Madilim ang balintawtaw ng binata nang makita ni Aries ito nang harapan. Mailap ang alik-mata, 'di makatingin nang diretso kaya nakababa lang sa lupa. Inabot nito ang Photo Journal na binigay niya noong nakaraan. "Nandito po ako para ibalik lang ito." Tila nagdadalawang isip pa si Aries na bawiin iyon. Inangat niya ang kamay at kinuha ang binibigay nito. "Lloyd," mahina niyang bigkas. May tono ng pag-aalala. "Binasa mo ba lahat?" Marahan itong tumango. "I'm sorry... I feel so bad for you but---" "Sir Aries." Tumingin ito sa kaniya. "Sinabi mo sa 'kin na pinaglalaban mo ngayon ang hustisya para sa anak ko." "Yes," amin niya. "Gusto ko sanang pumunta sa korte. Gusto kong mapanood. Gusto ko rin... m-makita si Andrea." Mungkahi niya na dala ng pighati sa nalamang balita. Dala ng galit s

