Minsan naiisip ni Aries na itinadhana ito ng langit. Hindi ang pagkamatay ng bata ang tinutukoy niya, kundi ang mapagtanto nila ang sinapit ni Andrea upang mabigyan ng hustisya ang kawawang paslit. Hindi naghahangad ng masama ang Diyos sa mga nilalang Niya sa mundo. Sa pananampalataya niya'y hindi siya naniniwala na sinadya ng May-kapal na mapunta sa masamang kamay ang bata. Sa paningin niya'y isa itong maling pagkakamali ng mga taong nakapaligid kay Andrea. "Andrea's death is the result of all the adults' failures around her. All of them are at fault, from her birth parents to the Montero Family, the Al-Saud Family, the orphanage, and sadly, the Palaina Family too. They all failed the child, miserably," nasabi ni Aries sa sarili. "Despite knowing the girl's situation, the Palaina Famil

