Kabanata 19

1157 Words
"She's dead?!" Nagimbal na sigaw ni Inspector Giordani. Halos mabingi naman si Aries sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya. Bahagya siyang lumayo sa phone. "Aray naman. Mabibingi naman ako sa 'yo eh." Nagulat talaga ang imbestigador sa isinalaysay niya. Ikinuwento niya ang buong pangyayari ngayong araw. "Jarvis, please investigate the cause of her death. Alamin mo lahat, lalo na ang tinatagong baho ng Soterios Family. Nakalagay sa journal ni Queenie na may business silang bato." "Bato? That means..." "Yes. I'm sure drugs ang tinutukoy niya roon. It might be the cause of Andrea's fate," napabuntong-hininga si Aries. Awang- awa siya sa yumaong bata. "Akala ko ba may screening interviews ang mga adoptive parents. What the f*** is this? Drug dealers and pushers ang umampon kay Andrea?" napapailing na lang si Giordani sa kabilang linya. "I don't know. Lagpas isang taon din na tumira si Andrea sa pamilya na iyon. Only Andrea knows the truth but she's dead now. We don't have any choice but to find out, ourselves." "Of course. Pupunta muna ako roon sa Soterios Residence." Ini-loud speaker ni Giordani ang phone habang sinusuot ang jacket niya. "Huwag kang masyadong magpahalata. Baka tumakas ang mag-asawang iyon." "Don't worry. I won't talk to them yet. Uunahin kong kausapin ang Palaina Family, tapos pupunta ako sa sementeryo. I'll check kung doon nga nakalibing ang bata. Pahukay natin ang bangkay ni Andrea para ipa-autopsy." "Ha? P'wede ba 'yon? Paano kung matagal nang na-autopsy ang bangkay?" "Aries, p'wede naman ulitin iyon. Magpa-second-autopsy." "Pero Jarvis, tatlong taon na 'yong patay." "Okay lang 'yon. Injuries and many other forms of death may be evident for many years. Saka may mga bangkay nga na thousands of years nang patay pero nalalaman pa rin ng mga forensic scientist kung paano namatay 'di ba?" "Makes sense," aniya. "Pero may permit ka ba para maghukay? Hindi ba bawal iyon?" "Eh 'di , kukuha ng exhumation's permit sa Local Health Officer. Wala ka bang tiwala sa 'kin?" "Wala," biro niya. "Come on man." Natawa siya nang kaunti sa dismayadong boses nito. "Kapag nagawa mong pahukay 'yon. I'll double the payment." "You said that ah. Walang bawian." "Call me before you excavate the corpse. Pupunta ako roon." "Sige. Kapag nakuha natin ang resulta ng autopsy at napatunayan nga na pinatay siya, gagawa tayo ng salaysay para mag-file ng demanda sa korte," paliwanag ni Giordani. "Okay." "Kapag napatunayan sa court na ang adoptive parents ang pumatay kay Andrea, pwede n'yo nang akuin ang karapatan sa bata kahit patay na siya." "Ang sakit pakinggan pare," nasambit ni Aries. Nakakatuwa na may posibilidad na maputol ang kontrata ng adoption at sa kanilang pamilya mapunta ang custody ni Andrea. May magiging ate si Archie. Tatanggapin niya ang batang babae at ituturing niyang tunay na anak. Iyon nga lang... sobrang sakit. Sayang. Huli na sila dahil hindi naabutan na buhay ang bata. "I'm sorry, Aries. Kahit ako nanghihinayang..." sabi ni Giordani. Nakahanda na siya sa pag-alis. Puputulin na sana niya ang usapan nang maalala niya si Leona. "Uh... s-si Leona nga pala? Kamusta na?" Nanahimik bigla si Aries. "I-Im sorry, h-hindi ko dapat tinatanong," nailang niyang sabi. Hindi niya nakakalimutan ang usapan nila ni Aries. Nangako siya na lalayo sa asawa nito. Hindi siya mangugulo sa pamilya nila. Ngunit nag-aalala siya para kay Leona, paano kaya tinanggap ng babae ang nangyari sa anak niya? "Honestly, I don't know. I can't talk to her right now. Wala siya sa sarili," sumagot si Aries. "Oh..." "Don't bother yourself." Sinubukan niyang pagaanin ang damdamin ng kausap. "Tomorrow, I'm sure she will be herself again. Na-shock kasi siya ngayon. Nandito naman ako. Ako nang bahala." "Take care of her." "I will." Natapos na rin ang usapan nila. Sa kabila ng maliit nilang isyu sa damdamin ni Giordani sa asawa niya, hindi niya inaasahan na mabilis silang magkakasundo. Siguro dahil pareho lang sila ng takbo ng utak. Napabuntong-hininga na lumabas siya sa garahe. Bitbit niya sa kamay ang photo journal ni Queenie na hindi na niya napagpatuloy basahin. Masakit kasi. Nadudurog ang puso niya sa sinapit ni Andrea. Sa ngayon, ang magagawa lang niya ay magtiwala sa kakayahan ni Giordani. Sana nga lang, hindi matagalan ang lalaki na kumuha ng disinterment permit. *** Papasok na sana si Aries sa loob ng bahay ngunit may naaninag siya sa gilid ng mata. Lumingon siya roon para sulyapan ang dalawang tao na nasa labas ng gate. Hindi nga siya namamalikmata. May kausap si Manang Bertina na misteryosong lalaki. Lumakad siya palapit sa likod ng katulong. "Hindi nga po pwede, mister! Huwag na po kayo makulit. Masama pakiramdam ni Ma'am Leona," pakikipagtalo ni Manang Bertina. "Please, saglit lang naman po." "Bawal nga eh!" "Manang Bertina," tawag niya sa katulong. "Sino 'yan?" Kapwa napalingon ang mga ito sa kaniya. "Sir, ang kulit po niya. Kanina pa 'yang umaga pabalik-balik dito. Eh ayaw nga po ni ma'am makipag-usap sa kaniya," sumbong ng katulong. Napatingin siya sa lalaki. Hindi siya pamilyar sa itsura nito pero hindi naman siya magpupumilit kung hindi mahalaga ang sasabihin niya kay Leona, 'di ba? "Manang nasa'n si Archie?" "Nando'n po sa kusina, sir Aries. Kumakain ng chicken joy." "Nandiyan na pala ang in-order ko. Samahan mo na si Archie ro'n kumain. Ako nang bahala rito," bilin niya sa katulong. "Sigurado ka po, sir?" Nag-alala naman ang matanda. "Opo, Manang." May assurance na ngiti niya. Sumunod naman ito at bumalik sa loob ng bahay. Naiwan silang dalawang lalaki roon. "Sino ka po? Anong kailangan n'yo sa asawa ko?" May otoridad ang tinig niya. Nakakunot din ang noo niya. "A-Asawa?" Tila walang kumpiyansa at bahag ang buntot na ulit lang nito sa sinabi niya. "Yes, asawa ko ang hinahanap mo. Anong kailangan mo kay Leona?" Ilang segundo na 'di muna ito sumagot. Binuka nito ang bibig, "Uh... A-ako po si... Lloyd. A-Ang tunay na ama ni... Andrea." Si Aries naman ang hindi naka-imik. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng video game's quest at ang Diyos ng kapalaran ang naglalaro sa kaniya. Problem after problem, disaster after disaster ang nagaganap ngayon sa laro ng kaniyang buhay. Katulad ng isang interactive games. May tatlong choices siya ngayon. A. Pagtabuyan ang ex-boyfriend ng asawa at sigawan ng p*tang*na mo. Pagkatapos ay suntukin. B. Magsinungaling na wala si Leona. C. Maging mabait, patuluyin sa bahay, at masinsinang kausapin. Iba't iba rin ang magiging resulta ng bawat pagpipilian. Syempre, kung ano ang may mas magandang resulta, iyon dapat ang piliin ng naglalaro. Ang tanong, sa'n dito ang may mas magandang resulta? Kung ano man ang piliin niya ngayon, makakaapekto sa mangyayari sa kinabukasan. Napabuntong-hininga siya nang malalim. Ano ba itong kalokohan na naiisip niya? Hindi naman kailangan ng masinsinang pag-iisip para malaman ang tama. Common sense lang ang gagamitin. "Tuloy ka." Niluwagan niya ang awang ng pinto. *** "Common sense is deemed to be what is acceptable and right by the majority of people, yet the majority of people doesn't use it." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD