Kabanata 15

1497 Words
Napapangiti si Manang Bertina habang naghuhugas ng pinggan at nakikinig sa biruan ng pamilya sa hapag-kainan. Masaya siyang makitang maayos na muli ang relasyon ng mag-asawa. Hindi niya alam kung ano ang naging ugat ng away nila ngunit salamat sa Diyos nalagpasan nila ang pagsubok na iyon. Ang pinagtataka lang niya, madaling-araw pa lang gising na ang mga ito. Maaga silang nag-almusal at nagbihis. Ibinilin din ni Aries sa kaniya na siya na muna ang bahala kay Archie dahil baka raw buong araw silang mawala. "Why I can't go with you and papa?" Narinig niyang pagmamaktol ng bata. Sa mga nakalipas na araw ay nauubos na ang panahon ng mga ito at wala na halos matira na oras para kay Archie. "Anak, kids have nothing to do with adult's business. You can come along when you grow older," malumanay na paliwanag ni Aries. "Why is that?" "Because..." "Hay nako, dami mong tanong na bata ka!" Sumabat na si Manang Bertina habang tinatanggal niya ang apron sa baywang. "Bawal ka nga sumama eh. Kulit mo!" "Nanay, they're not giving me a good reason. Why I'm not allowed to go with them just because I'm a kid? That doesn't make any sense." Malalaglag na ang nguso nito sa lupa dahil sa malaking simangot. Pinag-krus pa nito ang mga braso. Natawa naman sila. Ang cute talaga ng batang ito kapag nagtatampo. "How about... I buy you pasalubong later?" Si Leona na ang sumalo. "You will?" Nagningning ang mga mata ni Archie at tumingin sa ina. Nawala agad ang simangot niya. "What do you want?" "Jollibee chicken joy with ten cups of gravy!" Naudlot ang masayang usapan nang may nag-doorbell. "Ako na po. Teka," paalam ni Manang Bertina sa mag-asawa at naglakad palabas sa pinto. Binuksan niya agad ang gate ng bahay at ang nakita niya sa harap ay isang lalaking nakasuot ng itim na jacket. Hindi siya pamilyar sa mukha nito. "Sino po kayo?" Imbis na sagutin nito ang tanong niya. Nagtanong din ito. "Nandyan po ba si Leona?" "Ah... si ma'am ba? Opo, bakit? Ano po kailangan niyo?" "Gusto ko lang po siyang makausap. Mahalaga lang po." "Tawagin ko po muna. Maghintay lang po kayo rito ha?" aniya bago sinara ang pinto ng gate. Bumalik siya sa dining room at sinabing, "Hinahanap ka ma'am Leona. Kilala niyo po ba iyon? Mukhang hindi po siya taga-rito. Ngayon ko lang siya nakita eh." Nagkatinginan muna silang mag-asawa bago naisipan ni Leona na tumayo. "Sino ba iyon? Istorbo naman. Kaaga-aga eh," reklamo pa niya. Lumabas na lang siya para makita na kung sino ang taong naghahanap sa kaniya. Binuksan niya ang pinto ng gate at nagtama ang mga mata nila ng lalaki. Nagimbal siya at ilang segundo na napatulala. "Leona." Maamo ang asta nito at parang nagmamakaawa ang boses. Napalitan din agad ang gulat niya ng pandidiri at pagkasuklam. "Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" "Hinanap ko talaga ang address mo. Nagtanong ako sa mga magulang mo." "Ang kapal din ng mukha mo, Lloyd." Nagbaba lang ito ng tingin at tinanggap ang pang-iinsulto niya. Alam naman ng lalaki na matitikman niya ang bangis at galit ng babae pero nagpatuloy pa rin siya na pumunta rito. "Ano bang kailangan mo?" "G-Gusto ko lang... magtanong..." Naubos na yata ang self-esteem nito. Wala siyang tindig kung magsalita. "Magtanong ng ano?" "Tungkol sa anak natin." Hindi alam ni Leona kung ano ang mararamdaman niya. Gulat? Awa? Inis? O baka lahat ng iyon. Nagpakita ang lalaki pagkatapos ng sampung taon at ang sasabihin sa kaniya ay... ganito lang? "Wala akong paki, Lloyd. Wala kang karapatan sa bata." Pinanindigan niya ang sariling opinyon. Hindi siya maaawa sa lalaking ito. Kahit pa mukha na itong gusgusin at naghihirap ngayon. Siguro karma na ito ni Lloyd. Pero hindi siya papayag na makita nito ang anak niya. Walang prinsipyo, duwag at irresponsable ang lalaking ito. Wala siyang kakayahan na maging ama. "P'wede ko ba siyang---," Bago pa nito matapos ang tanong. Sinara na niya ang pinto ng gate sa mukha nito. Wala siyang pakialam sa kaniya. Magdusa siya. Bumalik siya sa dining room at muling umupo sa tabi ng asawa. Napansin naman ni Aries ang iritadong itsura niya. "Are you alright? Who's that?" "Wala. Nagbebenta lang," aniya. Ayaw na niyang pag-usapan pa ang buysit na lalaking iyon. Nasisira lamang ang araw niya. Pinagpatuloy niya ang almusal. Hindi na rin nagtanong si Aries. Si Lloyd naman ay nabigla sa ginawang pagtatakwil sa kaniya. Pero wala siyang magagawa kaya tumalikod na siya at umalis sa harap ng bahay. *** Pagkatapos ng almusal ay bumyahe na sila patungo sa Wagas Market, 2nd district ng Tondo, Manila. Pupuntahan na nila ang Soterios Residence. Habang sakay ng kotse ay nakikita ni Leona sa bintana ang kaawa-awang lagay ng mga taga-iskwater. Kung saan-saan lang nakatambak ang mga basura. Ang mga bata ay walang mga damit, madungis, at malalaki ang umbok ng tiyan. Kung tumingin ang mga kabataan sa kanila, akala mo ngayon lang sila nakakita ng kotse. Parang impyerno sa mundo ng mga ignorante at kapus-palad. Alam niya iyon dahil napagdaanan niya. Noong bata pa si Leona, marami siyang natutunan sa mga taga-iskwater. May mga mababait. May magbibigay ng tulong kahit sila ay walang-wala rin. May mga marunong ngumiti sa kabila ng hirap. Pero hindi lahat ay mabubuti. May mga tao rito na may problema sa pag-uugali. Sila ang mga taong ayaw magsumikap at kontento na sa ganiyang buhay. Tulungan mo sila, pagsasamantalahan nila ang kabutihan mo. Sa huli, mapagtatanto mo na: Hindi mo matutulungan ang mga taong ayaw tulungan ang mga sarili. Naputol ang malalim niyang pag-iisip nang mapansin na lumagpas na sila sa iskwater at napadpad na sa mas maayos na pamayanan. Huminto si Aries sa pagmamaneho. Ibinaba ang bintana ng kotse at nagtanong sa batang nagtitinda ng sigarilyo at candy. "Yes sir, dito na 'yon. Hayun po oh!" tinuro ng bata ang malapit na apartment. *** Huminto sila sa tapat ng tatlong palapag na apartment. Sa gilid na lang ng kalsada nag-park si Aries. Hindi muna sila lumabas, pinakalma muna ni Leona ang sarili. Panay kasi ang kabog ng dibdib niya sa kasabikan. Nag-aalala rin siya sa magiging reaksyon ng anak niya kapag nagkita na sila. Magagalit kaya si Andrea? Maaari. Pero tatanggapin niya. Alam niyang may kasalanan siya sa bata. Ang mahalaga ay nagkita sila at mapapadama niya ang sampung taon na pagmamahal niya. Hinawakan ni Aries ang mga kamay ng asawa at ngumiti. "We will see her soon..." Tumango siya. Huminga muna siya ng malalim at nagyaya nang bumaba ng kotse. "Tara na." Bawat hakbang ng mga paa niya, lalong tumitindi ang kaba niya. Binaybay nila ang kahabaan ng hagdan patungo sa pangatlong palapag. Lutang ang isipan niya at tila kusa lang gumagalaw ang katawan niya. Hinawakan ni Aries ang mga kamay niya bilang pagsuporta. Sumulyap ito sa kaniya bago kumatok sa pinto. "Tao po?" tawag nito pero walang sumagot. May tao kaya sa loob ng bahay? Natigilan muna si Aries bago inulit ang katok. "Tao po? Tao--- " Biglang may nagbukas ng pinto at nagulat silang pareho. Isang babae na mukhang masungit ang bumungad sa kanila. "Anong kailangan niyo?" "Good morning po, dito ba nakatira si Sabryna Andrea? Ito po siya," pinakita ni Leona ang larawan ng anak. Kumunot ang noo at nanliit ang mga mata ng ale. Ilang segundo na tumingin lang siya sa larawan. "Wala! Walang Andrea rito!" masungit nitong sabi at biglang pinagsarhan sila ng pinto. Natulala at napanganga silang dalawa. Walang modo naman ang ale na iyon. Nagkatinginan sila. "Wala raw?" wika ni Aries. "Hindi!" biglang nag-panic si Leona. Nag-alala at nalito ang isip niya. "Hindi p'wedeng magkamali! Nandito si Andrea! Hindi naman p'wedeng magsinungaling sa atin ang Executive Director!" "Magtanong kaya muna ta--- ." Naputol ang sinasabi ni Aries nang makita ang dalawang kabataan na maingay at masayang bumababa sa hagdan. Mukhang galing sa rooftop ang mga ito. Teen-agers sila, naglalaro sa 16-17 years old ang edad. Isang babae at isang lalaki, ngunit mahuhulaan na kambal ang dalawa dahil parehas lang sila ng itsura. "Excuse me!" Tawag agad ni Aries at naglakad palapit sa dalawa. Huminto naman ang mga ito at nagtatakang tumingin sa kaniya. "Dito ba kayo nakatira?" Tumango ang lalaki. "Opo." Kinuha ni Aries ang picture ni Andrea sa kamay ng asawa. Ipinakita niya iyon sa dalawang teen-agers. "Kilala niyo ba si Sabryna Andrea?" Tumingin ang mga ito sa larawan. "Ah! Si AndyGalis!" natuwa na sambit ng lalaki. "AndyGalis?" Kumunot ang noo ni Leona. "Opo, ang dami kasing galis niyan eh!" sabi ng lalaking kambal. "Hoy!" Nairita naman ang babaeng kambal sa sinabi niya at siniko ang kapatid sa tiyan. "Nasaan na siya?" tanong ni Aries at hindi na makapaghintay. "Nandoon sa sementeryo," sagot muli ng lalaki. Siya lang ang nakikipag-usap sa kanila, samantalang ang babaeng kambal ay nakikinig lang. "Sementeryo?!" banggit ulit ni Leona. Lalo lang bumilis ang t***k ng puso niya. Ano ang ginagawa ni Andrea sa ganoong lugar? "Opo. Tatlong taon na po siyang patay." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD