"Are you listening to what I'm saying?" tanong ng asawa ko. Bigla naman akong nataranta. "O-oo naman!" mabilis na agap ko. Napasinghap ako ng muntik ko ng mahalikan ang labi nito. Mabilis kasi akong pumihit paharap dito. Nagkabunggo pa ang tungki ng ilong namin. Ngunit kaagad ko ring iniiwas ang tingin dito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagkunwari akong nakikinig, kahit ang totoo, wala na akong maintindihan sa itinuturo nito dahil sa kilig na nararamdaman ko. Ikaw ba naman, tinuturuan pero halos nakayakap na ito sa akin. Nasa likuran ko ito. At may iginuguhit ako na kailangan ng alalay nito. Wala e, mahina ako pagdating sa pagguguhit. Panay salita nito, pero hindi doon ang fucos ko. Kun'di sa labi nito na malapit sa tainga ko. Nakikiliti ako kung alam lang nito. Hind

