MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO "Are you okay, anak?" tanong ni daddy. "Medyo kinakabahan." Pag-amin ko. Ginulo nito ng mahina ang buhok ko na ikinahaba ng nguso ko. "Akong bahala sa iyo, 'nak." Lihim akong napabuntong-hininga ng makarating kami sa conference room. Ngayon ang araw na ipapaalam ng aking ama ang pag-upo ko bilang isang CEO. Oh no.. Ang daming tao. Hindi ko naman tiningnan isa-isa at nakaramdam pa ako ng pagka-ilang. Ni 'di ko pa nga alam kung anong ginagawa sa ganitong klaseng trabaho. "Good morning everyone!" wika ng daddy ko. Umupo ito sa unahan. Inalalayan naman ako ng secretary ni daddy na umupo sa kanan nito. Nanatili pa rin akong nakayuko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng labis at pinagpapawisan na naman ang kamay ko. Pakiramdam ko may nakatingin sa

