Pinag-aralan ko ng maigi ang bagong proyekto na ipapatayo. Yes, binigyan ako ng idea ng daddy ko. Pero gusto nitong pag-aralan ko ang new project at nais nitong may marinig na suggestion mula sa akin. Nag-aral ako at nag-research tungkol sa malalaking proyekto. Kumuha ng mga ideas at pinag-aralan. Kung alam ko lang talagang ganito kahirap ang humawak ng isang kompanya, sana pala noon ko pa sinimulan. Akala ko kasi, ganoon lang kabilis dahil ang ama ko naman ang may-ari. Iba pa rin pala kung ako na ang hahawak. Dahil sariling ideas ko manggagaling ang lahat. Habang nakaupo sa swivel chair at nagpapahinga ng maisipan kong tawagan ang telepono sa mismong opisina ng asawa ko. At paano ko nalaman? Syempre, inalam ko lang naman sa ama ko. Kabado ako habang hinihintay itong sumagot. Nguni

