Hindi na ako umimik ng lumapit na ang asawa kong si Clark. Wala itong imik na tinanggap ang camera sa lalaking jowa ni Jessica.
Hindi ko maintindihan kong bakit nagagalit ako sa asawa ko.
Lihim akong bumitaw ng mabigat na buntong hininga at pinilit kumilos ng normal.
Kinuhaan kami nito ng iba't ibang posisyon na litrato. Pansin kong nakatuon lang ang pansin nito sa akin habang kumukuha ng litrato sa amin.
Ako naman patay malisya lang.
"P-puwede ba tayong mag-picture na dalawa?" biglang wika ng asawa ko sa 'ko.
Biglang nagsitawanan ang tatlong lalaki, samantalang nakangisi lang ang mga kaibigan ko. Hinihintay yata ng mga ito ang sasabihin ko. Alam naman kasi nila ang plano ko sa asawa ko kung bakit kasama ko sila ng araw na iyon.
Ngunit hindi ko maintindihin kung bakit parang hindi ko yata kayang ipahiya na lang palagi ang asawa ko sa harapan ng mga ito. Mas gusto ko pa yatang ako lang mismo ang magpahirap sa asawa ko kaysa ang ibang tao na manlait dito.
"Grabi, pati driver mo Baby Isabel, idol na idol ka eh. Nangangarap pang magkaroon kayo ng picture na dalawa," natatawang wika ng jowa ni Jenny.
Samantalang ang asawa ko, para baga itong manhid na hindi man lang apektado. Na mukhang ako yata ang napipikon sa mga naririnig ko.
"Well, hindi naman natin masisisi si Mr. Driver at napakaganda nga naman ng Baby Isabel natin," wika naman ng jowa ni Jessica.
"Umuwi na kayo," biglang wika ko sa mga ito na siyang ikinatigil ng tawa ng tatlong lalaki.
Nagtatanong naman ang mga mata ng mga kaibigan ko. Ngunit tiningnan ko lang sila ng warning look at kaagad silang tumango.
Kilala nila ako kapag hindi ko na gusto ang tabas ng dila ng kasamahan namin. At tinitiyak kong sa susunod naming pagkikita ng mga kaibigan ko, hindi ko na masisilayan ang mga pagmumukha ng mga lalaking ito.
Well, katulad ko naman kasi ang mga kaibigan ko, puro laro lang at walang relasyong nabubuo sa kanila.
Bigla ko silang tinalikuran at pumunta sa ibang dako kung saan malayo sa mga ito. Pansin kong sumunod sa akin ang asawa ko. Hawak-hawak pa rin nito ang camera.
Bigla ko itong binalingan at pahablot na kinuha ang camera.
"Smile ka para naman gumanda," inis na wika ko rito.
Itinutok ko ang camera sa amin. Natigilan ako ng makita ko sa camera na nakangiti ito habang nakatingin sa akin.
Bigla ko naman itong binalingan.
"Why are you smiling?" pagsusungit ko rito.
"Sabi mo, ngumiti ako," wika nito.
"Sa camera ka tumingin!" nakataas kilay na wika ko.
"S-sorry," biglang wika nito ng mapansing inis na ako.
Mabilis kong pinindot ang camera. Pansin kong halata ang inis ko sa mukha ko sa litrato. Samantalang ang asawa ko, pormal ang mukha na para bang nakasimangot.
Kaagad kong iniabot dito ang camera.
"Let's go. Wala na akong gana. Pumunta tayo ng Mall," wika ko rito.
Nakatalikod na ako ng bigla nitong kunin ang kamay ko. Hanggang sa marinig ko ang pag-click ng camera.
Kinuhaan pala nito ang kamay naming dalawa. Sabay tingin sa akin.
"Puwede bang isa pa? Iyong parehas tayong nakangiti. Isipin mo na lang na isa akong driver mo o isang fan na humahanga sa iyo, para naman makita ko ang ngiti mo sa mga labi mo," mahina ang boses na wika nito na hinaluan ng pagsusumamo.
Pakiramdam ko nahirapan akong lumunok sa pinipigilan kong emosyon. Hindi ko alam kung maaawa ba ako rito o gusto ko itong yakapin at halikan at iparamdam dito na mahalaga siya?
Ipinilig ko ang ulo ko sa huling naiisip ko. Pansin ko ang lungkot sa mga mata nito kahit na may kaunting ngiti sa labi nito.
"Dami mo alam," irap na wika ko rito.
Lumapit ako rito at walang atubiling inangkla ang dalawang kamay ko sa leeg nito habang magkaharap ang mukha namin.
Pansin ko ang gulat at pamumula ng mukha nito.
"Tititigan mo na lang ba ako, o kukuhaan mo tayo ng litrato?" tanong ko rito na ikinataranta nito.
"H-heto na." Hindi ko naiwasang maiikot ang mga mata.
Sa lahat pa naman ng ayaw ko, iyong lalaking halos magkandaugaga sa babae. Okay lang sanang patay na patay, huwag lang magmukhang tanga.
Akmang pipindutin na nito ang camera nang..
"Hawakan mo ang bewang ko habang nakatingin ako sa iyo at nakatingin ka rin sa akin. Then saka mo pindutin ang camera."
Pansin ko ang paglunok nito bago ko maramdaman ang bisig nito sa bewang ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatitig ng malapitan sa mukha nito.
Guwapo pala talaga siya. Ang matangos nitong ilong, ang mapupula nitong mga labi na akala mo nag-aanyayang halikan, ang mga mata nitong mapupungay na binagay sa light blue eyes na mga mata nito.
Ngayon ko lang napagtanto na may lahi pala ito. Dahil sa pagka-disgusto ko rito, hindi ko naisip at binigyang pansin ang mga iyon. Gusto ko mang lumunok ngunit nagpigil ako.
Ayokong makakita ito ng anuman na maaaring isipin nitong may katangian din pala itong magugustuhan ko.
"Smile ka then click mo ulit ang camera," wika ko rito habang naka-angkla pa rin ang kamay ko sa leeg nito at nakahawak pa rin ang isang bisig nito sa balingkinitan kong bewang.
Unti-unti itong ngumiti hanggang sa hanggang tainga na siguro ang pagkakangiti nito. Pinakita na naman kung gaano ito ka-inlove sa akin.
Sa isiping iyon, hindi ko rin napigilan ang mapangiti ng matamis. Rinig ko ang pag click ng camera. Hanggang sa mapansin kong unti-unting nabura ang ngiti nito at napalitan ng matiim na titig sa akin.
Hindi ko alam kung bakit naisip ko itong halikan sa mga labi. Mabilis kong inilapit ang mukha ko rito at hinalikan ang mapupulang labi nito.
Pakiramdam ko naririnig ko ang sariling t***k ng puso nito. O mas tamang t***k ng puso ko ang naririnig ko?
Kitang-kita ko rito ang pagkagulat sa mukha.
"Huwag kang magulat, ginagawa ko na iyan sa mga lalaking dumaan sa buhay ko," biglang wika ko rito.
Wala akong maisip na dahilan kaya nasabi ko ang bagay na iyon kahit ang totoo, ito pa lang ang first kiss ko sa labi. Pansin kong nawala bigla ang kislap sa mga mata nito at sigla sa mukha.
Mabilis akong bumitaw dito at nauna nang naglakad.
Tahimik lang itong nagmamaneho papuntang Mall. Pagkarating doon, kung ano-anong binili ko. Ngunit kaagad ko ring na-realize kung kaya bang bayaran nito ang bibilhin ko.
Bigla ko itong nilingon na nasa likuran ko. Akmang tatanungin ko ito ng bigla na lang magbago ang isip ko.
Tingnan ko lang kung hindi ka manliit.. wika ng traydor ko na namang kaisipan.
Sandamakmak na dress, accessories at kung ano-ano pa ang pinamili ko.
Nasa cashier na kami ng mga oras na iyon. Lihim akong napalunok ng marinig sa kahera na almost million ang babayaran.
Nilingon ko ang asawa ko na may ngisi sa labi.
"You heard it right?" nang-aasar na tanong ko rito.
Pormal lang ang mukha nito, bago tumango.
"Pay it then," wika ko rito.
Pumunta ito sa kahera at may iniabot na card. Pansin ko ang pagngiti ng kahera sa asawa kong si Clark at mukhang kagalang - galang ang asawa ko sa paningin nito.
Nagulat ako ng mabayaran nito lahat. Alam kong anak ito ng mayaman. Ngunit bibigyan ba nila ang anak nila kahit na hindi naman ito nagtatrabaho sa kompanya nila?
Oo naman Isabel. Anak nila iyan no? Nagtrabaho lang naman iyan sa ibang kompanya, dahil sa iyo. Kontra ng isipan ko.
"Done mah-"
"I told you, stop calling me like that kapag nasa labas tayo," putol ko bigla sa sasabihin nito.
Bigla ko na itong tinalikuran. Ilang secondo ng lingunin ko ito, halos magkandaugaga ito sa pagbitbit ng mga pinamili ko.
May napansin pa akong mga lalaking parang gusto siyang tulungan, ngunit hindi pumayag ang asawa ko.
Hmm, talagang ganito niya ako kamahal?Let's see then kung 'di siya mapapagod.
Nakangising wika ko sa isipan.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Yssa Isabel, pagmamay-ari pa ng asawa niya ang Mall na iyon sa Tagaytay. Ang mga lalaking gustong tumulong kay Clark ay ang mga tauhan nito ng lihim.
Isang linggo silang nanatili sa Tagaytay at wala siyang ginawa kun'di lumabas kasama ang mga kaibigan niya.
Sa isang linggo ring iyon, wala siyang ginawa kun'di pahirapan at iparamdam sa asawang si Clark na balewala lang ito sa paningin at paligid niya.