bc

Wedding Girls - Donna

book_age16+
135
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
sensitive
confident
versatile
drama
sweet
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Donna

Bumalik sa Pilipinas si Jason buhat sa Amerika na nagdurugo ang puso dahil sa relasyong naunsyami. He was very much ready to get married pero tinanggihan lang ito ng babaeng nais pakasalan. At gaya ng nakasanayan, kanino pa ba ito maghihinga ng sama ng loob kundi sa matalik na kaibigan, si Donna.

Para kay Donna, tanga ang mga babaeng pinapakawalan si Jason. Jason was a good catch, a self-made man. Guwapo pa at napakaresponsable. Kung mayroong perpektong lalaki, si Jason na iyon.

Subalit perpekto pa rin kaya si Jason nang aksidenteng magkaroon ito ng amnesia? At hindi niya alam kung dahil lang sa amnesia nito kaya parang nais tawirin ng binata ang hangganan ng kanilang pagiging magkaibigan patungo sa pagiging magka-ibigan…

*****

Veronica

Veronica was a hopeless romantic. Kaya nga niya piniling propesyon ang pagiging modista ng mga damit-pangkasal ay dahil sa palagi siyang nangangarap ng mala fairy tale romance.

Pero paano matutupad ang sarili niyang istorya ng fairy tale kung kasapi siya ng NBSB society. Meaning, no boyfriend since birth.

At ang nag-iisang lalaking pinag-uukulan niya ng lihim na pagtingin ay ikakasala na sa iba. Lalo na kaya siyang wala nang pag-asa? Paano na ang pangarap niyang magdisenyo ng sarili niyang wedding gown?

chap-preview
Free preview
Donna - 1
“DONNA, this is Jenna.” Tumawa si Donna. “As if maipagkakamali ko sa iba ang boses mo, Jenna,” sagot niya. “Napatawag ka? May problema ba?” Kahapon lang ay tumawag si Jenna sa kanya. Pinag-usapan nila ang isang kliyente na daig pa yata ang isang perfectionist sa dami ng demands nito. “Tumawag kasi sa akin si Bettina.” Iyon ang pangalan ng naturang kliyente nila. “Oh, ang client natin na pinaka sa lahat.” “That’s right. Hindi ka daw niya makontak kaya ako ang tinawagan. Gusto nga daw sana niyang dumirekta na sa iyo. Okay na daw ang schedule ng bridesmaids niya. Puwede ka daw ba this Saturday?” Kaagad lumipad ang tingin ni Donna sa cork board na nakasabit malapit sa telepono. Doon naka-pin ang lahat ng schedule niya. At bakante naman ang naturang araw. “Kahit naman hindi ako puwede sa Sabado, ipipilit ni Bettina na siya ang masunod sa schedule. Buti na lang bakante ako. Anong oras daw ba?” “Two pm. Sa bahay nila sa San Juan. Ipapasundo ka daw niya sa driver nila.” Habang sinasabi iyon ni Jenna ay isinusulat na rin niya iyon sa Post-it. Pulang tinta pa ang ginamit niya para palagi niya iyong mapansin kapag tumitingin siya sa cork board. Pero sa totoo lang, imposible niyang makalimutan iyon. Buhat nang pumirma ng kontrata si Bettina sa Perfect Weddings ni Jenna three months ago, lahat silang wedding girls ay halos maaligaga na sa katatawag nito. At kapag nagkakausap sila nina Veronica at Mica, pakiramdam nila ay sila ang pinaka-apektado. Labis-labis ang concern nito sa isusuot na gown, sa magiging itsura sa kasal nito at sa pictorial. Marami na silang naka-engkuwentro na difficult client pero tinalo lahat ni Bettina iyon. Napakarami nitong ideya para sa kasal nito. Sa biruan nga nila kapag may meeting ang wedding girls, sinasabi nilang si Bettina na lang sana ang mismong mag-wedding planner para sa kasal nito. Pero challenge din naman sa kanilang lahat ang kliyenteng kagaya ni Bettina. At isa pa, alam din nila na kapag naperpekto nila ang kasal ni Bettina na kilala at maimpluwensya sa sirkulong ginagalawan nito, mas lalong lalaki ang client-base ng Perfect Weddings, at pabor din naman sa kanilang lahat iyon. “Bakit nga ba hindi ka makontak?” untag sa kanya ni Jenna. “Nagloloko ang cellphone ko. At nasira ang linya ng PLDT dito sa lugar namin kaya out of reach ako temporarily. But I’m back now.” “Good. At humanda ka. Tatawag din naman sa iyo si Bettina sooner or later.” “Naghahanda talaga ako. Pinakamalaking hamon sa kakayahan ko si Bettina. Ni-review ko na nga ang lahat ng natutuhan kong technique kina Mama at Mommy para hindi ako mapahiya. At ano ka, nagbabad din ako sa internet para mag-research ng latest trend sa wedding make-up.” “Good. Pasensya na kayo kung demanding si Bettina. Isipin na lang natin, hindi naman siya kuripot pagdating sa pagbabayad, di ba?” “Yeah, correct ka diyan.” “Bye for now. May mga aasikasuhin pa ako,” paalam ni Jenna. “Okay. Ako din, marami pang gagawin.” DALAWA ang sangay ng beauty salon na pinapangasiwaan ni Donna, ang Salon Madonna. Pag-aari iyon ng kinalakhan niyang magulang na sina Marvin at Donato better known as Mavi and Donnie, respectively. Matalik na magkaibigang bakla na kapwa itinakwil ng mga magulang sa bayan nito sa Sorsogon. Buong buhay ni Donna ay ang dalawa ang nakilala niyang magulang. Ang Mama niya ay si Mavi at Mommy naman niya si Donnie. Napulot daw siya ng dalawa sa harap ng apartment na inuupahan ng mga ito noon. Kung saan siya nanggaling at kung sino ang nag-iwan sa kanya ay walang alam ang mga ito. Kungsabagay, hindi na rin iyon importante sa kanya. Para sa kanya ay ang dalawang bakla ang mga magulang niya. Noong bata siya, ni hindi niya ininda ang panunukso ng mga kaeskuwela niya. Kakaiba daw siya dahil parehong bakla ang nanay niya at tatay niya. At isang milyong beses na siguro niyang narinig sa bibig ng iba ang salitang: “Ampon! Ampon!” Pero hindi nga siya apektado sa mga iyon. Dahil numero unong nakikipag-away kahit sa kalye ang Mama Mavi niya kapag nahuhuli nito ang mga bata —at maging ang mga matatanda na may masamang sinasabi laban sa kanya. Palagi siyang ipinagtatanggol ni Mama Mavi sukdulang makipagsabunutan ito sa palengke kaya namang alam niyang mahal siya nito. At ganoon din naman si Mommy Donnie. Kahit na mahinahon palagi si Mommy Donnie ay busog siya sa alaga at pagmamahal nito. Sa dalawa ay ito ang mas matindi ang maternal instinct. Noong magdadalaga na siya ay ito ang naka-asiste sa kanya nang magkaroon siya ng monthly period. Sagana din siya sa material na bagay. Para sa mga magulang niya, hulog siya ng langit sa mga ito. Parang hinipang lobo ang pag-unlad ng maliit na parlor ng dalawa nang dumating siya sa buhay ng mga ito. Siya daw ang may dala ng suwerte sa buhay ng dalawa kaya ang dating Mavi and Donnie’s Beauty Parlor ay naging Salon Madonna, kuha sa ipinangalan sa kanyang Madonna na buhat din naman sa kumbinasyon ng pangalan ng mga ito. Pinag-aral siya ng mga ito sa mahusay at eksklusibong eskuwelahan. Nang magtapos siya ng Business Management, isinakatuparan ng mga ito ang planong maglagay ng isa pang branch ng Salon Madonna. Tanyag na ang unang salon at maraming regular client nila ang nagtutulak sa dalawa na ikalat sa Metro Manila at malls ang naturang salon dahil mahusay ang serbisyo nito, iyon nga lang, hindi pa handa sina Mavi at Donnie sa ganoong expansion. Kaya lamang naging dalawa ang salon ay dahil regalo ng mga ito sa kanya ang isang branch. At dahil ayaw niyang mapahiya sa mga magulang, buong husay niyang pinangasiwaan ang salon niya. Mabilis din namang naging kilala ang salon niya. Masaya siya sa salon. Bukod sa siya ang may-ari at manager, masaya siya na siya mismo ang nagbibigay ng serbisyo sa mga kliyente niya. Subalit by appointment lamang iyon. May mga well-trained staff siya na kayang-kayang gumawa ng regular services ng kanilang salon. Si Mavi ang mahusay pagdating sa buhok at si Donnie naman ang magaling pagdating sa pagme-makeup. At minana niya sa dalawa ang talentong iyon. Kahit na mabubuhay na siya nang maalwan sa kita ng salon, pinanindigan niya ang pagiging makeup artist. Nag-e-enjoy siya dahil nailalabas niya ang alam niya at husay sa gawaing iyon na naging dahilan din upang kunin siya ni Jenna na maging wedding supplier sa Perfect Weddings nito. Pero sa ngayon ay mas abala siya sa pagma-manage ng dalawang salon. Wala sina Mavi at Donnie. Finally, nangyari na rin ang inaasam ng dalawa na makabalik sa Sorsogon dahil pinatawad na ito ng mga magulang sa pagiging bakla. Nasa mid-forties na ang edad ng dalawang bakla kaya lalo namang matanda ang mga magulang ng mga ito. Gusto ng mga itong mamalagi muna sa Sorsogon para makapiling nang husto ang mga magulang. Siya man ay imbitadong umuwi sa probinsya. Pagkakataon na raw niya iyon upang makilala ang kanyang mga “lolo at lola”. Kung natanggap na daw ng mga matatanda ang pagiging bakla ng dalawa, mas lalo namang walang dahilan upang hindi siya tanggapin ng mga ito. Gusto din naman sana niya dahil pakiramdam niya, ngayon lang niya mararanasan na mayroon siyang matatawag na kamag-anak kahit na nga ba alam niyang hindi niya kadugo ang mga iyon pero paano ang gagawin niya? Hindi naman puwedeng iwan ang negosyo. At mayroon din siyang mga appointments bilang wedding girl. She was a busy woman. “Mommy, timpla mo ko ng Lactum,” kalabit sa kanya ng isang bata na maglilimang taong gulang. “Okay,” aniya at inabot pa niya ang kamay nito nang tunguhin nila ang kusina. That was Jodie. Isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit abala siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook