga kaibigan ko. Ewan ko ba kung bakit bigla yata akong nairita sa sinabi nito.
Napansin din yata ng mga kaibigan ko na hindi ko nagustuhan ang panlalait ng mga jowa nila sa asawa ko. Kahit pa sabihin na hindi nila alam na asawa ko ito, hindi ko pa rin nagustuhan ang tabas ng mga dila nito.
Bigla tuloy akong napalingon sa likuran kung saan papunta ang asawa kong si Clark sa amin. Mukha nga itong hinihingal at pawisan na rin ito.
Imbis na maawa ako, nainis pa tuloy ako rito. Ngunit ngumiti pa ito sa akin na siyang ikinairita ko.
"Mah-"
Mabilis ko itong nilapitan.
"From now on, don't call me that endearment kapag nasa labas tayo o nasa harapan ng ibang tao. Especially sa mga kaibigan ko," seryosong wika ko rito.
Pansin ko ang kabiglaan sa mukha nito. Hindi rin nito naitago ang sakit sa mga mata nito. Ngunit mabilis ko lang itong tinalikuran at lumapit sa mga kaibigan kong busy na sa pagkuha ng litrato.
Hanggang sa nagkayayaan kaming mag-picture taking na apat na kababaihan. Hanggang sa kuhaan din namin ang tatlong lalaki.
Samantalang ang asawa ko, naroon lang sa 'di kalayuan at nakatingin lang sa amin. Ewan ko ba at nakakaramdam ako ng awa para dito. O mas tamang nasasaktan din ako sa pinagagawa ko rito.
"Hey, Mr. Chubby Driver, kunan mo nga kami ng litrato!" sigaw ng jowa ni Jenneve.
Habang hindi pa nakakalapit ang asawa ko. Hindi ko napigilang pagsabihan ang jowa nito. Nairita kasi ako at nagtawanan pa ang mga ito.
"Huwag na huwag mo siyang tatawagin ng ganiyan ulit kung ayaw mong pasabugin ko ang bunganga mo ngayon din," seryosong wika ko rito.
Nagulat ang mga ito sa sinabi ko. Hindi naman kasi lingid sa kanila na kilala ako bilang isang black belter. Pansin ko ang pagkaputla nito ngunit kaagad din akong ngumiti.
"Nakakatakot ka naman magbiro bes," paglalambing ng kaibigan kong si Jenneve.
Kumibot lang ang labi ko.