"So, ano na nga palang balak mo ngayon? Hindi naman pwedeng ganyan ka na lang at malayo sa negosyo ni Marciano. Alalahanin mo. Ikaw na ang nagmamay-ari ng lahat na naiwan niya," tanong ni Eli sa kaibigan. "Huwag mong isipin ang negosyo ni Marciano, ano ka ba! Magaling si Ulysses. Kayang-kaya na niya iyon." "So, talagang ganoon kalaki ang tiwala mo sa kanya?" "Oo naman. Bakit naman hindi? Eh siya ang kasama ni Marciano na nagpalago ng negosyo. Kaysa naman ako ang humawak. Anong alam ko sa pagpapatakbo? High school lang naman ang tinapos ko." "Masyado mo namang minamaliit ang sarili mo. Matalino ka, Carmela. Naniniwala akong kaya mong humawak ng negosyo." "Huwag mo na ngang ipilit. Bakit ko kailangang magpa-stress sa negosyong iyon. Nasa magandang pamamalakad ang lahat. Si Attorney Bego

