Kaagad akong napabalikwas ng makitang gising na ang asawa ko at nakatunghay ito sa 'kin. "M-mahal ko.. kumusta ang pakiramdam mo?" mahinang tanong ko. Ngunit hindi ito umimik at nanatili lang itong nakatingin sa akin. Napalunok ako sabay alis sa kama. "Sorry, kung dito na ako nakatulog. Binantayan kasi kita. Masyado akong nag-aalala. Hindi ko kayang iwanan ka habang inaapoy ng lagnat," mahabang paliwanag ko sa asawa. Baka kasi bigla na lang ako nitong sigawan, kung bakit natulog ako sa mismong kuwarto nito. Sa mismong kama pa nito. Nang mapansin kong nagpipigil ito ng tawa. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapangiti. "What's funny..?" Sabay kamot sa batok. "Naglagay ka ba ng eyeliner sa mata mo, Clark?" At saka ito tuluyang tumawa. "So, pinagtatawanan mo ako, mahal ko? Hindi mo yata a

