"Naka-usap ko na ang mga magulang ni Leona. Humingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanang ginawa ko. Pinatawad na nila ako at sinabi nila na humingi rin ako ng tawad kay Leona, saka sa anak namin na si Baby Andrea. Una po sa lahat, hindi ko po intensyon na manggulo. Sinabi rin sa akin ng ina ni Leona na.... may pamilya na nga siya. Hindi ko po sa inyo kukunin ang bata. Higit sa lahat, alam kong kayo po ang tinuring niyang ama---" "Wait lang," awat ni Aries na tinaas ang kamay. Kasalukuyan silang nasa sala. Sila lamang ang naroon, pagka-upo ng bisita ay sunod-sunod na ang pagpapaliwanag nito kahit wala pa naman siyang tinatanong. Kumbaga, defensive agad. "Anong sinasabi mong... ako ang tinuring ni Andrea na ama?" kunot-noo niyang tanong. "Bakit?" Nagtaka rin si Lloyd. "Hindi nasabi sayo

