Isang linggo ang dumaan at hindi naging madali ang misyon ni Giordani. Sa pagkuha pa lang ng permit, nahirapan na siya. Hinanapan pa kasi siya ng death certificate at kinailangan niyang gumamit ng gatong at kapit sa mga kakilalang matataas. Kumbaga, humingi na siya ng pabor sa ama niyang hurado sa korte at tito niyang konsehal. Tagumpay na nakakuha siya ng permiso ngunit.... abuse of authority ba ang tawag doon? Hindi naman siguro masama ang ginawa nila, para naman ito sa hustisya. Kailangan niyang gawin ito alang-alang kay Leona at sa kawawang anak ng babae. Pumunta siya sa Heaven's Peace Memorial Garden nang umagang iyon. Naabutan niya ang sepulturerong si Mang Elias, at ang mga lokal na opisyal na nandoon. Nakasuot silang lahat ng facemask at gloves bilang proteksyon sa dumi o kung an

