LUMIPAS ang dalawang buwan, na ganoon pa rin ang sitwasyon naming mag-asawa. Madalas pa rin itong lumalabas kasama ang mga kaibigan habang ako naman, pumapasok sa opisina. Nakakalungkot lang isiping sa loob ng dalawang buwan, ni minsan hindi ito nagtanong tungkol sa personal kong buhay. Masakit isiping wala talaga itong pakialam sa buhay ko. Ngunit sa kabila n'on, wala pa rin akong tigil sa pagpapakita rito kung gaano ko ito kamahal. Ginagawa ko ang lahat maiparamdam at maipakita ko lang dito kung gaano ko ito kamahal. Pilit akong kumikilos ng masigla sa harapan nito kahit na ang totoo, durog na durog ang puso ko sa tuwing nararamdaman at nakikita kong balewala lang ako rito. Oo nga, kinakausap ako nito at minsan naman ngumingiti, ngunit alam kong ang lahat ng iyon ay isang kaibigan la

