Chapter 16

1772 Words

Napatayo ako ng bumukas ang pintuan ng asawa ko. Sinadya ko talagang gumising ng maaga upang makapagluto ng agahan at hintayin 'tong magising. Natatakot akong bigla na lang itong umalis ng hindi ko nalalaman. Pansin ko ang pagkagulat nito. Ngunit lihim akong napangiti ng makitang nakasuot pangbahay lang ito. Ibig sabihin, wala itong balak umalis ngayon! And today is my birthday! Nalaman niya kaya? "Good morning, mahal ko!" nakangiting wika ko. Kahit alam kong iniiwasan ako nito, hindi ko binago kung paano ko ito pakitunguhan at ipakita kung gaano ko ito kamahal sa kabila ng pangbabalewala nito sa akin. Kahit paulit-ulit akong nasasaktan. Hindi magbabago ang pagmamahal ko rito. Kaagad itong umiwas ng tingin sabay tikhim. "Good morning, Clark." Sabay lakad nito patungong kusina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD