Iginala ko ang paningin ko sa loob ng condo. Kararating lang namin galing Tagaytay.
Malaki ito. May tatlong kuwarto. Malaking living area at dining area.
"Mahal ko, pasensya ka na kung dito kita dinala sa ngayon. Pinapatapos ko pa kasi iyong mansion na para atin," rinig kong wika ni Clark.
Hindi naman ako umimik at wala akong ganang makipag-usap. Ngunit akmang papasok na ako sa isang kuwarto ng pigilan nito ang braso ko.
"H-hindi mo ba nagustuhan? Masyado bang maliit? Puwede nama--"
"Hindi mo kailangang gawin iyon. Wala naman akong pakialam kung maliit o malaki ang tinitirhan ko as long as maganda at malinis. Lalo na't, hindi naman ako napipirmi sa bahay, kaya wala din sa akin silbi ang bahay kung malaki man iyan o maliit," masungit na namang sagot ko rito.
Hindi ko naman mabasa ang expresyon ng mukha nito. Bumuntong hininga ako kasabay ng pagtalikod dito.
Pabagsak akong humiga sa malambot na kama. Halatang pinaghandaan na ang pagpunta namin dito.
Malinis, mabango, maaliwalas ang kuwarto. Hanggang sa 'di ko namalayang nakatulog na ako.
Katok ng pinto ang nagpagising sa akin. Wala akong nagawa kun' di ang pagbuksan ang lalaki ng pinto.
"Bakit ba?" nakasimangot na tanong ko rito.
"S-sorry mahal ko, nakatulog ka na pala. Yayain na sana kitang kumain at pasado alas siyete na," mahinang wika nito.
Hindi ko naman napigilan pagmasdan ang itsura nito. Halatang bagong paligo at nakasuot ito ng simpleng short at white t-shirt.
Bagay naman sana.. Mataba nga lang. Sa isip-isip naman ng kontrabida kong isipan.
"Ligo lang ako," tipid na sagot ko.
Bago ko pa ito pagsarhan ng pinto napansin ko pa rito ang pagsilay ng ngiti sa labi nito.
Habang kumakain kami, bigla nitong binasag ang katahimikan.
"Nagustuhan mo ba ang luto ko, mahal ko?" tanong nito.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit sa tuwing tinatawag ako nitong 'mahal ko' may kung ano akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.
Tiningnan ko naman ito habang umiinom ng tubig.
"Hmm, okay na rin," tipid kong sagot dito.
Actually, masarap itong magluto. Perfect nga eh. Tipong nakaka-inlove ang luto nito. Ngunit hindi ko naman magawang sabihin dito ang totoo at baka isipin nito magugustuhan ko siya sa mga way nito.
Sa kabila ng simpleng sagot ko. Sumilay pa rin ang matamis nitong ngiti sa labi na siyang ikinatitig ko rito sandali.
Kung hindi lang ito mataba. Baka kanina pa ako kinilig dito dahil sa pamatay nitong ngiti.
Bigla kong naipilig ang ulo ko.
"Tapos ka na kaagad?" maang na tanong nito.
"Yes." Sabay tayo.
Napansin ko pa na para bang nataranta ito at bigla rin itong tumayo kahit hindi pa tapos kumain.
"What?" bigla kong tanong
"Hmm, papasok ka na sa kuwarto? Gusto sana kita yayain manuod ng comedy?" alanganing tanong nito.
"Di ka pa nga tapos kumain eh," nakataas kilay na wika ko rito.
"T-tapos na ako," parang tangang wika nito.
Ganito niya ba talaga ako kamahal?
"Hintayin kita sa sala." Sabay talikod dito.
Hindi nakalampas sa akin ang pagkislap ng mga mata nito.
Well, wala naman kasi akong balak lumabas ngayon, lalo na't kararating lang namin. My body's tired, I need to rest a little bit.
Pabagsak akong umupo sa malawak na sofa. Habang hinihintay ang lalaki.
Minuto ang lumipas bago ito lumabas.
"Sorry mahal ko, hinugasan ko pa kasi ang pinagkainan natin," wika nito.
Hindi naman ako umimik. Hanggang sa makita ko itong binubuksan ang TV.
"Kilala mo ba si Dolphy? Iyong nakakatawang artista?" biglang tanong nito.
"Nope," tipid na sagot ko.
Bigla naman itong bumaling sa akin na may ngiti sa labi.
Heto na naman ang ngiti niya..
Tinaasan ko lang ito ng kilay. Ewan ko ba, sa tuwing ngumingiti ito, 'di ko maiwasan magsungit.
O sadyang may pinipigilan lang akong hindi ko maipaliwanag.
"Tamang-tama, mahal ko. Balak kong ipanuod sayo ang bidang si Dolphy, tiyak matatawa ka sa kaniya ng sobra," wika nito.
Hindi na ako umimik at hinihintay na lamang itong mai-set ang pelikula na sinasabi nito.
Napansin ko ang pag-upo nito malapit sa akin. Hinayaan ko na lamang ito habang naka-fucos na ako sa pinapanuod.
Unang bungad pa nga lang natawa na ako dahil sa nakakatawang mukha ang bumungad sa screen.
Pansin ko rin na tumawa rin ito sabay tingin sa akin.
"Ano ba iyan!" hagalpak na wika ko dahil sa kakatawa.
Nariyan iyong hahawakan ko ang tiyan ko dahil sa kakatawa. Tatakpan ang bibig dahil sa lakas kong humagalpak.
Paano ba naman kasi, halos nakakatawa talaga ang pinapanuod namin.
Hanggang sa namalayan ko na lamang na nakaupo na ako sa lapag habang tumatawa pa rin.
Naramdaman ko ang kamay nitong umaalalay sa akin. Pati kasi ito tumatawa rin. Pansin ko nga ang pamumula ng mukha nito dahil rin sa kakatawa.
Namalayan ko na lang na inalalayan ako nitong umupo sa sofa. Katabi na ito.
Napatigil ako sa pagtawa ng ma-realize kong humihilig na ako sa dibdib nito dahil sa kakatawa. Nariyan iyong hahampasin ko pa ito dahil sa kakatawa. Iyong sabay pa kaming magtitinginan at bigla na lang matatawa.
Nag-distance ako ng kaunti rito ng ma-realize kong sobrang lapit ko na rito.
Natapos ang pinapanuod namin na wala akong ginawa kundi tumawa na lang ng tumawa.
Actually, this is my first time na manuod. Buong buhay ko, tamad akong manuod ng kahit na anong movie. Ngayon lang talaga.
Hindi ko inaasahan na mailalabas ko pala sa comedy na ito ang totoong tawa at hagalpak ko.
"Grabi, sakit ng tiyan ko kakatawa ah," nangingiti ko pang wika.
"Ako na ang pinakamasayang lalaki ngayon sa buong mundo, mahal ko. Ang masilayan ang matamis mong ngiti, ang totoong tawa at hagalpak mo. Ang pinapangarap kong makita sa iyo ang mga bagay na iyan habang kasama kita at katabi ay natupad." Matamis ngunit kitang-kita ko ang kaseryosohan sa mga mata nito.
Hindi ko maintindihan kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa titig nito. Bigla rin akong natameme dahil sa matamis nitong dila.
Hanggang sa mapakurap ako ng mapansin kong papalapit ang mukha nito sa mukha ko.
"Don't you dare," mahinang wika ko. Pakiramdam ko kasi, nanghihina ako at wala akong lakas na itulak ito.
Bigla naman itong napatigil at napayuko.
"S-sorry mahal ko," mahinang wika nito.
Bigla naman akong tumayo. Tumikhim pa ako bago nagsalita.
"Naisip ko para maging maayos ang pagsasama natin.." pangbibitin ko at tinitingnan ang reaksyon nito.
Bigla naman itong umangat ng tingin at kita ko na para bang nabuhayan ito ng loob.
"We can pretend as friend na lang. Kalimutan natin na mag-asawa nga tayo. Kung gusto mong kausapin kita tulad ngayon," wika ko rito.
Natahimik ito sandali. Ngunit kaagad ding sumagot.
"Kung iyan ang magiging paraan para magkalapit at makipag usap ka sa akin, sige mahal ko. Gagawin ko ang lahat, maging masaya ka lang sa tabi ko," sagot nito.
"Okay," ngiting wika ko. "Good night Clark."
"Good night mahal ko," rinig kong wika pa nito.
Hindi ko na ito nilingon pa at tuluyang pumasok ng kuwarto.